"Sen. Abella? My Tito...'' He sighed.

Nagtaas ako ng kilay sa narinig. I honestly shrugged the idea off. Nawala na iyon sa aking utak nang malaman na kahit pa'y Tito niya iyon ay wala naman silang direktang komunikasyon. At first, I was bothered. The least thing I want to do is to be associated with someone who's corrupted.

But when I heard from him that they are only associated with blood, I shrugged it off. Hindi ko na iyon inisip pa lalo na't unti-unti ko nang binubuo ang tiwala sa kaniya. I don't think he's corrupted. Well, I'm sure he is not. Lumaki siyang mayaman at sa tingin ko naman ay hindi niya na kailangan pang maging corrupt. Naniniwala naman ako sa kaniya.

''Hmm... Hindi naman ako bothered, kung iyon ang iniisip mo,'' sagot ko at tinignan siya. Napansin ko ang kaniyang paglunok. ''Well, siguro noong una, curious ako. I have a bad impression of you before I worked for Konsehala. Kahit pa na mayroon akong naririnig na magaganda tungkol sa 'yo ay hindi pa rin ako naniniwala.''

''Because of Sen. Abella?''

Napangisi ako. Hindi niya talaga tinuturing na pamilya iyong gagong iyon, ano?

Tumango ako.

''I'm not associated with him. You see...'' he breathed.

Napahalakhak ako. ''Alam ko. May tenga naman ako at narinig kita kanina.''

Ngumuso siya.

''Bakit ba? Ikaw yata ang bothered sa ating dalawa eh.'' Mukha siyang tensed ngayon. Akala niya ba na magbabago ang tingin ko sa kaniya dahil do'n? I laughed. ''Hindi naman nagbago ang tingin ko sa 'yo. Siguro kung magiging corrupt ka, oo. Automatic goodbye.''

I chuckled but he only kept a straight look.

''I will never, ever be corrupt, Joshien.'' He looked at my hand again. Nakapatong na iyon sa aking kandungan. Namula siya at iniwas na lamang ang tingin doon. Sa halip na sa kamay ko ay tinignan niya na lamang ako gamit ang mapupungay niyang mata. ''I promise that...''

Kahit pa ba gusto kong marinig iyon ay hindi niya dapat sa akin sinabi. At hindi lang dapat niya sabihin kung hindi't gawin at panindigan. Politics is all abot who gets what, who, and how... and his kind of politics should not include that.

Hindi dapat iyon sa kung ano ang makukuha niya, ngunit tungkol sa ano ang maibibigay niya bilang isang lingkod bayan. His name is supported by his great achievements and I don't want him to get easily swayed by bribe and money.

Mangako siya sa bayan, hindi sa akin.

''You know where and to whom you took your oath for?'' I smiled. ''That's where you have to do and keep your promise.''

---

''Spaghetti nga lang ang sinagot ko, Ate! Promise!''

Pabiro ko siyang inambahan ng sapok gamit ang wallet ko. Umagang umaga ba naman, nagpapaalam na may outing daw silang magkakaibigan at sinagot niya ang spaghetti?!

Buti pa kung lima lang sila, e! Eh kaso, trenta! Punyeta!

''Ito naman si Ate... Sige na, bigyan mo na akong pera.'' Siniko niya ako at nginisihan. Nakanguso pa ang gaga na parang nagmamakaawa. ''Alam ko namang mayroon ka diyan eh. Sus. Ikaw pa. Alam ko kung gaano ka kakuripot 'no!''

The Red Light KissWhere stories live. Discover now