21

189 9 0
                                    

Kung gaano kabilis ang pagtakbo nina Katharina at Jodi patungong pinto ay ganoon din kabilis ang pagpintig ng kanilang puso. Sigurado silang ang mga lalaking minamahal nila ang nasa kabila noon.

Malawig na ngiti ang pinakawalan ng mga dalaga nang buksan nila ang dahon ng pinto. Unti-unting napawi ang ngiti nila nang tumambad sa kanila ang dalawang binata na magkahawak ang kamay.

"What the?" ani Katharina na napalitan ng annoyance ang ekspresiyon. She was about to slam the door but Nicky and Kian dodged it.

"Uy, teka lang. Teka lang!" Sa wakas ay nakapasok na ang dalawang binata. "Nagbibiro lang, eh," ani Nicky Byrne na natatawa-tawa. Nag-apir sila ni Kian na ganoon din ang ekspresiyon.

Habang nasa daan kasi ang dalawang binata papuntang Belfast ay naisip nilang i-prank sina Jodi at Katharina, na kunwari ay ipakikita nila na nagkabalikan sila para inisin ang dalawa.

Nagtagumpay nga ang plano dahil parehong nakabusangot ang dalawa na ngayo'y nakahalukipkip ang mga braso habang masama ang tingin sa kanila.

"Sandali lang, Kian. Lalambingin ko lang itong laloves ko."

"Laloves? Ang baduy mo!"

"Ay sus. Kunwari ka pa." Inakbayan ni Nicky si Katharina at niyaya niya ito palabas ng bahay.

•••

Pinagmamasdan ng dalawa ang kalangitan na natatakpan ng madilim na ulap. Bahagya kasing umulan kanina kaya hindi nila makita ang tala at buwan na tumatanglaw sa kalangitan.

"Madilim no?" panimula ni Nicky. "Parang buhay ko kapag nawala ka sa piling ko."

Napaangat ang isang kilay ni Katharina pero sa loob-loob niya'y nakuha ng binata ang kiliti niya. "Ano na naman 'yan?"

"Uy, kinikilig 'yan," tudyo ni Nicky sa dalaga. Kinikilig 'yan."

"Nicky, ano b—"

Katharina was trailed off when Nicky interrupted her with a kiss which lasted for three seconds.

Kusang bumitiw si Nicky. He distanced himself a couple inches away but he didn't detach his gaze from Katharina. "I love you."

Nais kumalas ng puso ni Katharina nang marinig ang tatlong salitang binitiwan ni Nicky. "P-Pakiulit."

Dinala ni Nicky ang likod ng palad niya sa pisngi ng dalaga. "I said, I love you, I love you, and I love you." Sa bawat pagbigkas niya ng I love you ay ginawaran niya ng magaang halik ang kaharap.

Lumalambong na ang mga mata ni Katharina.

Muling nagpatuloy si Nicky. "Noong una, gusto kong sisihin itong agreement nating apat na ito kasi nagkagulo-gulo na. Imagine? I lend my boyfr...err.. ex-boyfriend while allowing myself to be your fake boyfriend at the same time. I want to be mad 'cause it ruined my previous relationship. But later on? Hindi ko akalaing ang regret na iyon ay mapapalitan ng pasasalamat. Pasasalamat dahil sa pamamagitan ng deal na ito ay nakilala ko ang tamang taong sigurado na akong gusto kong makasama sa habambuhay. And it's you, Katharina. It's only you."

"Oh, Nicky," tangi lamang nasabi ng dalaga. Sa labis na emosyon ay inilambitin niya ang mga braso sa palibot ng batok ng binata. "I love you too."

"I love you three..."

"I love you four.. forever," ani Katharina at mayamaya ay marahan niyang hinigit ang ulo ng binata upang maabot ang malalambot na mga labi nito.

"Can you be my real girlfriend?" buong pagmamahal na tanong ni Nicky.

"Tinatanong pa ba iyan? Kahit wife pa, yes na yes!"

Sumilay ang ngiting abot sa mga mata ng binata nang marinig ang matamis na sagot ng kaniyang babaeng minamahal.

•••

"Love." Kumalat ang kuryente sa katawan ni Jodi nang marinig niya ang pamilyar na baritonong boses na iyon na nagmumula sa kaniyang likuran.

Hinarap niya si Kian. Sa pagkakataong iyon ay nabigyan niya ng kalayaan ang sariling pagmasdan ang bawat detalye ng mukha nito. Gustong-gusto niyang haplusin ang bawat bahagi noon pero pinangungunahan siya ng hiya.

She sighed which didn't escape from Kian's eyes.

"What's bothering you?"

Nag-iwas ng tingin ang dalaga. "N-Nahihiya ako sa mga sinabi ko sa family dinner." Tinampal-tampal ni Jodi nang mahina ang mukha pero pinigilan ni Kian ang kaniyang palapulsuhan.

"Huwag." Hinawi ni Kian ang mangilan-ngilang buhok na humaharang sa mukha ng dalaga. "Ako nga dapat ang mahiya e kasi hinayaan ko pang ikaw ang mauna sa pag-amin."

"What do you mean?" Tinitigan ni Jodi ang asul na mga mata ni Kian. Her breathing starts to hitch but she tries to hide it.

"Kailangan ko pa bang sabihin na mahal kita para mapatunayan kong mahal nga kita... o matagal mo nang nararamdaman iyon?"

"Yung pagtupad mo sa bucket list... yung bawat halik natin... Iyon ba ang paraan ng pagpapakita mo ng pagmamahal sa akin?"

"Precisely."

Lumigaya ang puso ni Jodi sa tinuran ng lalaki. "But still, I need to hear words for affirmatio—"

"I love you."

Kumibot-kibot ang mga labi ng dalaga nang marinig ang mga salitang iyon mula mismo kay Kian.

Her eyes shred tears of joy. Punom-puno ng kagalakan ang kaniyang puso. "Totoo na ba ito? Wala nang halong pagpapanggap?"

Itinaas ni Kian ang kanang kamay, aktong nangangako. "Totoong-totoo. Katotohanan lamang at pawang katotohanan lamang."

"I love you too, Kian."

Hinapit ni Kian ang dalaga para mas mapalapit sila sa isa't isa. Napaigik si Jodi ngunit wala siyang pagtutol.

Mayamaya pa ay muling naghinang ang kanilang mga labi, at natagpuan na lamang nila ang kanilang mga sarili na nagpapalitan ng halik. Sa una ay mababaw pero sa kasabikan ni Jodi ay napupunta ang paghalik niya sa pagkapusok.

"Stop it, love."

"Bakit?" May pagtataka man ay tinanong ni Jodi ang binata.

"Your image in that sexy lingerie is still crystal clear in my mind. Baka hindi ako makapagpig– aray!"

"Nakakainis ka!"

Kinabig ni Kian ang dalaga. "Joke lang! Smack lang muna kasi."

"Anong smack? No kiss for one wee—"

Hindi na natapos pa ang sasabihin ni Jodi dahil ginawaran siya ni Kian ng halik na punum-puno ng pagmamahal.

"I love you, my love."

I love you too, my love."

Wakas

Let's Swap [Completed]Where stories live. Discover now