8

119 7 1
                                    

"Pupunta na ba tayo sa Dad mo?" tanong ni Kian kay Jodi.

"Of course not." Sandali nitong sinulyapan ang side mirror. "We have to make our relationship look believable. We can do that if we take time to know each other first."

Kian nodded. "You do have a point." Ipinokus niya ang tingin sa harap.

Ngayon ay binabaybay nila ang kahabaan ng daan pabalik sa Dublin. Naroon ang mansion nina Jodi pero hindi muna roon ang kanilang destinasyon. Sa townhouse muna ni Jodi sila mananatili.

•••

"What's these?" nagtatakang tanong ni Kian nang may iabot si Jodi sa kaniya. Nandito sila sa kuwarto ng dalaga.

"Slambook."

Nagliwanag ang mukha ni Kian. Nakuha na rin niya kung para saan iyon.

"Sagutan natin 'to then mayamaya, exchange tayo." Sumalampak na si Jodi sa kama samantalang si Kian naman ay dumiretso sa table sa gilid.

Tahimik lang na nagfi-fill out ang dalawa. Pagkalipas ng tatlumpung minuto ay nagpalitan na sila.

Natuon ang atensiyon ni Kian sa isinagot ng dalaga sa Ten Things To Do Before I Reach 30:

1. Toast marshmallows on a camping trip
2. Jump off a cliff
3. Hold a tarantula size spider
4. Witness a solar eclipse
5. Watch a caterpillar turn into a butterfly
6. Drink a fresh milk from a cow
7. Have my nude body artistically painted
8. Attend a foam party
9. Receive a fan letter
10. Dress in super sexy lingerie

"Kakaiba ang bucket list mo," Kian said as he scans the list.

"Yours is boring," sagot ni Jodi. "Look, have a yoyo, have a ukulele, get a skateboard, own a lightsaber, and get a rollerskates." Bored na tiningnan niya si Kian. "With all the money you have, you can already buy these things."

"I know." Tumayo si Kian sabay lumakad palapit kay Jodi. Umupo siya sa gilid ng kama. "Pero hindi ko naman goal na bilhin ang mga iyon. I want to receive those as a gift. Parang ang sarap kasi sa pakiramdam na matanggap ko ang mga bagay na pinakaaasam ko bilang regalo."

"So paano kung walang magbigay sa iyo ng ganito?"

"Eh, 'di wala. Hindi naman kabawasan sa pagkatao ko kung walang magbibigay niyan," Kian concluded.

"Okay. Sabi mo, eh."

Nagpatuloy sa pagbabasa ng list ang dalawa.

"Fan ka pala ni Celine Dion?"

Napabangon sa higaan si Jodi. "Oo naman!" Sabik nitong hinanap ang remote sabay binuksan ang TV na nasa loob ng sariling kuwarto. Inilipat niya ito sa YouTube at nag-search doon ng karaoke version ng I Love You.

Amused na pinanonood ni Kian si Jodi habang inaawit nito ang liriko ng kanta.

•••

"You have a lovely voice," puri ni Kian kay Jodi nang matapos siya sa pag-awit. Bahagyang umangat ang pride ng dalaga dahil doon. Being complimented by a singer is a different thing.

"Thanks." Sumilay ang maliit na ngiti sa kaniyang mga labi. "Uy, kanta ka naman ng Westlife song!"

"Sure, pili ka lang," walang atubiling sabi ni Kian.

Kagyat na naghanap ng kanta si Jodi gamit ang keywords na Westlife instrumental song. Unang humanay sa list ay ang My Love.

Sinimulan ni Kian ang pag-awit at mayamaya ay sinabayan na rin siya ni Jodi.

Overseas, from coast to coast
To find the place I love the most
Where the fields are green
To see you once again
My love

"Ang galing!" Napapalakpak si Jodi. "Mantakin mong mapaawit ko ang isa sa miyembro ng boyband na hinahangaan sa buong mundo. Napakasuwerte ko nga naman."

Marahang tumawa si Kian.

Mayamaya ay naging seryoso si Jodi. Seryoso siyang nakatingin kay Kian.
"I love you, my love."

Nagugulumihanan si Kian sa tinuran ng dalaga. Nakatingin kasi sa kaniya ito habang binabanggit nito ang mga katagang iyon.

Lumiwanag ang mukha ni Jodi. "Tama! Love na lang ang tawagan natin dahil parehas na may salitang love ang kinanta natin."

Bahagyang umawang ang bibig ni Kian. Naunawaan na niya kung bakit nasabi ni Jodi ang mga unang kataga kanina.

"Love... Interesting," tanging nasabi ni Kian.

Let's Swap [Completed]Where stories live. Discover now