Chapter 21: JasPa <3

109 13 0
                                    

Ilang araw na ang nakalipas Nang nahimatay ako. Next month na ang graduation day. Grabe ang bilis ng araw. Parang kahapon lang Grade 1 ako. Tapos ngayon Graduating na ako ng high school. Hay! Baka bukas lang may anak na ako. Joke! Wahaha!

"To all officers especially Ms. Pearl Torres proceed to SOR (School Officers Room) now." Biglang sabi ng Principal sa intercome ng school. Bakit naman kaya? Tinignan ko sina Jasmin, Rea at Desiree at tinanguan lang nila ako.

"Punta muna kami sa SOR ha?" Paalam ko kay Mark. Tumango naman siya.

Naglakad na kami papuntang SOR.

"Ano na naman kaya yun. Bakit naman niya kaya tayo pinatawag?" tanong ni Rea.

"Ewan." Sabay na sabi namin ni Jasmin. Si Desiree nagkibit-balikat lang.

Nang marating namin ang SOR ay nandon na lahat. Kami nalang ang wala. Umupo na kami sa may vacant seat at nagsimula na ang meeting? Haha!

"Ms. President, ano ang pwede mong isuggest sa nalalapit na Graduation?" Tanong ni Sir Mateo. Yung principal namin.

"Hmm. Kung ano po ang gusto nila. Kung ako po kasi ang tatanungin, gusto ko po ay huwag po dito ganapin ang graduation." Sabi ko.

"Eh saan mo ba gusto?" Tanong ni Joven, isa sa mga officer.

"Sa isang Beach." Sabi ko at tumayo. "Di ba minsan lang naman? Para 'to sa graduation natin. Feel na natin ang huling araw natin sa high school." Sabi ko. Mukha namang interesado sila sa suggestion ko.

"Gusto niyo ba ang suggestion ni Ms. President?" Tanong ni Sir Mateo. Agad namang um-oo ang lahat. Siyempre beach yun eh. Angal pa ba sila? Haha! " Okay. But?" Pabiting sabi ni Sir. "Kailangan muna nating ipaalam ito sa Deped. Huwag niyo munang ipagsasabi ang mga napag-usapan natin para surprise." Sabi niya. Um-agree naman kami.

--

Nang matapos ang meeting kanina ay dumiretso kami sa Canteen. Nagtext na rin sina Carl na nandoon na sila. Pagpasok namin ay diretso kami sa favorite spot namin.

"Oh nandito na pala kayo. Pinag-order na namin kayo. Kumain na kayo." Sabi ni Bien na puro "Kayo" ang sinasabi. Bwahaha!

"Favorite word? Puro kana lang KAYO sinasabi mo. Wahaha!" sabi ni Rea. Nag-pout naman si Bien. Ang cute niya. Hahaha! Lol!

Jasmin POV

Hindi ko kinakausap si Paul ngayon. Bakit? Kaw ba namang makita mo siyang may kasamang babae, di ka maiinis? Hindi naman kagandahan yung babae. Psh! Ang lagkit pa ng tingin nung babae kay Paul. Arghhh. Sarap manapak.

"Uy. Kanina ka pa tahimik. May problema ba?" Tanong niya. Katatapos lang kasi naming kumain.

"Bakit di mo tanong sa sarili mo." Sabi ko sabay tayo. Nakatingin pala sa akin sina Desiree. Nakita ko naman sa peripheral vision ko ang pagsunod sa akin ni Paul. Psh! Kala mo ha?

"Uy. May problema ba tayo?" Tanong niya.

"......" hindi ko siya sinasagot. Patuloy pa rin ako sa paglalakad papuntang parking lot. Tinext ko naman na si Manong para sunduin ako. Uuwi na ako. Tinamad na akong pumasok.

"Babe naman e. Sabihin mo naman kung may problema tayo, para naman maayos natin." Sabi niya.

Nandito na kami sa may parking. Nandito na rin si Manong. Binuksan ko na yung pinto nang sinara niya. Pa-ulit ulit lang kaming ganon.

"Huwag kang uuwi hangga't di tayo ayos." Sabi niya at hinila ako. Sumenyas naman ako kay Manong na uwi na muna siya.

Dinala niya ako dito sa field ng school.

"Ano bang problema at bigla ka na lang nagkaganyan?" Tanong niya.

"Bakit di mo tanong sa sarili mo, pati na rin dun sa babae mo." Sabi ko sabay irap sa kaniya. Ngumisi naman siya. Ngayon ngingisi-ngisi siya. Bwisit!

Aalis na sana ako dahil naiinis ako sa kaniya nang bigla niya akong hinigit at niyakap.

"Nagseselos ang Babe ko." Pang-iinis niya. Pumipiglas ako sa pagkakayakap pero malakas siya kaya di ko kaya. "Huwag ka ngang magselos 'dun." Sabi niya.

"Paanong hindi? Kung makatingin sa'yo sobrang lagkit." Sabi ko.

"Partner ko 'yun sa project namin. Tsaka ganun na talaga tumingin yun. Pagpapalit ko wari yung One and only ko sa isang mukhang Paa?" Sabi niya. Gooood! di ko maiwasang kiligin. Hihihi! "Huwag mo ng pagselosan yun dahil ikaw lang naman ang mahal ko." Sabi niya.

Humarap ako sa kaniya at hinalikan siya sa lips. Smack lang naman.

"Talaga?" Paninigurado ko.

"Oo naman. Tch. Selosa!" Sabi niya.

"Tse. Tara na nga. Male-late na tayo." Sabi ko.

Pagkasabi ko 'non ay naglakad na kami pabalik sa Room namin. Hay! Hindi naman pala siya nambabae. Dapat pala tinanong ko muna siya. Aish! Sa susunod magtatanong na ako sa kaniya. Baka kasi yun pa yung maging dahilan ng paghihiwalay namin. Di ko kakayanin no.

Pagpasok ko sa Room ko ay umupo na ako. Sakto naman ang pagdating ng Teacher namin.

Disscuss. Quiz. Disscuss. Yan lang ang ginawa namin maghapon. Kakatamad nang pumasok. Sana graduation na. *sigh*

~~~

A/n: Next Chapter Desiree POV tayo. :-)

Vote * Comment * Share guyth :-*

One Dream or One LoveWhere stories live. Discover now