Chapter 11

1.2K 61 0
                                    

Sound-proof man ang mga silid sa loob ng Mansyon ay hindi pa rin napigilan ang pag-alingawngaw ng ilang mga putok ng baril.

Napabalikwas ng bangon si Danica dahil sa ingay na iyon at nanlalaki ang mga tumayo sa higaan. She abruptly stand and wear her slippers. Ang lakas ng tibok ng puso niya habang kinukuha ang roba na nasa mini sala niya sa loob ng kanyang silid.

"What the hell is happening?" Bulong niya sa sarili habang itinatali ang buhok upang lumabas. Nang buksan ang pintuan ay nakita niya ang kapatid at ang kaibigan na pumasok sa silid ng kanyang pamangkin.

Lumabas ang mga ito na buhat ni Alejandro si Alerina. The child is awake but she's not crying. Tila sanay na sanay na ang bata sa mga pangyayaring ganito. "Anong nangyayari, Kuya?" Tanong ni Danica.

Alejandro and his wife were walking together with Danica as they descend downstairs. "I don't know." Ani ng nakakatandang kapatid sa kanya. Walang may alam sa kanila kung anong nangyayari kaya naman mas mabuting bumaba silang lahat.

Nangitla si Danica nang akmang baba na sila. Nasa hagdan ay ang ilang mga tauhan ng kapatid na may mga nakahandusay na mga hindi kilalang lalaki. One of them is still alive and breathing.

Ang mga tauhan ng kapatid ay hawak-hawak ito. Napatingin ang mga ito sa kanila. "Boss, they entered at the Mansion. Sa bubong sila dumaan," imporma ng isa sa mga tauhan ni Alejandro.

Napahawak si Danica sa tiyan dahil sa pangyayaring ito. She can't imagine if she is awake when this happens. Nanlalaki ang mga mata niya at pinagpapawisan siya.

"Relax, Dani, nothing bad will happen to you as long you are here with us," pagpapakalma sa kanya ni Erin. Alerina who was with his father smiled at her Aunt.

"Daddy, will protect us Auntie," pag-a-assure ng bata sa kanya. Huminga siya nang malalim at ilang beses ding binuga iyon. She inhaled and exhaled the air so, her nerves will be relax.

"Si Boss Leon po ang nakakita ng mga ito habang umaakyat sila sa bubong. Si Boss Leon din po ang bahala sa tatlong nakatakas." Sa sunod na sinabi ng tauhan ni Alejandro ay ang nakakuha sa atensyon ni Danica.

She snapped her gazed at his brother's men. Ang kapatid naman ni Danica ay nangunot ang noo at napailing nalang. Alam niya namang hindi talaga aalis ang isang iyon hangga't hindi nagagawa ang pakay nito dito.

Nanlaki ang mata ni Danica at hindi siya nakagalaw nang marinig na si Leon ang humarap sa iba pang nakatakas. Napalunok si Danica. Naumid ang kanyang dila at hindi makapagsalita.

Ang utak niya ay tila huminto sa pag-andar. Nag-malfunction ang utak ni Danica. Leon was still here, he didn't leave. Danica is aware of the reason. Leon is worried that she will leave again, that she will disappear.

Ilang beses lang na napalunok si Danica. She can't utter any words. 'My poor babe.' She said to herself. He really was into her. He really loves her. Bakit hindi niya ito nakita? Bakit hindi niya ito narealized agad?

She was selfish. Napakamakasarili niya na hindi niya rin inisip ang tunay na nararamdaman ni Leon. "Where is Leon?" Her brother asked of one of his men. She focused her gaze on his emotionless brother.

Alam ni Danica na tinatabunan ng kapatid niya ang emosyon nito dahil nasa harapan nito si Alerina. Alejandro's men gulped before answering their boss.

"He is outside, boss. He told us he can't enter inside without your permission kaya kami ang nandito sa loob." Paliwanag ng isa sa tauhan nito. Maayos na tumayo si Danica.

She was devastated to know that this is happening and her Leon was here waiting for her all the time.

Napakagat ng labi si Danica nang makita ang reaksyon sa mukha ni Alejandro nang malamang sinunod ni Leon ang sinabi niyang huwag munang pumasok sa bahay niya.

Magsasalita pa sanang muli sana ang nakakatandang kapatid ni Danica nang humahangos na pumasok ang isang tauhan ng kapatid nito. Pinagpapawisan ito nang humarap kay Alejandro.

"B –boss, nabaril po si Boss Leon sa balikat niya ng dalawang beses. Wala po itong malay, isinakay na po namin siya sasakyan upang dalhin sa ospital," anito.

Danica heard it loud and clear. Ngunit, tila nabingi pa ang babae dahil sa inimporma ng tauhan ng kapatid. "F*ck." She heard her brother cussed. Napatingin ito sa kanya. Namumutla si Danica tila mas lalo yatang nadagdagan ang pagod niya sa narinig.

Hindi pa nga siya nakakabawi ng lakas niya dahil sa biglaang pangyayaring ito. Heto, may bago na naman. "I –is he alright?" She asked stuttering her words. The man looked at her.

"We still don't know Lady Danica, inaantay pa namin kung sino sa inyo ang sasama sa kanya sa ospital." Sa sinabing ito ng tauhan ni Alejandro ay mabilis na nakababa sa hagdan ang babae.

Puno ng pag-aalala sa kanyang mukha at sa kanyang boses. "Ano pang inaantay niyo? Let's get him to the hospital!" Ngayon lang yata umayos ang pag-andar ng utak ni Danica kaya nakapag-iisip na ito ng maayos.

Hindi mapakali ang babae kahit pa nakapantulog lamang ito at tanging roba ang suot niya upang hindi siya lamigin. "Ano na?! Gumalaw ka na dyan!" Singhal ni Danica sa tauhan ng kapatid na napaigtad nalang sa kinatatayuan nito.

They were shocked at Danica's outburst. Sanay sila sa palaban at sarkastiko nitong ugali. Erin and Alejandro sighed. "Calm down Dani, kung ayaw mong kayo naman ng anak mo ang mapahamak." Pinagsabihan ni Alejandro ang kapatid.

Danica was breathing heavily. She nodded but still she can't calm down. Nais niyang malaman kung ano ang kalagayan ni Leon. "Let's go, we will accompany you at the hospital," Alejandro added.

Walang pagpoprotestang lumabas sa bibig ni Danica. Ang importante ngayon ay si Leon kailangang madala ito sa ospital. Tahimik na sumama si Danica sa kapatid at sa pamilya nito. She didn't say anything but when she saw Leon at the van she burst her tears.

Tumulo ang mga luha sa mga mata ng babae. Nakahiga ang likod ng ulo nito sa upuan habang nakapikit ang mga mata nito. Napigilan ng mga tauhan ng kanyang kapatid ang pagdugo ng sugat nito ngunit namumutla pa din ang lalaki lalong-lalo na ang bibig nito.

Aakalain ng kahit na sinong makakita sa lalaki na patay na ito lalo pa sa ayos nito. "B –Babe..." She whispered calling their endearment to him. Nanginginig ang kamay niya nang hahawakan na niya ang lalaki.

She touched his shoulder. Mainit ang balat nito indikasyon na buhay pa ito. Danica was glad. Inalalayan siya ng kapatid na makapasok sa sasakyan at tumabi kay Leon. Hindi man lang nagising ang lalaki sa mga kilos nila.

Erin, Alejandro, and Alerina were at their back. Ang tauhan naman ng nakapatid niya ang magmamaneho. Nakita ni Danica na sinenyasan ng kapatid niya ang tauhan na bilisan pero dapat may pag-ingat pa din.

Kailangan nilang mabilis na makarating sa ospital at the same time kailangan ligtas sila. Iniabot ni Danica ang kamay ng lalaki at masuyo itong hinawakan. "I promise we'll talk once your wounds have healed." She whispered to him.

Leon was unconscious at the time, and he had no idea that his babe was giving him the opportunity he sought.Umuusal si Danica na sana maging maayos si Leon habang papunta sila ng ospital.

Tanging ang bukambibig niya ay sana walang malalang mangyari sa lalaki. Kailangan pa niya ito, kailangan pa niya ito at ng anak nila. Maybe, his wound isn't vital but the thought that he's losing bloods was in Danica's head.

Pinipigilan man niya ang pagiging negatibo ay hindi niya magawa lalo pa at kinakabahan siya. Ito ang pangalawang beses na naging kabado siya nang ganito.

The first time was when her parents were in the hospital reviving their lives by the Doctor and now, this is the second one. Mas natatakot siya ngayon dahil ayaw niyang maiwang mag-isa. Natatakot siya na hindi niya masabi ang lahat kay Leon.

Natatakot siya na mawala ang lalaki na hindi man lang sila magkapatawaran at magkaliwanagan. Ito pala ang nangyayari oras na hindi naipakita ng isang tao ang tunay niyang pagmamahal.

Ito pala ang nararamdaman ng isang taong muntik ng mawalan. Danica clutched Leon's hands and buried her face in the crook of his neck.

"Hold on babe, I won't allow you to die in my hands. Prove it to me, masamang damo ka 'di ba? Patunayan mo." 

Zchneider's Men Series #3: Leon-The Chick MagnateWhere stories live. Discover now