Chapter 49

727 47 19
                                    

Wait! Seryoso ka ba?!” Dahan-dahan akong umatras. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Akala ko ba mahal mo ako?!

Hindi lang ito nagsalita at agad na tumakbo papalapit sa'kin. Hindi na ako nagdalawang isip pa at tumakbo na papalayo. Ang bilis niyang tumakbo.

Tulong! Tulungan niyo ako!” Ngunit mukhang wala ng pag asa kasi ubos na ang mga tao dito.

Tumigil na ako sa pagtakbo kasi dead end na. Wala na akong matatakbuhan pa.

Don't do this! Xavion!Tinaas na niya ang kanyang kamay na may hawak na kutsilyo. Napapikit na lamang ako habang 'yong dalawa kong kamay ay ginawa kong shield. Wag!

•••

Wag!Napaupo ako habang hinahabol ang hininga ko. Naramdaman ko ang kanyang kamay na nakahaplos sa aking likod. Napaatras ako sa gulat at nagtaka ito dahil sa inasta ko.

What's wrong with you? Kung makaasta ka para kang nakakita ng halimaw?” Halimaw ka naman talaga. Hindi mo ba alam?

Binigyan niya ako ng tubig at agad ko ito ininum. Hinawakan ko ang kamay niya. Nagulat ito.

Papatayin mo ba ako?! Huhuhu! Xavion! Diba mahal mo ako?!” natataranta kong tanong.

Sumeryoso ang kanyang tingin kaya agad ko binitawan ang kanyang dalawang kamay.

Iyan ba napanaginipan mo?Nakataas ang isang kilay niya at seryoso lang nakatuon ang atensyon ng kanyang mata sa akin.

Ano pa ba?Tumawa ito na para bang nagbibiro ako. Hindi ako magtataka. Alam kong totoo 'yong nakita ko.

Pero bakit pinapakita sa akin ni Lustre 'yon? Kontrabida ba siya or siya ang tutulong sa akin? May chance kaya na makapabalik ako sa totoong katawan ko?

I need to find her again! Para matapos na lahat ng problema ko.

Hindi ko 'yon gagawin sa'yo.” He gave me a warm smile para pakalmahin ako. Hinaplos niya ang aking buhok ngunit may something sa kanyang mata na bigla akong nakaramdam ng takot.

Liar.” Walang gana akong umiwas ng tingin. Bakit ba kasi ayaw akong payagan nilang makalayo-layo dito?

I'm telling the truth. Bakit ko naman papatayin ang taong mahal ko?” Tumigil ito sa paghaplos ng buhok ko. My expression was filled with interest as I regarded him. Unless kung may ginawa kang hindi maganda.

Sinasabi ko na nga ba eh! Iyan ba ang pagmamahal?

Ano ba ang love sa'yo, Solar?Hindi ito seryoso. Kahit nakangiti ako, alam kong wala itong interesadong makinig sa akin.

Dahil 'yan si Xavion. Hindi siya makikinig. Lahat ng gusto niya ay makukuha niya.

Love?Malay ko, hindi ko pa na experience 'yan. 30 years na akong namumuhay sa mundo pero wala pa rin akong jowa. I think 'yan 'yong ano... When someone's happiness is crucial to you, you express your love for them by acting in a loving and caring manner toward them. A person's happiness is highly important to you, as well as the behavior that reflects this sentiment.

Blinding LightsWhere stories live. Discover now