Chapter 1: President

11 5 4
                                    

Xavier POV

"Kleid! bilisan mo maguumpisa na maya maya ang event" sigaw ng isa kong katrabaho, bodyguard kami ngayon ng Presidente at malaki ang bayad kaya tinanggap ko tong trabaho na toh at tsaka wala naman siguro na mangyayaring masama mamaya sa event, tatayo lang kami doon na parang mga display. Mabilis akong nagayos at tumakbo, iilan lang kami na pinili para magbantay ng President at iilan lang din sa amin ang mga may mapangpanggap na anyong ipapakita sa mga dadalo. As of now nakatuxedo kaming lahat at agarang luminya ng maayos at humarap sa Heneral.

"Hindi ko na uulitin pa ang sinabi ko, Sacrifice your life, just to save the President! it's that clear!" He ordered us, "Sir yes sir!" sabay sabay naming sinabi, nagsaludo kami sa Heneral at madiing tumayo pa din doon habang iniintay ang Presidente, nang dumating na siya ay agad din kaming sumaludo at matindig na tumayo, sa ilang taon ko na tong nararanasan nasanay na ata yung katawan ko kaya hindi na ako nangangalay pa. Umalis na din kami agad, ako ang iisang bodyguard ang sumakay sa kotse kasama ang Presidente habang yung iba naman ay nakasakay sa motor. Nakaupo ako doon ng tahimik habang ang mata ko ay nakatingin lang ng deretso sa kalsada, minsan ay lilingon pa kaliwa at kanan para lang masiguradong walang aberyang mangyayari.

"Make sure that you will choose the best official and cadet in every troop in the country, we will have a private meeting about this with the Special Forces, DOJ, DILG and other Agency. This operation is private even for the keen of public affairs, I repeat, this is a private operation that only me will take lead" Rinig na usapan ng Presidente sa kanyang cellphone, Hindi mo na pinansin pa at pinagpatuloy lang ang pagmamasid hanggang sa makarating kami ng ligtas sa venue.

"Wait Mr. President" sinabi ko, hinayaan niya ako kaya agad akong lumabas ng kotse at pumunta sa pinto kung saan malapit ang Presidente. "It is all clear?" tanong ko sa earphone na meron ka, nakareceive ka naman agad ng sagot na ligtas naman lumabas si President kaya pinagbuksan ko ito ng pinto. Naglakad ka sa may likuran niya banda habang sumusunod, matiwasay din naman kaming nakapasok sa loob. May dalawang MC sa taas ng stage at kami naman doon ay nasa gilid lang nakatayo at hanggang 3 oras kami doon na nakatayo hanggang sa matapos ang event.

"Maraming salamat po sa pagdalo at lalo na po kay Mr. President, salamat po sa oras at sa speech niyo po kanina. Mas mainam na't alam na ng ating mga kababayan and iba't ibang aral as diskusyon na nagawa natin sa event na ito" Sabi ng isang MC, "salamat naman at tapos na" sabi ko pa sa sarili ko, nagmamasid masid lang ako ng biglang may muntik ng mahulog na babae sa harap ko, kaya agad ko siyang hinawakan "ayos ka lang ba?" pagtatanong ko, napatingin muna siya sa akin bago niya inayos yung pagkakatayo niya "sorry po, sorry po, nabasa ka po ba? uhm may natamaan po ba ako? pasensya na po" agad niyang paghingi ng paumanhin, wala naman siyang naapakan nung nasalo ko siya or natapunan ng tubig kasi wala namang laman yung baso, muntik lang din itong mahulog pero may nakasalo naman na isa dinvg dumadalo sa event na iyon. "Ayos lang ako, magingat ka sa susunod" sabi ko pero halata sa mukha nung babae na maputla siya at parang overwork na masyado ang lagay niya, wala naman na ako magawa kaya bumalik na ako doon sa pwesto ko at baka mapagalitan pa ako kung habulin ko pa siya.

"Thank you all for your hardwork, may mga bodyguard na sumama na para makauwi si President but ngayon maguusap usap tayo sa opisina ko, I need you all there at 2100 straight, that's all! you all dismissed!" sabi ni Heneral Mandera, ng makaalis na siya ay agad naman na akong naginat para marelax ko ibang limbs sa katawan bago ako naglakad kasabay yung mga katroop ko. "saan tayo kain? sa Jollibee na lang kaya" Sabi ni Jake habang nakangiti.

"tanong mo, sagot mo?" pangaasar naman ni James sa kanya, nagsitawanan naman kami bago nagdecide "sige sige jollibee na lang, eto ambag ko chicken at kanin lang naman akin eh" pagsangayon naman ni Kristoff "ganun na din akin pero extra rice" dagdag ko naman, nagsi tanguhan naman sila, nakaramdam ako ng kamay sa ulo ng biglang guluhin ni James yung buhok ko "ayaw mo bang itry natin na nagsaing muna tapos bumili na lang tayo ng dalawang bucket ng chicken joy?" sabi niya, napahinto muna sila sa paglalakad na akala mo nagiisip "yannnalangpalaoknayan" mabilis na sinabi ni Jake na kala mo walang hinto at hingahan na binigkas ang mga salitang sinabi niya. Nagtawanan sila kaya nagsimula na magorder si James sa cellphone niya "doon na tayo sa bahay ni Kristoff para malapit doon sa post ni sir" nagsi ayon naman ang lahat, nagsisakay na muna kami sa tren para makadating sa lugar ng Makati para isahang sakay na lang ng jeep at tricycle para makadating sa bahay nila Kristoff.

Di naman siya malaki pero di rin naman siya gaano kaliit kaya tuwing wala kaming duty eh dito kami tumatambay para kumain at magpahinga ng kakaunti bago lumarga na naman sa trabaho, sa taas na minsan ng ranko namin ay mas nagiging busy kami sa kani kanilang duty. Nagsilampakan agad kami duon sa kani kaniyang upuan habang si Kristoff na yung nagsaing ng kanin at eto naman kami nagaantay na lang sa pagkain "oh eto ambag ko ah" "eto naman sa akin" kanya kanya kaming sabi at abot ng pera pambayad doon sa pinapadeliver naming pagkain, habang nagiintay ay nagusap usap na muna kami "by the wayyyy, bat wala ka pang girlfriend siv?" at eto na naman tayo sa tanong nilang, bat wala akong girlfriend, di ko naman sila tinatanong na bat di pa kayo naghihiwalay ng girlfriend mo?, nagsasawa na ko sa tanong nila lagi, "AHAHAHA makailang ulit mo na yan tinatanong pagtapos ng duty natin" sabi ni James na may halong tawa pati na rin namimikon na mukha, gusto ko na silang kutusan pero kalma lang for the better environment.

"alam niyo na naman na di ko naman need magrush ah, 23 years old pa lang ako mga pre" pagrarason ko sa kanila plus, wala naman akong hilig sa babae-ata. "aysus, ket may mga babaeng maputol na ang leeg kakalingon sayo eh, bat di mo kasi pansinin. Kulang na lang makilala ka sa facebook eh, kasi kami nagviral na ahahahaha" pwedeng pwede ko ng kaltukan si Jake sa mga sinabi niya pero natawa pa din ako sa part na viral na sila "ok lang, Di pa naman viral si Kristoff tsaka Jake, patok na patok ka sa mga bakla bat hindi sila patulan mo?" sabi ko, tinignan lang ako ni Jake ng bigla kong naalala sa mga itsura niya "AHAHAHA gets" sabi ko, pero nagtaka silang lahat kaya agad din naman silang nagreklamo. "anong gets??? ano yon?" sabi ni James na nagtatanong sa aming dalawa ni Jake, hinayaan ko na siya na yung magsabi kaya tahimik lang ako sa gilid. "kilala niyo naman girlfriend ko diba? transgender yon, si siv lang pala nakakaalam nalimutan ko paalam sa inyo ahahaha" banggit niya bago tumawa, gulat sila pero walang halong diskriminasyon sa mga mata nila at judgement, ngumiti sila at tinapik balikat ni Jake. "so, nakailan ka na?" Unang tanong ni Kristoff "maganda ba? ano itsura ng katawan?" pangalawang tanong na galing kay James, natawa na lang ako bago mabatukan sila ni Jake "madaming beses na may nangyari pero di ko didiscribe katawan niya, akin lang po yun" agad niyang sabi pagtapos niya silang batukan. Nagsitawanan naman silang lahat, naudlot lang ng kaunti ang aming usapan ng dumating na yung inorder naming pagkain.

"arat kain na" sabi ni Kristoff, naihain na din pala agad ni James yung mga plato at kutsara na gagamitin namin kaya nagsimula na kaming kumain.

︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎

︎________________________________________________________________________________

Secret PoliceWhere stories live. Discover now