Chapter 37: ODOOL

127 8 0
                                    

Mark POV

4 years after

"Woooh. Congrats sa atin. Tara celebrate na tayo." Sigaw ni Bien.

"You talaga. Masyado kang nagmamadali." Sabi naman ni Desiree.

"Excited lang naman baby." Sabi ni Bien.

"Kayong dalawa kayo hindi na kayo nagbago." Sabi ni Jasmin. Inisnoban naman siya ng dalawa.

"After 4 years naka-graduate na rin tayo." Sabi ni Paul.

"Oo nga eh. Ayoko munang magtrabaho. Hahaha." Sabi naman ni Rea.

"Sino ba nagsabing magtatrabaho ka?" Tanong naman ni Carl.

"Yun eh, si Carl nagpapaka sweet. Hahaha." Sabi naman ng katabi kong si Pearl. Napatingin naman ako sa kaniya. "Oh bakit bigla kang tumingin sa akin?" Tanong niya sa akin.

"Wala. Tara na nga." Sabi ko at inakbayan siya. "Brads kita-kits nalang sa bahay." sbi ko sa kanila. Kumaway naman sila. Senyales na sumasang-ayon sila.

Usapan kasi na sa bahay nalang namin i-celebrate ang Graduation. Yes. Graduation. We're graduated na. Pare-parehas lang naman kinuha naming course kaya sabay-sabay kaming gum-raduate. Ayaw magpahuli ng iba eh.

Sumakay na kami sa kotse ni Pearl at pinaandar na ang makina.

"Sina Glizel at Kevin nayaya mo na?" Tanong ni Pearl sa akin. Tumango naman ako.

"Opo. Kanina pa po." Sabi ko.

"Okay. Ikaw na." Sabi niya pininch ko naman ang cheeks niya. Hahaha. Ang ganda talaga niya.

Magsimula 'nung malaman kong may sakit siya, 'di ko na hinayaang mawala siya sa paningin ko. 'Dun na kasi siya nakatira sa bahay namin. Wala naman sina Mama tsaka nagpaalam na ako na 'dun siya titira. May tiwala naman sila sa akin kaya pinayagan ako. Kaya tumagal rin ang relasyon namin dahil hindi na kami mapaghiwalay. Ayoko siyang nakikitang nasasaktan kaya minamahal ko pa siya lalo.

"Anong iniisip mo?" Bigla niya tanong.

"Ikaw." Tipid kong sabi.

"Sus. Ewan. Tara na baba na tayo." Sabi niya. Nandito na pala kami di ko man lang namalayan? Hahaha.

Bumaba ako at pinagbuksan siya. Sakto naman ang pagdating ng barkada. Nakasunod pala sila sa amin.

Pagpasok namin sa bahay ay agad na dumiretso si Pearl sa kwarto kaya naman sinundan ko siya.

"Oh. Bakit? Lumabas ka nga, magbibihis ako." Sabi niya pero di ko siya pinansin at humiga sa kama. "Hindi ka aalis?"pananakot niya.

"Hindi." Sabi ko at nagside na humiga.

"Hindi pala ha?" Sabi niya at umakyat sa kama at nagtatalon-talon.

"Hindi mo ako mapapa-alis sa pagtalon mo jan." Sabi ko sa kaniya.

"Nakaka-inis ka naman eh." Sabi niya at pabagsak na umupo sa kama. Kaya naman niyakap ko siya at inihiga sa kama.

"Oo na aalis na. Pero---"

"Pero ano?" Tanong niya

"Kiss muna" sabi ko.

"Ayoko." Mabilis na sabi niya.

"Edi huwag. Di rin ako aalis dito." Sabi ko at humiga ulit.

"Oo na. Oo na." Sabi niya at lumapit sa akin.

Konti nalang, konti nalang lalap--

"BAKIT MO AKO KINAGAT?" Sabi ko na pasigaw.

"Ang kulit mo kasi eh." Sabi niya. "Labas na. Pag di kapa lumabas, madadagdagan iyan." Sabi niya kaya naman lumabas na ako.

One Dream or One LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon