nakakatamad kayong kasama,tsk!mga kadiri pa kayo!

kung pwede lang ay sabihin ko yon ng malakas ay gagawin ko,kaso ayoko namang mapaaway,siguradong talo ako,ayokong aminin pero sa bw*sit na gab nga na yon na mag isa at inosente talo ako,sakanila pa na mga squatters at mukhang sanay sa bakbakan.

tahimik lang ako na nakatitig kay ken,nagsalita ulit ang babae sa harapan ko kaya tinignan ko sila.

bakit parang may binabantayan ka sakanilang tatlo?

oo nga,sino ba sakanila ha?

si ken,diba steph?ex nya si ken.

ay ganun?matagal na ba kayong hiwalay?

yeah,3 years.

3 years?!hindi ka pa nakakamove on?

tsk!nakakairita naman ang mga babaeng 'to,puro tsismosa!

hindi na ako sumagot sa tanong nila kaya nagkanya kanya na sila ng kwentuhan,ako naman ay kay ken ulit tumingin.

may problema ba bro?

magkaaway sila ni gab.

tsk!bakit nanaman?birthday na birthday ko inaaway mo ang baby loves ko.

tsk!g*go!gusto mo bang bangasan kita dyan ha?!

hindi bro,nagjojoke lang naman ako e,bakit ba kayo nag away?

tsk!matigas kasi masyado ang ulo nya,hindi siya nakikinig sa mga bilin ko,naiinis na ako dahil para sakanya naman yon,para siyang hindi makaintindi,tapos siya pa ang galit ngayon,tapos sigurado nadagdagan ang galit nya dahil kay steph,bw*sit talaga!

tsk!bakit naman kasi parang linta sayo si steph e.

bakit nyo ba kasi siya inimbita ha?!f*ck!mga t*nga!

kumirot ng bahagya ang dibdib ko ng marinig ko yon pero may parte padin sa dibdib ko na masaya ako dahil hindi pala sila okay ng babaeng yon.

hoy hindi ako,si daniel lang,nadulas nanaman siya,hindi na namin mabawi dahil mala paniki ang ex mo.

tsk!nakakainis,nakarinig nanaman sakin ng masakit na salita si gab.

sabi ko na nga ba at nasabihan mo nanaman ng kung ano.

nakakarindi pa naman ang bibig mo.

tsk!namura ko pa.

hays,nasaktan yon bro,bakit ayaw mong suyuin?

oo nga,kesa uminom ka dyan at manigarilyo puntahan mo siya at makipag ayos ka,kawawa naman ang baby loves ko.

f*ck!isa pang tawag mo sakanya ng ganyan sasamain ka na saking h*yop ka!

hahahaha,isa pa nga daniel.

ano?!ayoko nga!

gusto ko kasing makitang samain ka kay ken e,hahahaha.

ul*l ka talaga ryan noh?!lunurin kita dyan e.

natahimik na si ken,nakita kong naglakad palapit si jace sakanila at naupo pa sa harapan nila at doon uminom,medyo nakaramdam ako ng kaba dahil alam kong mainit ang dugo sakanya ni ken,kahit noon pa man na nag aaral palang sila ay nasasabi sakin ni ken na bw*sit siya kay jace.

oh pare?si gab?

paano mo nalaman ang pangalan ng fiancee ko ha?!

i searched it,tsk!nasaan nga siya?

Unang BesesWhere stories live. Discover now