Kukunin ko sana ang hawak ni Jepoy para mailagay na sa kiln. Kaso, nilayo niya ang kamay niya.

"Ako na," aniya. "Baka mabasag mo pa. 'Kita mo iyang mukha mo? Parang gusto mong manira ng gamit. Doon ka na sa counter. May dapat kang basahin doon. Baka sakaling gumanda ang araw mo."

I roll my eyes but then walk out from the firing room. Pagkaupo ko sa loob ng counter, hinarap ko agad ang computer monitor.


V-Central Art gallery is now looking for artists who want to showcase their pieces for the opening of its pottery, ceramic section that will hold an exhibit this coming July. 10 lucky artists who would pass the tryout will be chosen to feature their works to the said exhibit.

For those who want to enlist...

Hindi ko na tinuloy ang pagbabasa sa advertisement. Husto lang na nagngitngit ang loob ko. Nakagawian na ni Jepoy na sabihin sa akin palagi kapag may mga ganito. Hindi ako kailanman sumali. At hindi pa rin sasali. Mahirap nang mae-expose ako sa labas. Posibleng malaman ni Aunt Emilia.

"So, ano?" Biglang sumulpot si Jepoy. Dumungaw pa ang loko sa counter.

"Nag-uulyanin ka na ba?" Pinatong ko ang siko ko sa desk. Ang sentido ko, bumagsak sa hinlalaki ko.

Pumalatak siya. "Sumusubok lang, Riggs. Hindi ka pa naman na nagpapa-Maynila. Marami ka nang oras."

"Kahit pa." Tumayo akong dumeretso palabas ng tindahan.

"O, saan ka pupunta?"

"Yosi break." Kaso, hindi lang ganoon ang nangyari. Bumiyahe na rin ako pa-Tarlac. Focus naman ako sa pagmamaneho. Malas lang dahil kung saan-saan napunta ang utak ko. Ang siste, panay na ang pagmasahe ko sa sentido.

I've never had anxiety like this before. Sanay akong nasasaktan pero kahit minsan, hindi ako nag-aalala sa mga susunod na mangyayari.

Halo-halo na. Hindi ako makapag-isip nang matino. Dumagdag pa itong cell phone kong maya't maya nagba-vibrate. Si Zarina ang tumatawag; noong nakaraang linggo pa at inaraw-araw na niya. Hindi ko sinasagot. Wala namang dahilan para kausapin ko siya. Ngayon ko lang din nagawang pansining tumatawag pala siya dahil hindi naman big deal noon, kumpara ngayon na punong-puno na ang utak ko kakaisip.

Nasa pagmamaneho pa rin ang atensyon ko noong tumigil ang pag-vibrate ng cell phone kong nasa dashboard. Kinuha ko iyon para sana i-block ang numero ni Zarina.

Kaso, lumitaw ang numero ni Aunt Emilia sa screen.

Hati ang kalooban kong sagutin. Palagi namang ganoon.

Nangangasim ang bibig kong sinagot ang tawag. "Aunt Emilia."

"Nasa Costa Rio ka pa ba, iho?"

"On the way na sa Palazzo."

"Mabuti kung ganoon. Bago ka dumaan dito, pakisundo muna si Yna sa bayan. Inutusan ko siyang mamalengke. Nasa Cecilia's siya at naghihintay ng susundo sa kanya. Siguraduhin mong sasama siya sa iyo. I want progress, iho."

Ang diin-diin ng pagkakasabi niya sa salitang iyon.

Don't forget, Riggs, you need this. You need this. It repeats in my hearing, and the advertisement Jepoy had showed me earlier suddenly pops into my head.

"Sure." Matatag. Walang emosyon. Nagtunog robot ako sa sagot kong iyon. I even drive fast. Pagkarating ko sa fastfood chain na sinabi ni Aunt Emilia, pagka-park ko ng sasakyan, literal, wala akong ibang maramdaman kundi iyong pamilyar na kurot sa loob ng dibdib ko.

Nasa loob ng kainan si Cat, nakadalo sa isa sa mga mesa. Maraming pinamalengke niya ang nakapatong sa ibabaw. Maganda na ang tanawin kung iyon lang ang titingnan.

Mantovani Maids: CaterinaWhere stories live. Discover now