Chapter 4: Heneral Jimenez

7 5 3
                                    

Xavier's POV

Ngumiti din siya agad sa akin ng matanto niyang tama lang yung pangalan na binanggit niya "ikaw nga, bat andito ka? wala ka bang pasok?" tanong niya sa akin, si Tracey yung ikalawang anak ni General Matteo Jimenez na kaibigan naman ni tito at ni General Mandera na humahawak sa amin, magkapit bahay kami simula nung high school ng lumipat sila dito sa Moonvilla Village, tinignan ko muna siya ng sandali bago ako sumagot sa kanya— pano ba naman sumusulpot na lang siya bigla sa kung saan. "ikaw lang pala, nagulat naman ako at may nakakakilala sa akin eh naglalakad lang naman ako" sabi ko na may tawa nag bahagya sa dulo at muling tinuloy ang sinabi "rest day for now, meeting later" sabi ko na may paarte ng kanuti na agad niyang kinatawa "potek di bagay sayo AHAHAHA— pero baka bumagay pagpumilantik din yang daliri at kamay mo" agad niyang dagdag sa pagbibiro niya, napangiti lang ako ng kaunti pero agad ko din siyang inakbayan para guluhin yung buhok niya at ng siya'y makawala sa akin ay agaran din niyang ikinunot ang noo habang inaayos yung buhok niya "ano bayan, ang gulo tuloy" sabi niya, sinubukan niya akong kotongan ket kokonti lang pero umiwas agad ako, "deserve mo yan" sabi ko habang nakangiti at pinanonood siyang ayusin yung kanyang buhok.

Naramdaman ko din na lalapit siya para gumanti kaya agad din akong tumakbo palayo "AHAHAHA di mo ko mahahabol" sigaw na sabi ko habang tuwang tuwa sa pang-aasar sa kanya "tangina mo talaga Kleid, pakotong lang sa ulo mo gamit kawali!" sigaw niya habang habol habol ako, agad naman akong napatingin at tumigil sa pagtakbo "grabe, marahas talaga kayong mga babae" sabi ko na natawa pero pinalo niya lang yung braso ko na agad kong kinahiyaw ng kaunti sa sakit. "deserve" sabay sabi niya bago tumalikod sa akin, natawa na lang ako at sumunod na naglakad katabi niya habang nakaakbay "AHAHAHA, nakabawi ka na ah" sabi ko habang naglalakad kami, tahimik yung paligid at talagang kami lang ang nagiingay dito, tinignan niya ako ng masama bago ngumiti "oo na" sagot niya ding sinabi na parabang napilitan.

"Kamusta pala ang buhay mare?" tanong ko habang matiwasay kaming naglalakad lakad lang kahit di namin alam kung saan kami napapadpad, tinignan niya muna ako bago pa man siya sumagot sa tanong ko "ok lang naman, ayun si daddy busy pa din sa work, si mommy din busy sa sarili niyang business ni hindi ko man lang sila makausap ng maayos kasi cellphone dito ganyan, work doon at diyan, hayyys" halata sa mukha niya na nangungulila siya sa mga ito kaya napaisip muna ako ng bahagya pero tanga talaga tong bibig ko kaya nagsalita na ako "want mo ba sampalin ko sila?" bukang bibig na nasabi ko sa kanya, natawa siya bigla tapos binatukan ako ng may unting lakas kaya ang sakit ng ulo ko "tangena, bakit??" sabi ko na akala mo walang mali sa sinabi "gaga ka talaga, barilin ka dyan ni daddy eh" agad niyang sagot, natawa na lang kaming dalawa na agad din namang ikinagaan ng loob niya "atleast tumatawa ka today" sabi ko sa kanya, tinignan niya ako bago ngumiti at tumungo "thank you, kung di mo pa nasabi di ko mapapansing nakangiti na pala ako", ang hirap punan yung pangungulila na kanyang dinaranas kasi maging ako nangungulila sa pamilyang di ko manlang nakasama sa pagtanda. "tara kain tayo doon oh" sabay turo niya sa may gate palabas ng village, nagagree naman ako kaya sabay na kami uling naglalakad papunta sa Jollibee.

"libre ko na toh" agad niyang sinabi ng makapasok kami sa loob "go, pili" proud niyang sabi, natawa na lang ako na may unting pag-iling bago ko tinuro yung Chicken with rice tsaka may palabok fries with drinks, agaran naman siyang tumingin sa akin bago ako nagkibit balikat sa kanya "libre mo eh" sabi ko sabay tawa, hinampas niya muna braso ko bago siya umorder kaya eto ako nasa gilid hawak hawak yung braso na may unting kunot ang noo.

"intayin mo dyan, ikaw lalaki dito kaya ikaw magdala sa table" sabi niya na may tono ng paguutos, dumila muna siya bago tumalikod para umalis doon sa may counter, gusto ko sana siyang batukan pero wag na lang pala kasi siya naman nagbayad nung kakainin namin. "Sir, eto na po yung order niyo" mga ilang minuto ako naghintay doon ng marinig ko na yung sign na pwede na kong kumain, I mean pwede ko ng kunin yung pagkain namin kaya nilingon ko naman yung tray para kunin at nagpasalamat muna sa Jollibee worker bago hanapin si Tracey kung saan man s'ya umupo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 25, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Secret PoliceWhere stories live. Discover now