"...bata pa lang kami, may paghanga na talaga ako sakaniya pero he can't see me the way I see him. I'm just his bestfriend hanggang sa magcollege kami at nagkaroon nga siya ng karelasyon", tinignan niya ako kaya tumango ako para magpatuloy siya.

"Dun ko sinimulang tanggapin na hanggang magkaibigan lang kami", dagdag niya.

"Hindi mo na siya gusto?", I asked.

"I don't know", mahinang sagot niya at hindi ko malaman kung bakit parang bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko.

"What do you mean?"

"Cause I just ignored him, he's asking me what's the problem but I can't tell him. Alam kong mas lalayo siya kapag sinabi kong gusto ko siya at ayokong masira yung relasyon niya dahil lang sakin..."

"...and ngayon na pinag uusapan natin siya, ramdam ko pa din yung bilis ng heartbeat ko just by thinking about him", muli niya akong nilingon kaya umiwas ako ng tingin.

"I--I see", tugon ko habang tumatango.

"Sila pa din ba nung girlfriend niya?", tanong ko.

"Wala na sila ni Chanel", sagot niya na nagpalaki ng mga mata ko kaya muli ko siyang tinignan.

"Yung kakambal mo!?", gulat na tanong ko at napatayo pa sa upuan.

"You're too loud", inis na sabi nito kaya tinakpan ko yung bibig ko at muling umupo.

"So, alam ba ni Chanel na gusto mo yung bf niya that time?", muli kong tanong na ikinailing niya.

"Walang nakakaalam, ikaw lang at ako", sagot niya at muli akong tinignan.

"How about you?", tanong nito.

"What about me?"

"Your love life?", tanong niya na ikinangiti ko habang umiiling.

"Wala akong karelasyon ngayon", sagot ko.

"Dati?", muli niyang tanong.

"Oo, dati meron", sagot ko naman.

"Kwento mo", sabi niya at nagcrossed arms pa na para bang handang handa na siyang makinig.

"He's Joren, my first and last relationship", paninimula ko na ikinatingin niya saakin.

"We're classmates since high school, let's just say na campus crush talaga yon. He's a top student, gwapo, mabait, masipag, mayaman and varsity player..."

"...pero sa lahat ng nga nagkakagusto sakaniya, wala eh ako yung napili niya", mahina pa akong natawa pero nanatiling seryoso si Ma'am kaya umayos na din ako.

"Ayon nga, isa ako sa humahanga sakaniya kaya sinagot ko siya. Naging kami hanggang sa mag 1st year college pero naging LDR kasi sa states siya nag-aral", pagpapatuloy ko na nagpatango-tango kay Ma'am.

"Mahirap yung long distance relationship kasi ang kailangan niyo talaga don is yung trust. I trusted him, buong buo yung tiwala ko sakaniya pero wala eh"

"Why? What happened?", tanong niya kaya pilit akong ngumiti.

"He cheated on me", sagot ko na muli niyang ikinatango at bumaling sa dagat.

"What a jerk", rinig ko pang sabi nito kaya mahina akong natawa.

"Pano mo nalaman?", muli niyang taong.

"Nagsumbong sakin yung kaibigan niya doon", sagot ko naman.

"And then what happened?"

"Ayon, after ng breakup namin sobrang naapektuhan ako. Madalas na kaming gumimik ng mga kaibigan ko para makalimutan ko siya at parang naging hobby na nga namin, kapag nagkayayaan, g na agad", natatawa kong sagot.

Behind Closed Doors Where stories live. Discover now