CHAPTER 20

412 12 1
                                    

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga oras na iyon.

Pero mas nangibabaw ang saya. I wanted to have a baby. Gusto kong iparanas sa kaniya lahat ng mga bagay na hindi ko naranasan noong bata pa ako.

I want to spoil her with love.

I decided to keep it a secret from Yohan. I want to surprise him if I find a right time.

That day, I went to the OB. And I'm two weeks pregnant.

I caressed my tummy. Nakaupo ako sa sofa, hinihintay ang pag-uwi ni Yohan.

When the door opened, I stood up and welcomed him with a hug.

He chuckled. "Oh, hindi ka na tinotoyo?"

I rolled my eyes on him. I told him to take a shower first before we eat.

"Ang sarap pala ng pakiramdam na may mauuwian," he said out of nowhere.

Nanonood kami ng palabas ngayon. Nakapatong ang aking binti sa kaniyang hita.

He put a popcorn in my mouth.

"Gusto na kitang pakasalan."

My heart hammered crazily. Gustong gusto na rin kitang pakasalan.

Instead of giving an answer, I pressed my lips against his lips.

Natigilan siya sandali pero kalaunan ay tumugon din siya sa halik ko.

Sobra ang pagpipigil ko na huwag sabihin sa kaniyang buntis ako. Gusto ko pa siyang sorpresahin, eh.

Hindi ko rin muna sinabi kay Maura dahil baka biglang ipagkalat niya. Madaldal pa naman 'yon.

                                 * * *

"Ate!"

Napangiwi ako sa lakas ng boses ni Maura sa kabilang linya.

"Ano?"

"Please come with me to the bar? Pretty please?" I heard her gigle.

I sighed. Gusto ko rin namang magrelax dahil puro ako trabaho noong nakaraang araw.

Hindi pa umuuwi si Yohan. I just texted him that I'll go with my sister.

I wore a simple black dress and partnered it with black heels. Naglagay din ako ng concealer para hindi makita ang aking sugat sa noo. Nang makuntento sa ayos ay sinundo ko si Maura. I used Yohan's car because he didn't use it today.

"Dito tayo, ate!" Maura exclaimed and pointed the couch.

Naupo kami roon at umorder ng drinks. It's already eight pm when we arrived here.

Lumipas ang dalawang oras ay pakiramdam kong natatamaan na ako. Mabuti nalang at mataas ang alcohol tolerance ng kapatid ko.

Nagpaalam akong mag cr muna. Paika ika akong naglakad sa loob. Wala sa sarili akong naghilamos at hindi ko pa nga napupunasan ay lumabas na ako.

I sat beside Maura and sipped on my drink. Nag-angat siya ng tingin sa akin. Kumunot ang kaniyang noo habang nakatitig sa aking mukha.

"What's that?" Itinuro niya ang sugat sa aking noo.

Sh–t. Nakalimutan kong tignan sa salamin kung nawala na ba ang concealer.

I gulped. "Just an accident."

Sumama ang timpla ng kaniyang mukha.

"Ate, nasabi ni Adonis ang nangyari sa opisina. Akala ko ay wala lang iyon. Ano 'yan? Siya ba ang may gawa niyan?" sunod sunod niyang tanong.

The Love That Destroyed UsWhere stories live. Discover now