17

94 6 0
                                    

"Ang ganda ng mood natin ngayon, ah," bati ni Kian kay Jodi nang sunduin niya ito sa townhouse. Talaga nga namang kapansin-pansin ang gaan ng aura ng dalaga dahil malaki ang ngiti nito nang makapasok sa sasakyan ng binata.

"Wala lang. Maganda lang ang gising ko today." Humimig pa ang dalaga na akmang ikakabit ang seatbelt sa ibabaw ng katawan.

"Wait." Natigil ang pagkakabit niya nang iharang ni Kian ang sariling kamay sa pagkakabitan ng seatbelt.

Nahigit ni Jodi ang sariling paghinga nang matanto niyang napakalapit na ng mukha ni Kian sa kaniya. His warm breathe is fanning her face. "You forgot my kiss." Itinusok nito ang mga labi na parang nagpapa-cute.

Walang bantulot na ginagap ni Jodi ang mga pisngi ni Kian sabay dampi niya sa mga labi nito ng magaang halik. Isa na nasundan ng dalawa, na nasundan nang nasundan hanggang sa maging sampu.

"Are those enough?"

"Never been enough, love. I always yearn for your lips." Sa pagkakataong iyon ay hinapit siya ni Kian para makalapit sila sa isa't isa. Sa ilang saglit pa ay ginawaran na siya ni Kian ng malalim na halik na wari bang may nais ipahiwatig pero hindi niya alam kung ano iyon. "Your lips are so sweet, Jodi. I can kiss those all day."

Umakyat ang tila ba elektriko sa bawat parte ng katawan ni Jodi dahil sa sinabing iyon ng lalaki. Hulog na hulog na siya at sa bawat araw na nagdaraan ay lalo pang lumalalim ang pagkakahulog niya.

Sana buong ako rin ang i-yearn mo, hindi lang mga labi ko. bulong ng dalaga sa isip.

"Magtititigan na lang ba tayo rito?" Jodi interrupted their more than ten seconds gaze. Dahil doon ay marahan silang natawa, tila ba nagkakahiyaan.

Pinaandar na ni Kian ang sasakyan nang may lihim na ngiti sa kaniyang mga labi.

•••

Mayamaya pa ay nakarating na sila sa county of Sligo, ang hometown nina Kian. May thanksgiving party kasi ngayon. Hindi inaasahan ang paglakas ng katawan ng daddy ni Kian. Medyo fragile pa rin pero mas mabuti kaysa sa kondisyon niya noong nasa ospital pa siya.

"Halika, Kuya. Kanina pa kayo hinihintay ni daddy," ani Colm na pinagbuksan sila ng gate ng bahay. Pumasok din agad ito sa loob.

Akmang lalabas si Jodi nang higitin siya ni Kian. "My kiss?"

Ngumuso si Jodi na para bang pinipigil ang pagngiti. Sa huli'y nagpatianod din siya at pumayag sa kagustuhan ni Kian.

Ewan ba niya kung ano ang label nila ni Kian. Sa likod ng isip niya ay wala. Siguro ay pinangangatawanan lang talaga ni Kian ang pagpapanggap niya bilang kaniyang boyfriend.

There was a like a pain caused by a  prick of a needle that she felt. Sa pagpapanggap na ito ay siya ang pinakatalo. Pero ayos lang sa kaniya. Handa siyang makipagpustahan.

"Nandito na pala ang mamanugangin ko." Natigil sa pagmumuni-muni si Jodi nang magsalita si Kevin Egan. "Kumusta, future daughter-in-law? Bumeso si Jodi sa pisngi ni Kevin.

"Ayos na ayos po, si—"

"Dad. Dad ang itawag mo sa akin. Masanay ka na kasi iyan ang itatawag mo sa akin kapag naikasal na kayo nitong anak ko." Sumulyap si Kevin sa anak na katabi ni Jodi. Sumulyap din si Jodi kay Kian para makita kung na-o-awkward-an ang lalaki pero tila natutuwa pa ito.

Pang-Oscar awards ang acting mo, Kian. nais isatinig ni Jodi pero sinarili na lang niya iyon.

"Tama, love. Masanay ka nang itawag iyon kay dad." Jodi didn't expect when Kian stole a kiss on her lips right in front of his parents.

Nakaramdam ng pagkapahiya si Jodi kaya sandali siyang humiwalay. Nang tingnan niya ang mga magulang ni Kian pati ang ilang mga kapatid nito ay pawang nakangiti ang mga ito sa kanila.

"Parang tayo rin sila noong kabataan natin, hubby," ani Patricia, ang mommy ni Kian. Humilig ito sa balikat ng asawa.

"Oo nga, mommy," pagsang-ayon ni Kevin. "Ganiyang-ganiyan talaga tayo noon. Tingnan mo ang mga mata nila. In love na in love sa isa't isa."

Parang may bomba ang puso ni Jodi nang marinig iyon mula sa ama ng lalaking pinakatatangi. She was overwhelmed but that is only for just a few seconds.

Kian may be in love but not with her... maybe, with Nicky. Nakaramdam na naman siya ng kirot sa puso na agad din niyang inignora. She's here to be happy not to be heartbroken.

Kumain lang sila ng tanghalian at pagsapit ng hapon ay umalis din sila agad. May pupuntahan daw kasi sila ni Kian.

They went to a boutique. Nagtataka man ay sumama lang si Jodi. Wala siyang ideya kung ano ang ginagawa nila roon.

"Miss, can you give the best sexy lingerie for my girlfriend?"

Kung may salamin lang ay siguradong halata ang pamumula ng mukha ni Jodi. Paano ba nama'y may kalakasan ang boses na iyon ni Kian!

"Yes, sir." Tiningnan ng sales assistant si Jodi. "This way, ma'am."

Sampung klase ng lingerie ang inabot sa kaniya ng sales assistant. Halos lahat magaganda at hindi siya makapili ng disenyo.

Isang lingerie ang pumukaw sa paningin niya. Isang floral lace garter bra na may choker. Sabik niya iyong isinukat at nagpaikot-ikot siya sa harap ng salamin.

Muli siyang napangiti. Tinulungan na naman siya ni Kian na matupad ang isa sa nasa bucket list niya.

If it's not love, I don't know what it is. naalala niyang sinabi niya iyon kay Katharina.

Ngunit nang siya na ang nasa sitwasyon ay napakahirap pala. Hindi niya mabatid kung ano ba ang ipinakikita sa kaniya ni Kian gayong wala naman itong sinasabi sa kaniya. Isa pa ay hindi pa naman hiwalay sina Kian at Nicky.

Pa naman. Tumaginting iyan sa isip niya. Halos iuntog niya ang ulo sa dingding dahil sa naisip niyang iyon. She can't believe that she's thinking to that extent. Maling-mali dahil nagpapanggap lang sila.

Muli na namang kumirot ang puso niya. Sa pagkakataong iyon ay parang tatlong karayom ang tumusok sa puso niya.

Parami na nang parami, ah. saad ni Jodi sa sarili.

Bumalik ang isip niya sa isinusukat na lingerie. Para bang may hindi tama. Bahagya niyang sinilip ang labas at hahanapin sana ang sales assistant pero hindi niya mahagilap. Natuon ang mga mata niya kay Kian na prenteng nakaupo sa visitor's waiting area.

"Kian, halika."

Kaswal na naglakad ang binata palapit sa kaniya.

"Hmm?"

Hinigit ni Jodi si Kian papasok sa loob ng dressing room.

"Shit! Jodi what did you— What the?!" Nanlaki ang mga mata ni Kian sa tumambad sa kaniya.

Nakasuot ito ng lingerie!

Malalamig na pawis ang tumagaktak mula sa noo ni Kian. Pawis na pawis siya dahil nakakulong siya sa isang lugar kasama si Jodi na halos walang saplot sa katawan.

"Kian, may mali ka—"

Hindi na nakasagot pa ang binata dahil dali-dali itong lumabas sa fitting room.

Let's Swap [Completed]Where stories live. Discover now