bantayan nyo itong pusa,humanda kayo sakin kapag nadumihan yan!

yes boss.

dinala muna ng dalawa kong utusan ang pusa sa safe na pwesto,naiwan sakin ang tatlo ko pang utusan na agad akong pinagsalin ng alak,pag inom ko ay parang nakumpleto na ulit ang buhay ko,tsk!alak lang ang palagi kong kasama sa lahat,alak lang walang iba.

nag uumpisa ng umikot ang paningin ko,pero tuloy tuloy lang ako sa pag inom,nakapikit na ako pero kaya ko pa.

babe?oh babe,anong ginagawa mo dito?

pilit kong nililinawan ang paningin ko para makita ko kung sino siya.

steph?

yes babe,ako 'to.

tsk!anong ginagawa mo dito?

ikaw?anong ginagawa mo dito?

tsk!this is my bar!at malamang umiinom ako dito,t*nga ka ba?!

i'm not t*nga noh?okay sasamahan nalang kita dito.

hindi ko kailangan ng kasama steph,doon ka maupo sa malayo sakin.

inalis ko na ang tingin ko sakanya pero bigla nya akong niyakap,kumunot ang noo ko ng halikan nya ako sa leeg kaya tinabig ko siya.

steph ano ba?!

what?

stop kissing me!

tumawa lang siya at bigla nya akong hinalikan sa labi,sa inis ko ay naitulak ko siya at tumayo naman ako habang pinupunasan ang labi ko.

what the f*ck stephanie!

ano bang problema mo ken?

tsk!g*go ka ba ha?!wag mo akong hahalikan naiintindihan mo?!

okay i'm sorry,tsk!i know you're drunk lang kaya ayaw mong magpahalik sakin,akala mo naman na hindi ko alam na papalit palit ka ng babae nung nawala ako,and i know kung bakit,dahil hindi mo ako makalimutan.

natahimik ako sa sinabi nya,tumayo na siya at lumapit sakin,tumingkayad siya at tsaka hinalikan ako sa pisnge.

i still love you ken,kaya ngayong nandito na ako ulit,hindi na kita papakawalan pa.

ngumiti pa siya sakin bago siya naglakad palabas,nawalan na ako ng gana uminom dahil kay steph,pinakuha ko na ang pusa,nagpadrive na ako pauwi dahil ayoko pang mamatay,magkatabi kami nung pusa sa likod,tinitingnan ko iyon,nakatingin din siya sakin,hinaplos ko ang ulo non at kinausap.

magpapakabait ka okay?makikilala mo na later ang mommy mo.

napasaltik pa ako habang napapailing ng ibulong ko iyon sa pusa,isinandal ko ang ulo ko at tsaka pumikit.

boss?boss?

nainis ako ng may kumalabit sakin kaya tinabig ko iyon ng maidilat ko na ang mga mata ko.

bakit ba iniistorbo mo ang pagtulog ko ha?!p*nyeta!

e boss nandito na po tayo sa building ng bahay nyo.

tsk!dalhin nyo yung pusa.

agad akong pinagbuksan ng tauhan ko,dala dala naman nung isa yung pusa,pagewang gewang na ako sa paglalakad pero kaya ko pa,ganito naman lagi ang eksena kapag nag iinom ako.

good evening sir ken.

hindi ko na pinansin ang guard at dirediretso lang ako sa elevator,nang makarating sa 8th floor ay bumukas na ang elevator,bababa palang sana ako ng bigla akong tumaob dahil sa lakas ng pagkakasuntok sakin,agad akong napaubo ng ilang ulit,itinayo ako ng mga tauhan ko at dinala sa labas ng elevator habang panay padin ang ubo ko.

Unang BesesWhere stories live. Discover now