Noon ngang gabi na biglang hinika si Ate Kang ay hindi na ako mapakali. Masabi mang ganoon ay nagbigay-daan iyon para makapagkuwentuhan kaming dalawa noong humupa na ang hika niya. Sa una ay nahiya pa si Ate, pero ilang minuto lang ay nag-umpisa na siyang magtanong sa akin ng mga personal na bagay, tulad ng kung bakit ako napunta rito. Umiwas ako agad. Napansin niya siguro ang ganoong reaksiyon ko kaya hindi na umaabot ang mga usapan namin nang mas malalim pa—iyong tipong personal.

Nang dumating naman si Diletta, simpleng tanungan at kuwentuhan lang din. Sa sobrang simple pa nga ay hula namin ni Ate Kang na hindi niya alam na kapatid namin siya. Mukha rin siyang mamahalin, may pagka-maldita at maarte, siyang inaasahan ko na noong unang beses ko siyang nakita. Pero lubos kaming natutuwa ni Ate Kang sa kanya dahil lumalaban siya kay Emilia.

Masaya naman akong makasama at makilala sila maski paano. Minsan pa nga ay nag-aalala ako sa isa ko pang kapatid na hindi tinanggap ni Emilia. Nakakamangha rin ang pagkakataon dahil nagkrus ang mga landas namin, at sa bahay pa ni Dad nangyari.

Pero marahil, nasa sistema ko na ang pagiging cautious. Kahit alam kong malaya akong magtanong anong nagtulak sa kanila para pumunta rito, o kaya naman ay tanungin kung saan sila nanggaling at anong kailangan nila kay Dad, o kaya naman ay sabihin ko sa kanilang kay tagal kong pinangarap ang pagkakataong makita sila, ay hindi ko magawa.

Kinita-kita ko nang sa kanila na mababaling ang buong atensyon ko. Kapag nangyari iyon, hindi ko na matutupad iyong pangarap ko para kay Nanay. Alam kong hindi ko makikita ang magiging reaksyon niya, pero alam kong makikita niya pa rin kapag namuhay na akong hindi mag-isa at may... .

Malalim ang naging paghinga ko. Kinuha ko ulit ang pako at itinusok iyon sa tabo. "Huwag mong ibahin ang usapan," sabi ko. "Explaination ko ang hanap mo pero biglang tanong ka tungkol dito sa tabo."

Bumuntonghininga siya. Nagtitigan na naman kami. Hindi siya nagsalita kaya hindi rin ako nagsalita.

Hanggang sa hindi siya nakatiis. "I'm waiting."

"Ayaw kong ma-stuck sa kung saan ako iniwan ni Cas." Bumigat na naman ang dibdib ko. "Gusto kong mag-move forward, Riguel, at least magkaroon ako ng pag-asa ulit."

"Pag-asa saan?"

"Na..." Napalunok ako.

"Na ano?"

"Na magkaroon ng ano—" Dios mio, Yna. Mag-e-explain ka na lang din, hindi pa rektahan.

"Pag-asa na magkaroon ng ano?" tanong niya ulit.

Pero ilang segundo ang lumipas, hindi na ako nakaimik. Nang akmang tatayo siya ay ipinikit ko na lang ang mga mata ko. "Magkaroon ng asawa; iyong taong tiwala ako na hindi ako iiwan at sasamahan ako sa hirap at ginhawa. Iyong sasamahan akong bumuo ng pamilya."

Corny, at cheesy. Ngiwi ang mukha ko sa mga salitang nagamit ko. Hindi ko nga rin magawang magmulat kaya inaasahan ko nang wala na si Riguel sa harap ko. Nakakakilabot nga namang pakinggan ang mga iyon kaya siguradong natakot o nawirduhan siya sa akin.


Nang magmulat ako ay hawak-hawak na iyon ni Riguel. Pati iyong pako ay kinuha na niya mula sa baga gamit ang pliers.

Ginaya niya ang ginagawa ko kanina. "That's the weirdest thing I've heard." Ngumiti siyang sinulyapan ako at sinuri iyong butas na ginawa niya. "Aunt Emilia already made a hint last time."

Nakakatunaw ng puso iyong huling sinabi niya. Hindi rektahan pero parang ipinapahiwatig niyang ayaw niya akong masaktan kung sakaling hindi niya ako seseryosohin. Pero mas nakakatunaw ng puso iyong mukha niya. Pansin ko na noon pa: mukha siyang pure Korean kapag close up. Pero kapag iniba na ang anggulo, doon na makikitang nahaluan siya ng ibang lahi.

Mantovani Maids: CaterinaWhere stories live. Discover now