ken?!sama ako sainyo ni lola!

dinaanan lang ako ni cass at mabilis na humabol kay ken at lola kasama ang mga tauhan niya.

pumasok ako sa loob,naupo ako sa upuan sa tabi ni tristan,nasa harapan namin si gab na nakangiti lang habang kandong kandong si leo, nagpapayabangan pa ang mga pinsan namin sakanya,and i think diskarte nila yon dahil alam kong may gusto sila kay gab,tsk!pati sila natamaan ng ganda ni gab,grabe.

hahaha,mmm what is the meaning of patakin?

hahaha,pitikin yon.

ow ah,pitikin pala.

ganito yon oh.

isa isa nila akong pinitik kaya napadaing ako.

aray!tsk!

hahaha,the ear of josh is namumula na.

napangiti ako ng banggitin nya ang pangalan ko habang pulang pula pa ang pisnge dahil sa pagtawa,sabay sabay namang nagtawanan yung mga pinsan ko dahil ang lakas lakas ng pagtawa ni gab.

maya maya biglang naging seryoso ang usapan nila,tahimik lang akong nakikinig sa kanila habang na kay gab lang ang paningin ko.

ay kuya josh,ano nga bang apelyido ng isa pang kilala sa laguna?

ledesma.

ledesma pala,gab kilala mo ba ang mga ledesma?

pinagdikit ni gab ang labi nya ng itanong iyon sakanya ni neil.

mmm,y-yes.

talaga?isang pamilya din ba sila?may anak?maganda,gwapo ano?

h-huh?a-ah,

gabriela louise ledesma ang buong pangalan ni gab,siya ang nag iisang anak ni tito elorde ledesma at tita allison ledesma.

lahat sila ay nakanganga habang nakatitig ngayon kay gab,si gab naman ay parang nahihiya na siya,humarap si leo sakanya at hinawakan pa ang magkabilang pisnge nya.

ibig sabihin ate gab napakayaman nyo din po kagaya nila kuya ken at kuya josh?

h-huh?n-no naman.

yes leo,mayaman sila.

wow!malaki po ba ng sobra yung bahay nyo?

mmm,no mas malaki lang ng konti here sa house ni lola.

napailing ako dahil sa sinabi nya,tsk!hindi nya talaga alam ang salitang yabang,grabe lalo lang siyang gumaganda sa ugali nyang yon.

a-ah,hehe nakakahiya ang yaman yaman mo pala gab tapos pinapakita namin yung asta naming pang palaboy sayo.

oo nga,nakakahiya.

nakakunot ang noo ni gab habang nakatitig kila tristan,kiko,osep at neil,alam kong wala siyang naiintindihan sa mga sinabi nila.

what is asta and palabot?

ang ibig sabihin ng asta ay asal o ugali tapos palaboy yon hindi palabot,parang ano yon ah,basta parang nakatira sa kalsada ganun.

nakaawang lang ang bibig nya habang nakatitig sa kanilang apat kaya natawa ako ng mahina,tsk!wala siyang naiintindihan,hahaha ang cute nya talaga.

ah gab,bakit naging kayo ni ken?

huh?what?

i mean si ken kasi hindi naman marunong manligaw yon,babaero yon e.

oo nga,alam mo nagbibilang ng babae yon,pero gab ikaw lang ang pinakilala nya samin.

Unang BesesWhere stories live. Discover now