Chapter 27: Graduation day

118 9 4
                                    

Pearl POV

Ngayon na ang graduation day namin. Pababa na ako ng hagdan ng salubungin ako ni Kuya.

"Tara na. Kanina kapa hinihintay." sabi ni kuya.

"Sorry may nakalimutan lang ako." sabi ko.

Pagkasabi ko 'non ay agad na kaming umalis at sumakay na sa kotse.

--

Ilang minuto lang ay nakarating na kami dito sa beach. Marami-rami na ring tao dito. 'Yung iba kumukuha ng pictures, yung iba kumakain na. Iba iba ang ginagawa ng mga studyante. Samantalang kami nina Rea at Desiree ay naghihintay.

"Ang tagal naman nila." sabi ko.

"Oo nga. Aish. I'm naiinip na." sabi naman ni Desiree.

Naghintay pa kami ng ilang minuto.

"Ay buti naman at nanjan na sila." sabi ni Rea.

Paglapit nila sa amin ay agad na nag-usisa ang dalawa. Samantalang ako at si Mark ay lumayo na.

"Congrats gorgeous lady." sabi niya sabay abot sa akin ng isang maliit na box. Ako kasi ang napili nila bilang Valedictorian, si Carl naman ang salutatorian. Hindi ko nga alam na ako pala ang magiging Valedictorian. Sinabi lang sa akin nung last na ng practice namin. Pati si Carl 'di makapaniwala na salutatorian siya eh. Hahaha!

"Ano 'to?" tanong ko.

"Try mong buksan para malaman mo." sarkastikong sabi niya. Sinunod ko naman sinabi niya.

Pagbukas ko ay bigla nalang akong napayakap sa kaniya. Ang ganda kasi ng binigay niya sa akin. Isang kwintas na gold na may pendant na pangalan naming dalawa. Simple lang siya pero ang ganda."Salamat. Ang ganda nito." sabi ko.

"Mas maganda ka jan." sabi niya. Feeling ko namumula na ako.

--

Nagsimula na ang ceremony. Nagsalita na ang iba, ako nalang ang hindi pati ang mga matataas na teacher.

"Now, Let us call our Valedictorian Pearl Millexan Torres for her speech. Give her a round of applause." sabi ng emcee namin.

Pagkasabi niya 'non ay tumayo ako sa kinauupuan ko at pumunta sa harap para ibigay ang aking speech.

"Good Evening Everyone. Hmm, paano ko ba sisimulan 'to? Hahaha!" sabi ko, nagtawanan naman sila.

"The time is so fast. Just like when I had my first tread on the ground at lalong parang kahapon lang nang ako ay makapag-aral. At tulad ng nakasaad sa aming ginawang pagpupulong, I would be one of the Speaker of the celebration, Now I have the chance to hear me again. Mga kaibigan, Schoolmates o Classmates, Dreams do come true." sabi ko sabay tingin sa kanila. Pumalakpak naman sila.

"First of all, I would like to thank the New Nation Academy Family of what I am now. The joys, sorrows, experience and become a youth I experienced all here. Maituturing kong isa sa pinakamatagumpay kong mga taon ay dito nagkaroon ng kaganapan. Sa NNA natatakan ang leadership skills ko. Ang maging Student Council President for one year. Mag-isip ng project, makipag-usap sa malalaking tao at humawak ng samahan ay parehong mahirap at masarap na karanasan. Hindi ko malilimutan ang JS Prom, ang maghapong klase, ang unang crush, ang unang Boyfriend." sabi ko. Tumawa naman sila. "Ang kalokohan, ang sermon, ang exams, ang pangongopya at pagpapakopya, lahat ng masasaya at makukulay na sandali ay dito ko lang naranasan." Sabi ko.

"Gayundin, I thank all the teachers who guided and taught us how to write, read, respect and so forth. Kay Mommy at daddy, utang ko sa inyo ang lahat." sabi ko sabay tingin sa kanila. Tumango-tango naman sila.

"Success is measured not by what you have achieved but by the sacrifices you have made in achieving your goal. The real success is not measured by how much you placed payslip. Deeper than the value of the house, land and vehicles to acquire assets or businesses. Instead, it measured how you passed the test of achieving dreams. How you managed to facing life difficulties and problems on the road of life. " sabi ko. Nagsimula ng tumulo ang luha ko. Hindi ko alam kung bakit. Tears of joy ba kaya ito?

"It's not where you stand right now o kung anong kahapon meron ka. Ang mahalaga ay kung saan ka pupunta. Where will you go from here? Pag alam mo na kung saan ka pupunta, kumilos ka nang ayon sa daang nais mong tahakin. Wag kayong matakot mabigo. Wag kayong matakot madapa. Failure doesn't mean you are a failure. It means you haven't succeed yet. It doesn't mean you should give up but you should try harder. Ang lahat ay pwedeng magsimula ng panibago. Kung may sugat dahil sa kabiguan, alalahanin mo ang mga aral na napulot mo sa bawat pagkakamali." sabi ko. Tumingin naman ako sa kanila. May iba na ring umiiyak. Nagpupunas ng mata eh.

"Only then, you will realize the value of perseverance and endurance. Never give up. Struggles and adversaries make a strong person. Huwag kayong masyadong seryoso sa buhay. Take time to play and have fun. Never stop dreaming. Sabi nga nila, pangarap na lang ang libre kaya lakihan mo na. Be thankful. To our beloved God, to our Parents, to our Friends/Bestfriends at sa lahat ng taong tumulong sa iyo." sabi ko sabay punas sa luha ko.

"Now, this is my last chance to speak infront of you." Sabi ko.

"Congratulation to all of us, we have what we want to achieve. Kung ito ay nais mong matupad, ito ay iyong pagsikapan. Thank you for listening..." sabi ko at pumunta na ng upuan ko.

Pagpunta ko sa upuan ko ay umupo na ako. Siyempre. Hahaha!

Hindi ko tuloy maiwasang mag-english. Hahahaha.

Nagsalita naman ang aming Principal. Nag-speech din siya. Pagkatapos mag-speech ng Principal namin ay sunod naman ang mga matataas na Teacher.

Ilang oras lang ay natapos na ang mga nag-speech.

--

"PICTURE" sigaw nila. Ano pa bang magagawa namin?

Meron namang photo booth dito, parang inarkila nila. Basta.

"1. 2. 3 smile." Sabi 'nung photographer. "Okay. Next Couple tayo." Sabi niya. Nauna sina Desiree, magkaharap sila at eyes to eyes. Hahahaha. Ang cute nila. Pagkatapos nila, sumunod sina Jasmin. Nakasandal yung ulo ni Jas sa balikat ni Paul. Si Paul naman, naka-akbay kay Jasmin. So sweet. Hahaha!

Sumunod naman sa kanila sina Rea. Magkadikit naman yung katawan nila at nakaharap sa camera. Simple lang. Pagkatapos nila, kami naman.

Pumwesto na kami. Nilagay ko 'yung siko ko sa balikat ni Mark, yung kamay naman ni Mark nilagay niya sa waist ko. Lumapit ako sa tenga niya at sinabing "wacky tayo." Tumango naman siya.

"Goodshot." Sabi nung photographer.

Umalis na kami sa booth. Kinausap siya ni Kuya para sa address na pagde-deliveran.

Nagulat nalang kami ng may biglang sumulpot sa gitna namin ni Mark. Sabay kaming napatingin 'dun sa sumingit. Then we found out na si Glizel pala na nakangiti sa amin.

Alam na pala ng barkada na "friends" na sila/kami. Kaya "friends" na rin daw sila.

"Congrats to all of you. Specially Pearl and Carl." Sabi niya, nagthank you naman kami.

--

Pagtapos ng celebration ay napagpasyahan na naming umuwi. Bukas nalang daw namin i-cecelebrate ang graduation dahil pagod na kami. Tsaka gabi na rin.

Ilang oras lang ay nakarating na kami sa bahay. Dumiretso ako agad sa kwarto. Pagod na ako e. Humiga ako sa kama sabay pikit ng mata.

Hindi pa pala ako nakakapagbihizZzZ...

~~

A/n: Nyaman na uy! Mahaba-habang update para sa'yo.

Vote ☆ Comment ⓒ Share ⇨

One Dream or One LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon