"Alam mo bang ilang araw mo akong hindi pinatalulog hah Marie?" He licks his lower lip then he bite it, after he was saying those words.

Ayan na naman...ang labi niya. Bakit ba ang hot niyang tingnan pag ginagawa niya yang gesture na yan. Nang tumingin ako sa mga mata ni Gabriel tela ba nahihirapan siya. Na dinadaan lang niya sa pagkagat ng labi nito.

"I want that lips to touch mine again." Out of nowhere ay nasabi ko. Na ikinapikit nito na parang nagpipigil. Narinig kong nagmura siya. When his eyes opened it was as if his restraint had been broken and immediately worshipped my lip. Parang tumigil ang mundo sa paggalaw at ang oras ay huminto ng nagtagpo ang labi namin. Wala na akong pakialam kung saan kami naghalikan ni Gabriel. Ang iniisip ko ngayon ang nararamdaman ko, kami at wala ng iba pa. Parang sinisilaban ang aking katawan kahit nasa tubig kami. Ipinatung ko ang dalawa kong kamay sa leeg ni Gabriel para paigtingin pa ang paghahalikan namin. I heard some moan..I don't know if it's me or him. Nababaliw na ako..nababaliw na ako sa halik niyang nakakabaliw. Nakakawala ng ulirat. I feel his hand on my waist and holding me tighter. I moan from what he did. Kulang na lang ang tubig ay kumulo sa sobrang init na ng nararamdan ko. Naramdaman kong ang isang kamay niya ay nasa may tiyan ko at tinanggal ang butones ng uniform na soot ko. Naramdaman kong ipapasok na sana niya ang kamay nito ng may biglang malakas na tilamsik sa tubig. Na parang may bumatong malaking bagay sa pool. Napahinto si Gabriel sa paghalik sakin at napatingin kung saan may bumato. Lutang pa ako at nakatingin lang kay Gabriel.

"Bato?" Nagtatakang ani ni Gabriel.

Ano daw? May bato? Dun lang ako nahimasmasan ng kinuha ni Gabriel ang bato sa pool. Teka bakit may bato sa pool. Agad akong nagmasid sa paligid. Sino ang bumato niyan?

Napatingin si Gabriel sakin na nagtataka at tumingin ulit sa likud ko. Tiningnan ko ang likud ko..wala naman akong nakita. Pagharap ko kay Gabriel ay napatingin ako sa mga mata niya. Ang mga mata na yan..ganyan ang mga mata ni Gabriel kagabi noong nakatingin siya sa bulto ng tao sa dilim.

***

Manong Idong:

Pabalik na akong Villa ng nasa may tubuhan ay may pumara sa sasakyan na minamaniho ko. Nakasumbrero siyang itim at naka jacket at nakamaong. Sa porma niya mukhang hindi siya trabahante ng hacienda. Hininto ko ang sasakyan ng nasa harapan ko na ang lalaking stranghero.

"Ala eh Anong maitutulong ko sayo hijo?" Tanong niya dito.

Luminga-linga muna ang lalaki bago sumagot.

"Pwede ho bang bumaba muna kayo. May pag-uusapan sana tayo." Maangas na sabi nito.

Nabigla man sa inasta ng kaharap ay bumaba siya sa sasakyan. Basi sa pananalita nito hindi siya taga dito sa amin. Isa siguro siyang dayu pero ang ipinagtataka ko, paano siya nakapasok sa hacienda?

"Ano bang pag-uusapan natin hijo?" Tanong ko sa kanya ulit ng nakababa na ako ng sasakyan.

Ngumisi lang ang kanyang kaharap.

"Hindi mo ba gusto magbakasyon?"

Nagtatakang napatingin siya dito. "Bakasyon? Ayy ala eh.." kakamut-kamut sa ulong napatawa siya sa kaharap. "Bakit mo yaan natanong hijo? Eh yaan na siguro ang huli kong gagawin-"

"Ito na talaga ang huli sa buhay mo. Pag di ka sumunod sakin." Nanlilisik ang mga matang tumingin siya sa akin.

"Eh..A-anong kasalanan ko sayo hijo?" Nauutal na sabi ko. Naguguluhan man sa kaharap ay parang natatakot siya dito. Ang akala niya ay maangas lang talaga ang stranghero pero may ibabagsik pa pala siya.

"Wala naman..May gusto lang akong gawin mo na dapat mong sundin."

"A-ano ga iyon h-hijo." Napangisi lalo ang kaharap niya ng mababanaag na ang takot sa mukha ko.

"Bibigyan kita ng pera. Kapalit ng pagtigil mo sa trabaho mo." Hambog na pagkakasabi nito.

Napakamut uli ako sa ulo ko. "Ehh ala eh kailangan ko ang trabaho ko.. May sakit kasi-"

"Anong ayaw mo?! Bibigyan ka nga ng pera diba?! Ikaw tanda ka, mainit na ang ulo ko kanina pa!" Sabay duro-duro nito sakin.

Walang respeto ang batang ere.

"Wala kang respeto!" Hindi ko napigilang sabi sa kanya.

Na ikinainit ng ulo lalo ng kaharap. Sinunggaban agad nito ang leeg niya at ipinilipit. Di ako makahinga sa ginawa niya.

"Wala talaga akong respeto. Lalo na pag di sumusunod sa gusto ko! Hindi mo pa ako kilala tanda. Ngayon pagsisihan mong bumaba ka sa sasakyan mo!" Nanlilisik ang mga matang tumingin siya sakin.

Di ako makahinga sa ginawa niya. Kahit ibuka ko ang bibig ko ay di ako makakuha ng hangin.. Ang talukap ng mga mata ko ay bumibigat na.. unti-unti ng dumidilim ang paningin ko. Hanggang sa nalugatan na ako ng hininga, habang ang mga mata nito ay walang awang nakatingin lang sakin

***
Sorry kung hindi batangueno ang pov ni manong Idong. Ang hirap kasi mag batangueno. Gusto ko lang maging misteryoso yung pumatay sa kanya.😅

Mara Buenaventura: Love Thy Enemy Where stories live. Discover now