Chapter 25: Sinigang na Manok

149 11 4
                                    

Pearl POV

Naghahanda na kami para sa Graduation day. And guess what? Pinayagan kami ng DepEd na sa beach nalang namin i-celebrate ang Graduation day. Masaya di ba? Nang malaman ng buong 4th year ang plano namin, ay masaya sila. Paanong hindi, eh beach yun?

Nandito pala kami sa beach kung saan namin ice-celebrate ang graduation, malapit lang naman ito sa NNA. Siguro mga 1 hour yung biyahe. Excuse naman kaming mga officers. Kaya nandito kami.

"Okay, Break muna tayo." sabi ko. Nagugutom na kasi ako.

"Yeeesss!" sigaw ng iba. Hahaha! Kanina pa kasi kami dito. 11:00 na pala. Di ko napansin dahil busy.

"Okay balik kayo ng 12. Marami pa tayong aasikasuhin." sabi ko. Um-oo naman sila.

Pumunta muna kami sa isang Restaurant dito sa beach.

Pumila na kami at nag-order. Pag-order namin, tumingin muna kami ng vacant seat. Marami-rami din ang nandito.

"Ayun oh vacant. Tara?" turo ni Rea sa bandang gilid ng Restaurant. Naglakad na kami papunta 'ron.

Rea POV

Natapos ang break kanina ay Balik kami sa trabaho. Medyo nakakapagod din na masaya. Kasi naman nagpapatawa yung mga kaklase namin.

"Oh heto naman, ilan ang dwarfs ni Cinderella?" tanong ni Joven.

"SEVEN" sigaw namin. Tumawa naman siya. Anong nakakatawa 'don. Tama naman ahh?

"Anong seven? Hahahaha! Si cin--haha dere--haha la may dwarfs? Hahaha! Ang alam kong may dwarfs si Snow white eh. Bwahahaha!" sabi niya habang tumatawa. Natawa naman kami sa kaniya.

Oo nga 'no? Hahaha! Ngayon ko lang naisip yun.

"Heto naman. Gawin niyo sa ISANG ENGLISH WORD, isang word lang sa ah sa english, Ang salitang IHALAL ANG TATLONG LUNGSOD." sabi naman ni Marlon.

Napaisip naman ako. Ihalal ang tatlong lungsod sa isang word lang? English pa? Ano kaya?

Ilang minuto pa kaming nag-isip at napagdesisyunan naming mag-sirit na.

"Okay sirit na kami." sabi ni Karen.

"Sirit agad?" sabi ni Marlon.

"Oo. Di namin alam eh." sabi naman Jasmin.

"Oh sige. Heto sagot. ELECTRICITY." sabi niya. Mukhang alam niyang di namin na-gets kaya in-explain niya. "Ihalal-ELECT ang Tatlong-TRI Lungsod-CITY." sabi niya. Oo nga 'no? Bakit ang galing nila sa mga logic?

Nag-eenjoy ako sa mga kasama namin. Hindi nga alintana sa amin ang pagod. Masaya ang mga mukha nila. Nakakatuwang isipin na kahit di kami masyadong close nagagawa namin yung ganito, yung masaya kami? Malungkot nga lang dahil kung kailan patapos na 'yung klase, 'don pa kami naging close.

Okay na 'yun. Atlis we all know each other.

Mark POV

Gusto kong puntahan si Pearl ngayon. Isang araw pa lang kami di nagkikita pero nami-miss ko na siya. Gusto ko kasi lagi kaming magkasama.

"Bradz, kalungkot mo?" tanong ni Bien.

"Wala." sagot ko at nilagay yung headset sa tenga ko at umob-ob sa upuan ko.

Pagkapikit ko kita ko agad mukha ni Pearl. Ang ganda talaga niya, kahit sa pagpikit lang ng mga mata ko siya nakikita. I'm totally inlove with her.

Pearl POV

Stage nalang ang kulang. Hay! Matatapos na rin kami. Maganda ang view 'pag ganitong oras. Tapos mahangin pa. Ang sarap tumira dito.

"Huy! 4:30 na." sabi ni Rea.

One Dream or One LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon