CHAPTER 42

783 19 0
                                    


   FOUND

NISHA CROTIA'S POV

NAGISING ako na masakit ang katawan lalo na't ang pang ibabang parte ko.

Shit. Para akong binugbog ngunit pinilit akong bumangon dahil nagugutom na ako.

Wala na si Wyx sa tabi ko. Kinuha ang kumot at ibinalot sa hubo't hubad kong katawan. Nasira kasi ang damit ko put£k.

"A-Aray ko..."

Muntik na akong mapaluhod nang sinubukan kong tumayo. Napahilot na lang ako sa aking sentido at saglit na umupo upang marelax ang katawan kong nabigla sa pagtayo.

Naabutan ko siya sa kusina. Nagluluto.

Napasandal na lang ako don sa may Island Counter habang pinagmasdan ang bawat galaw ng lalaking nakahubad-baro.

Napakagat ako sa aking pang ibabang labi.

Muling naglalaro sa aking isipan ang mainit naming pagtatalik.

Kailanman ay hindi ako nagsisisi na isinuko ko ang sarili sa kanya. Mahal ko siya---matagal na. Ngunit wala akong lakas na loob na sabihin dahil sa maling akala...

"Enjoying the view huh."

Napangisi ako at lumapit sa kanya para yumakap habang siya'y nakatalikod.

"Evening,love..." I whispered in her ear.

Natulos siya sa kinatatayuan.

"Why? What's the matter?"

Nagtataka kong ani.

"Damn..Just sit there,Crotia. You're distracting me."

"Hmmm.."

Sinilip ko ang niluto niya. Yung kansi na hindi niya naluto kanina.

"Need help?" I volunteered.

Tumaas ang kilay niya. "You know how to cook?"

Sumimangot ako. Nagmagandang loob lang ako eh.

"Ayaw mo bang tulungan kita?" I pouted.

"Di ka marunong magluto." He shrugged.

"Then teach me."

"You sure?" Saglit niya akong tinapunan nang tingin.

"Oo, gusto kong matuto. Slight nga lang." Alanganin akong ngumiti.

Di ko talaga type ang magluto. Ini-spoiled kasi ako ng kambal ko.

"Anung slight?" Taas kilay na sabi niya. Aba ang sungit naman ng lalaking ito. Amp.

"Joke lang hehehe..."

Napangiti na lang ako nang mahina siyang natawa.

"Okay, what do we next?" Tanong ko maya't maya at inalis ang takip ng kaldero at sinilip ang karne sa loob niyon.

"Maghintay na lumambot ang karne."

"Gaano katagal?"

"About an hour or two."

"Tagal naman. Pero hindi bale, nahintay nga kitang umamin eh, anu ba naman 'yong two hours na paghihintay sa paglambot ng karne na 'yan. Parang true love din pala din yan,no? Matagal na hinihintay." Pabirong sabi ko pero hindi nagbibiro ang tingin sa kanya.

Tumikhim siya at pilit na pinakaswal ang boses na itinuloy ang pagtuturo sa akin kung paano lutuin ang kansi.

"Then you'll have to mix in the sinigang mix,salt and pepper. Kung gusto mo ng maasim na maasim,ilagay mo na yong isang buong sinigang mix. Sa nakita ko sa recipe,batwan ang inilalagay para pampaasim. Pero wala akong nakitang batwan sa market. Add pepper,then the green jackfruit,the lemon grass and last would be the achuete for color."

MARRYING THE RUTHLESS MAFIA BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon