"Sabi pa nga nuung anak niya senyorito na nuung umalis si Idong, ala eh masigla naman daw siya. Nabigla nga sila bakit yuun nangyari at nagbigti sa puno ang ama nila." Dagdag ni mang Nanding. Napaisip akong malalim sa sinabi nila manong ngayon.

"Kailan daw tu nangyari?"

"Ala eh kahapun senyorito. Di na daw nakauwi kagabi ang tatay nila." Tumango tango ako sa sinabi ni manong Nanding. Tinugma-tugma ko sa isip ko ang mga pangyayari.

"Yung mga anak ni manong Idong. Asan na ho ngayon?" Tanong ko ulit sa kanila.

"Nasa tiyahin nila senyorito, ala eh sa kapatid ni Idong. Kawawa nga yuung mga anak niya senyorito, mga bata pa laang." Dumaan ang lungkot sa mga mata ko sa sinabi ni manong Nanding.

"Pupuntahan namin ni Marie bukas ang mga bata."

I'm planning to give the children a better education and a little grocery too.

"Ala eh, mabuti nga iyan senyorito." Saad ni Nestor.

"Kailan nga pala ililibing manong?"

"Ala eh, balita ko ililibing na nila ngay-on. Wala kasi silang pera senyorito. Di naman mapamemesahan, kasi bawal yaan." Tumango na lang ako sa sinabi ni manong Nanding.

Hindi ako naniniwalang nagpakamatay si manong. Kung may foreplay man ang naganap, malinis ang pagkakagawa niya.
Kawawa ang mga bata. I too have experienced the loss of a loved one. I was young, when that incident occurred. Nakita ko, na binaril siya ng mga taong walang awa, mga halang ang kaluluwa, mga taong salut sa lipunan. Naawa ako sa mga bata, wala na silang magulang sa mura nilang idad. May ama nga ako, pero di ko naman kasundo. Since the day mom died I have hated him. Siya ang dahilan kaya namatay si mom. I clench my jaw, as I remember what happened before.

Mara:

Ang tahimik lang ng bahay, takot na takot si Lenlen kanina ng mabalitaan ang nangyari. Kung ano-anu kasi sinasabi nila kanina kay manong.

Bumangon ako sa higaan ko, malalim na ang gabi pero di pa rin ako makatulog. Hindi ako makapaniwala sa pagpapakamatay ni manong, idagdag pa ang mga inaasta ngayon ni Gabriel sakin na ikinapintig palagi ng puso ko. Hinawakan ko ang dibdib ko. Sa tuwing nasa malapit siya abut-abot ang kaba ko, sa tuwing naiisip ko siya napapangiti ako. Nababaliw na talaga ako, dati naman hindi ako ganito.

Napagpasyahan kong lumabas na lang muna at magpahangin. Walang ilaw sa sala pero may kunting liwanag na nanggagaling sa labas. Di nila pinapatay ang ilaw sa labas tuwing gabi, nasanay na daw sila manang na ganun.

Paglabas ko ay dumampi sa akin ang malamig na hangin. Masarap talaga ang simoy ng hangin sa probinsya. Napapikit ako at ninamnam na lang ang dampi ng hangin sa balikat ko, na ikinalipad ng nakalugay kong buhok.

"Marie?" Gulat akong napamulat ng marinig ang boses ni Gabriel. Napabaling agad ako sa kanya, parang galing siyang swimming pool.

Kanina pa ba siya sa labas? Bakit ngayon ko lang siya napansin?

"Senyorito, gising pa pala kayo?"

Tiningnan niya ang sout ko na ikinaasiwa ko. Naka spaghetti strap lingerie ako at lace cami shorts pajama set na kulay pink. Sanay akong ganito ang damit pantulog, kung alam ko lang na gising pa siya at magkikita kami dito sa labas nagbihis na lang sana ako.

May dumaang kislap sa mga mata ni Gabriel at unti-unti siyang lumapit sakin, na ikina-atras ko.

"S-senyorito..."

Kumakabog ng mabilis ang puso ko ng napasandig ako sa gilid na ng pintuan. He gaze at me intently and he then lower his head. Pikit na pikit ang mata ko, di ko siya kayang tingnan habang papalapit ang mukha niya sakin. I felt the heat of his breath on my shoulder, and I noticed his hand on my back, as if his looking for something. Nalalanghap ko ang bango niya. Di ko napigilang mapakagat labi pag sumasayad ang kamay niya sa balat ko, at sa bango niyang nagpapadoble sa naramdaman ko. May binubuhay siya sakin, na parang bumubuo na init na nagbabaga sa katawan ko.

"La Perla..." Bulong niya na rinig na rinig ko. Pumupungay ang mga mata kong napatingin sa kanya. Do I hear it right? Did he say...

"You wear a brand of La Perla." Ulit niya, na napalaki sa mata ko.

Kaya siya lumapit kanina para tingnan lang ang brand ng damit ko? Di pala para halikan ako? Ang laki kong gago! Nagpadala ka sa tukso Mara, now face the consequences. Alam niya na ngayon na may tinatagu ka.

"A-aah sa ukay-ukay lang tu." Umiiwas ako ng tingin sa kanya.

"Ukay-ukay? Makakabili pala ng set sa ukay-ukay?" Nakangisi niyang turan.

"O-oo naman. Bakit, nakapasok ka na ba sa loob ng ukay-ukay? Di mo alam senyorito, sa pag ukay mo may set." Palusot ko, na ikinangisi lalo nito.

"Okay, palalampasin ko yan." Amuse siyang napatingin sakin. "What's your surname Marie?"

So, nagduda talaga siya sakin.

"Bakit napatanong ka senyorito?"

"Wala lang." Kibit balikat niyang sabi. "Naisip ko lang, na naghalikan na tayo't lahat di ko man lang alam kung anong apilyido mo."

Pinamulahan ako sa sinabi niya. May ano sa loob ko na gustong sabihin sa kanya kung sino ako. Pero baka manganib lang ang buhay ko dito, mauna pa akong mapatay ni Gustav imbis ako ang papatay sa kanya. Pero iba si Gabriel ayaw ko magsinungaling sa kanya.

"B-bartolome. Marie Bartolome, ang pangalan ko."

"Marie Bartolome." Tumango tango siya. "And I am Gabriel De la Vega."

De la Vega? Familiar, parang narinig ko na ang apilyido niya noon. Di ko lang maalala.

"Why?" Tanong niya ng napansing natahimik ako.

"Dela Vega? Parang pamilyar.." Tumawa siya sa sinabi ko.

Pero saglit lang, ng napatingin siya sa malayo ay unti-unting naging seryoso ang mukha ni Gabriel. Napakunot ang noo nito na napatingin sakin saglit, at bumalik uli ng tingin sa tiningnan niya kanina. Naguguluhan ako kay Gabriel. Titingnan ko sana tiningnan niya ng hinawakan nito ang kamay ko, naging abnormal na naman ang aking puso.

"Halika na sa loob." I saw irritation in his eyes. "Kung makatitig na siya sayo, may halong pagnanasa na." Nagsalubong ang kilay nitong bulong.

"Ano?" Tanong ko.

If I'm hearing it right, ang bulong niya ay may nakatitig sakin na may pagnanasa. Sino naman, kami lang dalawa dito sa labas.

"Wala." He seems annoyed.

Hinila niya ako papasok sa bahay at katulad noon ay hinatid niya ako sa kwarto ko. Tumitig lang ako sa kanya, na hindi maintindihan ang mga kinikilos nito.

Tila siya iritado, sa tanong ko ba o may nakita siya kanina? Yung lalaki ba na nakita ko noon sa dilim?

He clench his jaw, but only for a moment and his expression on his face softened. Binitiwan niya ang aking kamay, at nilagay sa may bewang ko ang kamay nito.

"Sa susunod, huwag ka ng magsout ng ganyan paglalabas ka." Malambing niyang sabi. Napa-iwas siya ng tingin sakin and he mutter curses. "okay lang sana kong ako lang nakakita. Paano kung may ibang tao."

"So, ibig mong sabihin di lang tayo ang tao dun kanina?"

Gusto kong itanong sa kanyang ano ang nakita niya? Pero duda akong di niya yun sasabihin.

Di siya makatingin sakin. "Bakit may nakikita ka bang iba?"

May inililihim ka nga Gabriel..

"Wala."

"Matulog ka na, bukas may pupuntahan tayo." His eyes dimmed as he bent down and peck a kissed on me. "Goodnight, sige pasok ka na. Baka di pa ako makapagpigil." He huskily said. Namula ang pisngi ko at di makatingin sa kanya.

Mara Buenaventura: Love Thy Enemy Место, где живут истории. Откройте их для себя