CHAPTER 4

263 83 13
                                    

Lahat ng tao na nandito sa bahay ngayon ay busy sa paghahanda para sa kainan mamayang tanghalian. Yes, fiesta na ngayong araw dito sa barangay namin. Simula ng gumising ako kaninang umaga ay malalakas na tili ng baboy na gagawing letchon ang naririnig ko.

Buti nalang I had a peaceful sleep, walang masama at weird na panaginip. Kampanti rin ako dahil nandito si ate Carryl sa tabi ko.

"Ma, nandito na sina uncle Rolly." rinig kong sabi ni uncle Peter kaya agad akong napalingon sa kaniya.

Nandito kami ngayon ni ate Car sa dining table habang nasa kitchen naman sina auntie Lucy at Lola kasama ang ilang tumutulong sa kanila sa mga gawain kahapon.

"Sinong mga kasama niya?" rinig kong tanong ni Lola kay uncle.

Nagkatinginan naman kami ni ate, "Sina kuya Drecxil." sabay naming sabi at agad na tumayo.

"Pa! Kasama ba sina kuya Drecxil at Dienna?" tanong naman ni ate kay uncle.

"Oo, silang lahat yata." agad na sagot ni uncle.

"Mag mano kayo sa mga nakakatanda." sabi naman ni Lola na naglalakad palabas at patungo sa sala, kami naman ni ate ay nakasunod sa kaniya.

Ilang weeks na ako dito, pero hindi ko pa nakikita ang mga kamag-anak namin dito. Sabagay, sa ibang baranggay sila nakatira.

"Paolo, kamusta?" agad na sabi ni lola ng makarating kami sa may sala. Napatingin naman ako sa mga taong nakaupo doon sa sofa habang nakangiti.

"Oh Percy, masyado ka namang busy, marami pa ba kayong ginagawa?" nakangiting sabi naman ni Lolo Paolo.

"Hay naku, ganito naman palagi every year." natatawang sabi ni Lola.

"Hello po, Lolo Paolo." nakangiting sabi namin ni ate at agad na lumpit sa kaniya para mag-mano.

"Aba, mga dalaga na... Godbless you." nakangiting sabi ni Lolo Paolo samin bago muling bumaling kay Lola at muling nakipag-usap.

"Sino sila?" sabi ni ate habang nakatingin sa dalawang nakaupo sa sofa.

"Ate Carryl naman." nakangusong sabi ni Dienna, kaya natawa nalang kami ni ate.

"Aba, dalaga na si Dienna." sabi ni ate at naupo sa isang sofa, tumabi naman ako sa kaniya.

"Kailan kayo umuwi?" biglang tanong naman ni kuya Drecxil.

"Two days ago, kami ng parents ko. Si Arley naman, two weeks na siya dito." sagot naman ni ate habang ako ay tumango-tango lang.

"Ikaw lang?" tanong ni kuya sakin.

"Yup, busy kasi sina papa sa work." sagot ko naman.

"Kelan ka naman babalik ng manila?" tanong niya ulit.

"Before mag start ang pasukan." hindi seguradong sagot ko naman.

"How's life kuya Drecx? Ba't parang mas pumogi ka yata." natatawang sabi naman ni ate kay kuya Drecxil.

"Naku, ate Car, nasa healthy relationship kasi yan." natatawang sabi naman ni Dienna.

"Wow, sana all." natatawang sabi ni ate at sinulyapan pa ako.

Tsk. Edi kayo na may healthy relationship, basta ako buhay at walang sakit -.-

Nagpatuloy kami sa kwentohan since it was almost three years since we last saw them and have time like this.

Ate Carryl's already turning 23 this year and she's a year younger than kuya Drecxil. Si Dienna naman ay two years younger than me, ako kaka-nineteen palang five months ago.

UNKNOWN ADMIRER (COMPLETED)Where stories live. Discover now