Chapter 22

485 26 0
                                    

CASTRIEL POV

"We will, kailan ang alis niyo?" si adrein.

Napag desisyunan ko na lalayo muna kami ng mga anak namin para rin sa ikabubuti niya babalik kami dito magiging buo rin kami pero sa ngayon kailangan ko munang umalis.

"Mamaya, mag papaalam muna ako kay daniel kahit sa huli man lang" sagot ko dalawang linggo na siyang hindi gising sana magising na siya.

"Hon? Aalis muna kami ng mga anak natin kailangan ko itong gawin para saatin" wika ko pinagdikit ko yung mga palad namin.

"Sana naririnig mo ako ngayon mahal na mahal ka namin lumaban ka ha para makilala ka ng mga anak natin please lumaban ka" pakiusap ko sakanya habang hinahalikan siya.

Marami pa akong sinabi sakanya kahit Hindi ko alam kung naririnig niya ba ako pero naniniwala akong naririnig niya ako.

"I love you" huli kong saad at hinalikan siya sa buong mukha bago tuluyang lumabas masakit man sa loob pero kailangan kong gawin.

"Mauna na kami maraming salamat sainyong lahat" pag papasalamat ko sakanila.

"Basta balik kayo dito ha" panabay nilang sambit nginitian ko sila at sumakay na sa sasakyan na pinahiram ni adrein habang nag mamaneho kami hindi ko maiwasan maiyak bakit nangyayari saakin ngayon ito. Tumagal ang byahe namin ng ilang oras hanggang naka uwi na ako sa probinsya kung saan ako nag simula na miss ko yung simoy ng hangin na miss ko ito lahat.

"Maraming salamat po mang Jani" pasasalamat ko sa matanda nang maihatid na niya yung mga gamit namin nag paalam na ito pinatulog ko muna yung kambal bago ako nag linis. Habang tinitingnan ko sila naaalala ko si Daniel Kamukhang-kamukha nilang dalawa maliban sa labi dahil saakin nila nakuha 'yon.

Natapos akong mag linis ng bandang pa dilim na buti mahimbing ang tulog ng dalawa inayos ko na rin ang mga gamit ko yung mga picture namin ni daniel tapos yung mga ultrasound ko sa kambal fina-frame ko wala talaga akong alam sa pag aalaga ng bata pero ngayon kailangan kong matuto habang wala ang daddy nila.

Kinaumagahan nag paaraw muna kaming tatlo sa harapan ng bahay pareho ko silang buhat hanggang sa napadaan yung mga kaibigan nagulat pa nga sila sa lagay ko ngayon.

"Bakla! Nakauwi ka na pala" sigaw ni Farrel buti hindi nagulat yung dalawa.

"Shh baka umiyak sila wag kayong maingay" sita ko sakanila.

"Taray mo naman bakla anak mo?" lokong tanong ni Russell.

"Anak namin ni daniel" sagot ko bigla naman silang nag sigawan buti hindi nagigising yung mga kapitbahay namin.

"Carrier ako kaya pwede akong mag buntis" wika ko pumasok na kami sa loob ng bahay at pinatulog silang dalawa nang makatulog silang muli nakipag chikahan ako sa mga bakla.

"Asan si andrei? Hindi mo kasama?" si aurelia.

"W-wala na si andrei" kusang tumulo ang luha ko.

"B-bakit?" panabay nilang tanong.

"Pinatay siya ng walang hiyang taong yun" sagot ko habang naka kuyom ang mga kamao ko.

Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na talaga ang nauna kong anak.

The Unexpected baby (BXB) MPREGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon