Prologue

30 5 5
                                    

"ma! ma! pa!" singhal na sigaw ng isang bata, mabilis siyang tumatakbo papunta sa bahay nila na nasusunog. Bukid lang ang tapat ng kanilang bahay at ni isang kapit bahay ay wala, may maliit na baryo sa gawing baba pero ni isa ay walang mabilis na tumulong. "tulungan niyo kami! sila mama at papa asa kubo pa! Kuya!" sigaw ng maliit na bata, paulit ulit siyang nagsisisigaw hanggang sa dumating ang kanyang kapatid. "kuya! sila mama at papa asa kubo!" mabilis niyang inulat, agarang kumaripas din ng takbo ang nakakatandang lalaki pero masyado ng malaki ang apoy "paano mo nalaman andon sila?" tanong sa kanya ng nakatatanda niyang kapatid, humahagulgol na siya ng ito'y lumapit sa kanyang kuya at agaran niyang niyakap.

"sabi ni papa.. doon ako lumabas sa likod ng bahay at tumakbo para bumili ng isda, eto oh.. daing.. kuya may dadating daw bisita sapi ni papa.." malungkot niyang binigkas habang umiiyak sa bisig ng kanyang kapatid "talaga palang pumunta sila, tangina talaga nila Kiko!" pagalit na bigkas nung kanyang kapatid, animo'y di na rin mawari ng bata kung ano ang kanyang sinasabi, pati na rin sa mga nangyayari. Mabilis na nakaramdam ng antok at pagod ang maliit na bata at dahang dahan na nakatulog. "kuya.. si papa, si mama" mahina pero rinig niya na nasabi ulit, habang dahan dahang tumulo ang huli niyang mga luha ng siya'y pumikit.

Ilang oras na ng dumilim na ang paligid, nasa pangangalaga sila ngayon ng barangay habang inaayos pa ang proseso kung sila ba ay dadalhin sa DSWD o kung makahanap man ng kamag anak na aampon sa kanila ay dun na din marahil mapunta ang lahat. oh mga bata, bumili kayo doon ng makakain niyo at bumalik kayo agad. Pasalamat kayo sa mayor natin at kukupkopin muna kayo habang di pa malaman san kayo mapupunta" isang tanod ang lumapit sa dalawang magkapatid at iniabot ang isang daang piso. Dahan dahang kinuha ito ng nakatatandang kapatid at nagpasalamat bago tumayo, ibinaba niya ang maliit na bata at pinaupo doon sa kanyang inuupuan kani-kanina lang "intayin mo ko dito ah, bibili lang ako ng makakain" mahinahon niyang sinabi sa bata at doon lang ay nawala ang mga pangamba nito,

"siya ba yung kuya nung maliit na bata? nawalan daw sila ng magulang, nakakatakot naman" "dapat lang layuan sila, baka matulad pa tayo.. kung sumunod nalang kasi si Bernardo edi sana buhay pa sila" usap usapan ng mga matanda doon sa bayan, di malaman kung naninisi ba sila or iparating lang na tama lang ang nangyari, nagtitimpi na naglakad na lang siya ng palayo sa kanila para bumili ng makakain. May unting bahid ng ngiti sa kanyang mga labi habang may dala dalang isang supot ng kanin at ulam sa kanyang isang plastic habang pabalik sa barangay.

nilibot niya ang kanyang tingin sa loob ng pasilidad bago sumigaw "kuya ang kapatid ko?! asan ang kapatid ko!?" agad niyang tinanong habang ang mukha niyay may bahid ng takot, lungkot at unting galit. Di nya malaman kung ano na ang kanyang nararamdaman at nagkanda halo-halo na ito. "may kumuha sa kanya iho, ang sabi nung lalaki hahanapin ka na lang nya dun sa bayan kaysa antayin ka dito sa barangay, di mo ba siya nakita doon?" Isang boses ng matandang lalaki na nakaupo doon sa upuan na inuupuan dapat ng kanyang nakakabatang kapatid, hindi na siya nagpatumpiktumpik at mabilis siya'y tumakbo pabalik ng bayan para hanapin ang lalaking may dala sa kanyang kapatid.

Iniisa isa niya ang kada lalaki na makita niya sa bayan at agad ding tatanungin "kilala niyo po ba si Harvey? yung maliit pong bata na lalaki, ganito po kataas may pagmatangos ang ilong ng kaunti, tahimik at galing po sa barangay?" Ang mga katagang paulit ulit niyang tinanong sa mga nagdaraan at pati sa mga napagtanungan na niya ay tinatanong niya uli, minsan tinutulak na siya palayo, minsan pa nga ay sinasapak, minsan ay minumura dahil sa kanyang ginagawa, di siya sumuko pero ng pumatak na ang gabi ay inihinto na nya ang kanyang paghahanap.

Bumalik siya sa barangay pero sarado na toh, dahan dahan siyanv naglalakad sa madilim na daanan pabalik ng bayan, ni hindi na din niya alam kung saan siya tutulog. Sa ngayon ay ayos pa ang kanyang gabi dahil may pagkain pa syang kayang pagtipidin hanggang kinabukasan lamang, bago ito mapanis. "Herald? oy Herald, ikaw nga kala ko wala ka na dito.. si Harvey?" isang babae na nakatayo sa isang kainan, agad naman siyang lumapit dito habang kita pa din sa kanya ang pighati na nararamdaman. "alam mo, doon ka na muna sa amin tumira, at doon na lang natin pagusapan, magliligpit lang ako dto" sabi nung babae at agad din itong kumilos.

"Wag ka mahiya Herald tuloy lang, tsaka di ka na nasanay na tinuturing ka na din naming pamilya" sabi ni Aling Gia, inayos niya ang plato na kakainan ni Herald habang ang kanyang asawa ay umupo naman doon sa kabilang upuan. "sa susunod ka na magkwento, makakapagintay yan, doon ka na sa kwarto ni Mara, Si Mara naman ay doon tutulog sa kwarto ng kapatid niya kaya wag ka magaalala. Pamilya mo kami" gumaan ang loob ni Herald, nanahimik na muna siya at sinimulan ang kanyang pagkain. Di parin mawala sa isip ni Herald kung saan niya hahanapin ang kanyang bunsong kapatid pero alam niya sa sarili niya na hindi siya titigil na hanapin ito.

︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎

-20 Years Later-









Secret PoliceWhere stories live. Discover now