Chapter 13

1.5K 81 8
                                    

“Cute.” Napalingon ako sa lalaking nagtawag sa akin ng cute.

Anong cute dito? I only wear shorts and plain t-shirt. Wala namang cute dito.

“Thank you,” nakangiti kong sabi kay Levi.

I saw Kaius secretly took a glance at me. Mukhang naubos na pasensya ko kahapon at nasigawan ko siya.

Well, dapat lang. Malaman niyang ayaw ko sa kanila. Agad niya inakbayan si Levi.

“Hey, stay away from that girl,” seryosong bulong sa kanya ni Kaius, pero narinig ko pa rin.

“Why?” Levi giggled. “Do you like her?”

Kaius look at me, when our eyes met. Iniwasan ko ang mata niyang kanina pa nakatingin sa direksyon ko.

“No.” Tsk!

Tumabi ako kay Charlotte at ngumiti ito sa akin.

“Thank you for inviting me here, Solar,” nakangiti niyang sabi sa akin.

“Walang anuman. Enjoy niyo nalang, uuwi na ako,” walang gana kong sabi sa kanya. Aalis na sana ako pero hinawakan niya 'yong kamay ko.

Malungkot itong nakatingin sa akin, “Did I do something wrong?”

“Ha?” Ano bang pinagsasabi ng babaeng 'to?

“Hindi pa tayo nakakapunta at nakahanda na rin ang lahat.” Mas lumapit siya sa akin at bumulong ito. “I don't want to be alone here. Hindi ako masyadong komportable sa mga lalaki. Please don't leave me, Solar.”

Napatingin ako sa kanila at hindi ko mabasa kung anong iniisip nila. I heavily sighed at tumango.

•••

Nakatingin lang ako sa bintana at nilalasap ang masariwang hangin.

“I'm sorry,” Levi said.

“May ginawa ka bang kasalanan?” mahinahon kong tanong. Alam kong nagsosorry siya dahil sa ginawa ng kapatid niya. Wala namang ibang ginawa ang kapatid niya kundi bigyan ako ng sama ng loob.

“Nakita ko kayo ni Luke na nag uusap. Kung tinatakot ka niya or may ginawa siyang masama sa'yo, Just tell me.” I smirked at napailing ako.

Luke is stronger than Levi. Wala kang magagawa kundi mag beg nalang sa tao na gawin 'yong gusto mo.

“You're so kind,” nakangiti kong sabi sa kanya. Sumeryoso ang tingin ko sa kanya dahilan upang mapahinto ito. “Hindi ko kailangan ang tulong mo, alalahanin mo ang sarili mo kaysa sa ibang tao, Levi.”

Hindi na ako nagsalita pa at lumingon nalang sa bintana at pinagmamasdan ang paligid. Alam kong nag alala ito but I can protect myself.

Unfair kasi! Kung mamatay man ako, I'm sure mabubuhay ako ulit. Napahinto ako ng hawakan ni Levi ang kamay ko dahilan para gulat akong mapatingin sa kanya.

“I'm always by your side, Solar. Kaibigan tayo, diba?” Friends? Kailan pa kita naging kaibigan?

•••

Bumaba na kami sa kotse at napatingin kami sa malaking bahay. Malapit lang dito 'yong resort.

Waah! Ang ganda naman dito!” excited na sabi ni Charlotte. Napatingin siya sa amin. I hope ma enjoy tayong lahat.”

Blinding LightsNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ