b-baby,i'm here.

maya maya ay naging normal na ang paghinga nya kaya nakahinga na ako ng maluwag dahil nabawasan na kahit papaano ang pag aalala ko sakanya.

b-baby,p-please magpahinga ka na.

inalalayan ko siyang mahiga sa kama ko,nang makahiga na siya ay umikot na ako para makahiga nadin sa tabi nya,sa dulong dulo siya nakapwesto,malayo sakin,nakatalikod din siya at halata kong ayaw madikit sakin kaya hindi ko na pinilit dahil baka lalo lang siyang magalit sakin.

matagal akong nakatulala lang,hindi ako sanay na magkatabi nga kami pero para naman akong may sakit na nilalayuan nya,sobrang hirap ng nararamdaman ko sa dibdib ko,sa ilang buwan naming magkasama sa iisang bahay ay ngayon ko lang narinig si gab na nagreklamo,at sobra akong nasasaktan dahil don,sa sobrang pagkapanatag ko na mabait si gab,na kapag may nasasabi at nagagawa akong hindi maganda sakanya alam ko agad na papatawarin nya ako ay hindi ko na iniisip ang nararamdaman nya.

f*ck!i really hate myself,sobrang selfish ko,nasaktan ko siya ng sobra ng hindi ko manlang nalalaman.

sinilip ko siya,tulog na tulog na siya,niyakap ko siya at ilang beses hinalikan sa pisnge.

i'm so sorry mahal,i promise babawi ako sayo.

tinitigan ko siya,puro kalmot ang mukha nya,mababaw lang naman iyon pero alam kong masakit padin yon kaya nainis akong lalo kay cass,tsk!problema talaga ang bitbit palagi nilang dalawang ng josh na yon!

niyakap ko siya sa waist at tsaka hindi na siya binitawan hanggang sa makaramdam nadin ako ng antok.







AUTHOR'S NOTE

[Please listen to Baliw by SUD while reading this part]

5am palang ngayon ay nakaligo na ako dahil gusto kong ipagluto si gab,gusto kong bumawi sakanya.

bago ako lumabas ng kwarto ay nilapitan ko muna siya,hinaplos ko ang pisnge nya at tsaka hinalikan siya sa noo at ilong.

mabilis na akong bumaba,wala si manang at ate eden dahil malamang ay namimili sila ng mga stocks.

tapos ko ng lutuin ang pork cutlet,tahimik lang ako na hinihintay lang na kumulo ang beef sinigang ng parang bigla kong maamoy si gab kaya agad akong napalingon,tama nga ako dahil nakatayo siya sa harap ng coutertop habang nakatitig sakin.

gusto ko siyang lapitan pero tinalikuran ko lang siya ulit dahil baka atakihin nanaman siya ng hika nya kapag nilapitan ko siya dahil sigurado akong galit pa siya sakin.

natigilan ako ng bigla nya akong yakapin ng mahigpit sa bewang mula sa likuran,humarap ako sakanya,hindi siya bumitaw sa pagkakayakap sakin,sinilip ko ang mukha nya,nakapikit siya habang nakasubsob ang mukha nya sa dibdib ko,maliit siya kaya hanggang doon lang abot ang mukha nya.

niyakap ko siya pabalik kaya nag angat siya ng paningin sakin,nag umpisa nanaman siyang umiyak na parang bata kaya yumuko ako at hinalikan siya sa noo ng ilang ulit.

ssshhhh,don't cry baby.

i-i'm s-sorry.

ssshhhh,its okay.

i-i'm so s-sorry.

hinawakan ko siya sa bewang at binuhat,iniupo ko siya sa ibabaw ng countertop para magpantay ang mukha naming dalawa.

Unang BesesWhere stories live. Discover now