Kaya ng mag gabe matapos kaming mag dinner ay agad na pumunta ako sa kwarto para makapag pahinga. Dahil alam ko na makakatulog agad ako dahil sa pagod ay nag-dasal naman ako bago ako tumihaya sa kama.

Dere-deretso ang tulog ko hanggang kinaumagahan. Himala at hindi ako nanaginip, hindi rin ako nagising sa kalagit-naan ng gabe.

Naabutan ko naman ulit si Lola na nag hahanda para sa breakfast namin kaya tinulungan ko naman siya.

"Si Lolo?" Takang tanong ko kay Lola nang matapos kami sa ginagawa.

"Maagang umalis para sunduin sina Peter sa airport. Segurado ako naghihintay na yun ngayon sa pagdating nila." Sagot naman ni Lola at naupo sa harapan ko.

"Hala oo nga pala, ngayon dadating sina ate Carryl." Agad na sambit ko na may tuwa sa boses ko.

"Pagkatapos ay aalis naman tayo para mag groceries." Tumango nalang ako at nagsimulang kumain.

Nang matapos akong kumain ay agad akong naligo at nag-ayos dahil aalis nga kami ni Lola later. Also, I'm so happy right now dahil darating na sina ate.

Matapos akong makapag ayos ay lumabas at bumaba na ako. Naabutan ko naman si Lola na nanonood ng tv sa sala.

Hindi pa man ako nakakaupo sa tabi niya ng marinig namin ang tunog ng sasakyan sa labas.

"Andiyan na seguro sila." Ani Lola at agad na tumayo. Napalingon naman ako sa may bintana, agad na nakita ko naman ang sasakyan ni Lolo.

"Andiyan na sila, La." Nakangiti kong sabi at agad na naglakad papalabas ng pinto, sumunod naman si Lola sakin.

Hinintay namin sila sa may terrace. Ipinarada naman ang sasakyan sa harapan. Nang lumabas si Lolo sa front seat ay lumabas rin sina Uncle Peter at Auntie Luzy kasunod si ate Carryl.

"Pakilagay ng mga gamit nila sa loob, Nanding." Rinig kong utos ni Lolo kay Tiyo Nanding na siyang driver pala nila.

"Ate!" Nakangiting sinalubong ko sila.

"Arl." Nakangiti niya namang sabi at sinalubong namin nang yakap ang isa't isa.

"Lola." Aniya ulit at yumakap kay Lola na nasa tabi ko.

"Kamusta naman ang apo ko?" Nakangiting sabi ni Lola sa kaniya.

"Uncle, auntie..." Ani ko ng makalapit sina uncle Peter and auntie Luzy sa amin. Agad naman akong nagmano sa kanila at yumakap kay auntie.

"Ma, kamusta?" Nakangiting sabi ni Uncle at yumakap rin kay Lola.

"Ang tagal naming hindi nakadalaw, sorry ma." Ani naman ni auntie Luzy at yumakap rin kay Lola.

"Naku, hayaan niyo na, ganyan talaga pag nasa malayo ang trabaho. Ang mahalaga nakapag bakasyon kayo ngayon." Nakangiting sabi naman ni Lola sa kanila.

"Kamusta ang buhay dito, Arley?" Biglang tanong ni Uncle sakin.

"Two weeks ka na dito, diba?" Ani naman ni Auntie.

"Opo, maayos naman dito. Kaso minsan boring kapag ako lang mag-isa." Natawa naman sila dahil sa sinabi ko.

"Don't worry, Arl. We will stay here for two weeks naman. Pupunta tayo palagi sa town proper." Sabi naman ni ate.

"Sus, paglalakwatsa na naman nasa isip mo." Pambabara ni auntie Luzy sa anak niya. Natawa nalang ako.

Pumasok kami sa loob ng bahay at doon ipinagpatuloy ang kwentohan. Dinala naman ni Lolo at Tiyo Nanding ang mga gamit nila sa taas. Nag decide kami ni Lola na mag go-groceries kami pagkatapos mag lunch.

"Ang linis ng kwarto ah. Parang walang naka-occupy." Natatawang sabi ni ate habang tiningnan ang kabuoan ng kwarto ko.

"Naglinis kaya ako, kasi alam kong dito ka matutulog." Natawa naman siya sa sinabi ko at naupo sa kama.

"Anong mga ginagawa mo dito sa loob ng two weeks, Arl?" Biglang tanong niya habang sinisimulang ilabas ang mga gamit na dala niya na nasa bag.

"Wala. Natutulog pag ako lang mag-isa. Na nonood ng tv. Nag ce'cellphone, kumakain." Nagkibit-balikat pa ako at sumandal sa headboard ng kama.

"Ang boring kaya pag wala sina Lola, pero ayos lang naman, wala naman akong gustong gawin." Ani ko ulit.

"Hindi ka lumalabas ng bahay?" Kunot noo niya naman tanong.

"Hindi, wala naman akong kasama eh, hanggang sa hardin lang ako pag nandiyan lang sina Lola. Parating nasa kwarto, sa kusina at sa sala lang ako pag ako lang mag-isa."

"Ang boring naman. Dapat lumalabas ka, nag e'explore sa labas, pumupunta sa bayan, tumatambay sa plaza, or kahit dito lang sa barangay." Sabi naman ni ate at tumayo dala ang mga damit niya.

"Tsk... ayoko nga, muka naman akong tanga non." Nakanguso kong sabi.

Lumingon naman siya sakin, "Diba nandito ka para mag heal. Feeling ko mas lalo ka lang naging lonely kasi mag-isa ka lang dito at walang ginagawa." Aniya naman at muling bumaling sa mga damit niya na inilalagay sa loob ng drawer.

Naalala ko naman ang mga araw na feeling ko hindi ako mag-isa kahit na talagang mag isa lang naman ako. Tsk. Gusto ko sanang sabihin kay ate Carryl pero wag na, baka pagtawanan niya lang ako or mas takutin.

Nang matapos si ate sa pag aayos ay lumabas na kami para makapag lunch. Sa kabilang kwarto naman nag stay sina Uncle Peter at Auntie Luzy, si ate naman ay sa kwarto ko. Malaki naman ang kama ko kaya kasya kaming dalawa.

Nang matapos kaming lahat mag lunch ay umalis naman kami ni Lola para makapag groceries na, si ate Carryl naman ay sumama sa amin.

Si Tiyo Nanding ang naging driver namin, siya rin ang tumutulong samin sa pagbubuhat ng mga pinamili namin.

Panay kwentohan naman kaming tatlo nina ate at Lola habang namimili kung ano ang mga dapat bilhin.

"La, marami ba ang bisitang darating?" Biglang tanong ni Ate.

"Syempre naman ate." Natatawang ani ko.

"Oo, darating nga sina Mayor. Inimbitahan rin ng Lolo mo ang mga kompare niya. Syempre hindi mawawala ang mga inimbitahan ko." Natatawang sabi naman ni Lola.

"For sure, darating rin ang mga kamag-anak nating." Sabi ko naman at tumango naman si Lola.

Matapos kaming bumili ng mga gagamitin para sa fiesta na dalawang araw nalang, ay naki-uwi na kami.

Panay naman sabi si ate na punta raw kami next time sa plaza para tumambay or sa Mc Donalds para kumain.

Kinabukasan ay busy ang lahat, may mga malalayong kamag-anak at kakilala na mga taga dito o sa kalapit na barangay ang tinawagan ni Lola at Lolo para tumulong sa mga gawain.

Nagkatay sila ng baboy na lulutuin para bukas. Ang buong bahay namin ay maingay. Nasa likuran ng bahay ang mga katulong ni Lolo para magkatay ng baboy. Si Tiya Tesie at ang dalawang asawa ng katulong ni Lolo naman ang katulong ni Lola sa kusina, tumulong rin si Auntie sa kanila. Tumulong naman kami ni Ate Carryl sa pag gawa ng deserts.

Kinahapunan ay nag deliver ng mga mesa at upuang gagamitin para bukas. Kami naman ni Ate at nasa hardin ng mga oras na iyon, inaayos ang mga halaman ni Lola na e de'design niya bukas sa buffet table.

UNKNOWN ADMIRER (COMPLETED)Where stories live. Discover now