"Gagi, kaya pala ganon yung outfit ni Ma'am. Ang hot niya sigurong tignan habang nagdadrive", may halo pang excitement yung boses nito.

"Sinabi mo pa", tugon ko naman.

"Wait, hindi ba ayaw mong umaangkas sa mga motorcycle?", natatawang tanong niya.

"Oo"

"Buti sumakay ka sakaniya"

"Ayaw kong umaangkas sa mga motorcycle pero mas ayaw ko naman masigawan niya at baka ibato pa saakin yung helmet niya", sagot ko na ikinatawa niya ng malakas.

"Grabe epekto ni Ma'am Chiara sayo grabe, I didn't expect na titiklop ka ng ganyan dahil lang sa isang babae", natatawa at naiiling na sabi nito kaya bumuntong hininga ako cause she's right.

Bukod kasi sa parents ko ay wala naman na akong iba pang kinatatakutan kasi pakiramdam ko ay kaya ko naman lahat, I mean kaya kong ihandle yung ibang tao pero iba yung dating ni Ma'am.

Parang meron siyang spell na nagiging sunod-sunuran ako. Hays, ewan ko ba.

"Sa gimikan, dati naman g na g ka kapag bingwit time tayo pero nitong mga nakaraan puro ka pass at lagi mong sinsabing wala kang type", dagdag pa niya.

"Nagstart lang yan nung last mong nakamakeout yung kambal ni Ma'am e--", tinakpan ko yung bibig niya kasi napapansin kong tingin ng tingin yung taxi driver sa rearview mirror na halatang nakikinig pa saamin.

"Shut up ka na nga, pwede naman natin pag-usapan 'to later", sabi ko sakaniya kaya inirapan niya ako. Ibang bagay nalang ang pinagkwentuhan namin hanggang sa makarating kami sa bahay ni Andrei.

Nakakailang doorbell palang kami ay lumabas na din ng pinto si Alexis, yung bunsong kapatid ni Andrei.

"Hi Alex", nakangiting bati ko sakaniya and I hugged him.

"Hello po ate Riley! I missed you!", sambit naman nito at niyakap ako pabalik, ganon din yung ginawa ni Riley.

Nagbakasyon kasi 'to sa probinsya nila at nung isang araw lang bumalik dito kaya ngayon ko nalang ulit siya nakita.

"Where's your brother? Hindi kasi siya pumasok", tanong ko nang papasukin niya na kami sa bahay nila.

"Si Kuya Andrei, hindi ba umalis kayo kagabi?", kunotnoo niyang tanong kaya nagkatinginan kami ni Ivy nang may pagtataka.

"Yes, why? Wala siya dito?", I asked na ikinatango niya.

"Hindi po siya umuwi kagabi, tinatawagan ko nga kanina pero hindi sumasagot, ngayon naman po unavailable na yung number niya", magalang na sagot niya saamin.

"Eh sinong kasama mo dito?", tanong naman sakaniya ni Ivy.

"Wala po, yung mga maids lang po", sagot niya naman.

"At saan naman magpupunta yung lalakeng yon?", tanong ko habang kinakamot yung noo ko.

"Hindi po ba kayo sabay-sabay umuwi kagabi? Kampante naman po ako kasi kadalasan sainyo po siya natutulog kapag hindi siya nakakauwi dito", sabi ni Alexis.

"Hindi eh, kagabi kasi mayron siyang kasam--", agad kong tinakpan yung bibig ni Riley kasi parang di naman na necessary na sabihin sa kapatid nitong may naka-makeout si Andrei kagabi.

"Mas nauna kasi siyang umalis saamin kagabi at nagtaxi siya kaya ang alam namin ay nakauwi na siya", sambit ko na ikinatango ni Alexis.

"Ganon po ba, hmm saan naman kaya magpupunta yon?", tanong niya pero kahit kami ay hindi namin alam yung sagot kaya nagpaalam na din kami.

Iniimbita niya pa kami na doon nalang maglunch pero hindi na kami pumayag, hahanapin namin yung loko-loko naming kaibigan.

"Ang hassle naman, wala tayong sariling sasakyan", reklamo ni Ivy.

Behind Closed Doors Where stories live. Discover now