13

89 7 0
                                    

"Dad, si Jodi po. Girlfriend ko."

Pinilit na iminulat ni Kevin Egan ang mga mata nang magsalita ang kaniyang anak na si Kian. Naglipat-lipat ang tingin nito sa binata at sa ipinakilalang nobya.

Kevin has been admitted in the hospital due a heart disease. Tinaningan na nga ito ng kaniyang doktor.

Inangat ng matanda ang isang kamay. Tila ba inaabot iyon sa dalaga. Wala namang pasubaling kinuha iyon ni Jodi.

"Ikaw na ba ang mamanugangin ko?" sa pilit na salita ay sinabi iyon ni Kevin.

Naluluhang tumango si Jodi sa awa sa matanda. Gayunman, sa kabila ng kondisyon nito ay kita ang nagtatagong kislap sa mga mata nito na siguro ay dulot ng nalamang balita.

May girlfriend na si Kian.

Madaling nakapalagayan ng loob ni Jodi ang mga kapatid at magulang ni Kian. Walang kaide-ideya ang mga ito na pagpapanggap lang ang lahat.

Matapos ang ilang oras na pananatili nina Jodi at Kian sa ospital ay umalis sila nang may ngiti sa mga labi. Masigla nilang iniwan ang daddy ni Kian na kung dati ay puro tulog lamang sa hospital bed pero ngayon ay kausap na nito ang mga anak at asawa.

"Ang saya-saya n'yong tingnan kanina," saad ni Jodi na naluluha pa rin sa galak. "Kami kasi, parang anlamig-lamig ng treatment sa isa't isa. Sabagay, ano pa ba ang aasahan ko e uso naman iyon sa mga gano'ng klase ng pamilya. I wish I could have a family like what you have, Kian."

Kian looked at her empathetically. "I am pretty sure you'll have your own family like us with the man you will love."

Bahagyang naipreno ni Kian ang kotse pero pinaandar din niya iyon. "I mean, a family... a family you'll start to build... with... Katharina." Tila ba nahirapan si Kian nang baguhin niya ang kaniyang sinabi. Dalangin na lang niya na sana ay hindi iyon nahalata ng dalaga.

"I... I know... Alam kong gano'n din kayo ni Nicky. Both of you will be a good father figure. " Jodi forced a smile.

Pumailanlang ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Ni isa man sa kanila ay hindi nagtangkang basagin iyon sa buong biyahe.

•••

"Kian, kinakabahan ako. Bakit ba may patakip-takip ka pa ng mata na nalalaman?"

"Ah, basta. Konting lakad na lang, oh."

Mayamaya ay tumigil na rin sina Jodi at Kian sa paglalakad. Makailang ulit na nagmulat-pikit ang dalaga para i-adjust ang paningin sa paligid. Nang magawa niya iyon ay lalong lumala ang kaba sa kaniyang dibdib. Paanong hindi e nasa harap sila ng napakalalim na bangin na ang baba ay isang dagat.

Jodi’s knees began to tremble. Later on, her body followed. She's totally shaking!

"K-Kian, huwag mong s-sabihing t-tatalon tayo rito?" Kumunyapit nang mahigpit si Jodi sa braso ng kasama.

Kian laughed softly. "The short answer is yes." Yumukod siya para makita ang paghampas ng alon sa baba. "Don't worry. Hindi kita ipapahamak."

"Pero K—"

Hindi na natapos ni Jodi ang pagsasalita nang higitin siya ni Kian pababa.

Mabilis ang pangyayari. Magkayakap silang bumulusok pababa sa malalim na tubig.

Gustong sumigaw ni Jodi pero hindi niya magawa. She wanted to ask help but before she could do that, there's already someone pulling her towards the surface.

She gasps for air and removes the water covering her face.

Nang makahuma ay tumambad sa kaniya ang napakalapit na mukha ni Kian na titig na titig sa kaniya. She was taken aback for a moment. Sa pagkakataong iyon ay may kuryenteng nanulay sa kaniyang mukha na hindi niya alam kung saan nagmula.

When she was able to get back to her senses, she averted her gaze away. Ibinalik niya ang tingin sa mataas na lugar na kanilang pinagmulan.

"Grabe, ang taas pala ng pinanggalingan natin."

"O-Oo nga." Hindi sigurado si Jodi kung dahil sa tubig o kaba ang dahilan ng paggaralgal ng boses ni Kian. Hinayaan na lang niya iyon.

They took several time to swim and when they feel the exhaustion, they both agreed to swim towards the shore.

Let's Swap [Completed]Where stories live. Discover now