CHAPTER 5

1.4K 44 0
                                    


-COOK FOR ME-

MAXELLA'S POV

BUMUNGAD sa akin ang malaking bahay pagkatapos buksan nang guard ang malaking gate.

May fountain na naroon at malawak na garahe. Sa bakuran ay may mga bulaklak, at mangilan-ngilang puno kaya nang tanggalin ko ang aking helmet sa ulo ay sumalubong sa akin ang sariwang hangin. Dahilan kung bakit tumabon ang mga takas na buhok sa aking mukha.

Bumaba ako at bumaling nang tingin kay Azekelle na bumaba narin sa driver seat. Nakatupi na hanggang siko ang manggas ng business suit nito at magulo ang buhok na ibinagsak ang pinto ng sasakyan.

Damn, I can't really deny the fact that his face were perfect, breathtaking, and captivating kahit na busangot ang mukha nito at walang kangiti-ngiti.

And when his gray eyes meet mine, napabumuntong hininga ako at sumunod sa kanya nang sumenyas siya.

Triple ang laki nang bahay na ito kaysa bahay namin.

Well, what do you expect ? He's powerful and rich than my parent.

"Nice house..." Nauntag ko habang inilibot ang aking paningin ang loob.

"Feel at home. This is your house, too." Malamig na sabi niya at nilagpasan ako.

Napatitig ako sa likod nya at wala sa sariling sumunod sa kanya.

Napakunot ang noo ko nang mapansin ang tahimik nang bahay at wala man lang maid na sumalubong sa kanila katulad nang nasa bahay pa ako nang mga magulang.

Ang laki at lawak ng bahay, isa lang ang nakatira. Tsk.

"Why are you following me, woman?" Aniya at hindi parin ako tinapunan ng tingin. Diretso lang itong lumakad papunta sa kusina, I think.

Hindi ako kumibo.I heard him say 'tsk' and this time he stayed silent.

"Where's your maids anyway?" Walang-gana kong tanong sa kanya. Nang makarating sa may kusina.

Nakaramdam ako nang pagkauhaw kaya binuksan ko ang ref na naroon at kumuha nang gatorade.

"I don't need a maids." Tipid na sagot niya at walang emosyon na tumitig sa akin. "I'm starving. Cook for me, then."

Halos maibuga ko ang ininom ko nang kalmado niyang sabihin iyon sa akin.

"Pinakasalan mo ba ako para maging alipin mo?" Nanliit ang aking mga mata sa tanong ko.

Ibinaba niya ang basong may laman na tubig na ininum niya at tsaka tumalikod. Akala ko di niya ako sasagutin. Hindi palang siya nakalayo ay tumigil siya sa paghakbang.

"You're my wife. It's your obligations to serve me. So, don't expect that I will treat you like a queen. 'Cause I will never do it."

Napaawang ang aking bibig sa sinabi niya. Gusto kong magsalita pero parang umurong ang dila ko. What the hell? Seriously? Unang araw ko palang sa bahay na ito, nasa kusina ang unang bagsak ko.

...

SERYOSO ang aking mukha na inilapag sa lamesa ang aking mga niluto. Ilang minuto kong natapos lutuin ang isang adobo, bacon,at scrambled egg nang walang kahirap-hirap. Sanay na ako sa mga gawain sa kusina.

Tss. Hindi ako lumaki na señorita kaya may alam ako sa mga gawain sa bahay.

Tinanggal ko ang coat na nakapalibot ang magkabilang manggas sa aking beywang at nilagay iyon sa bakanteng upuan.

Habang ako'y nagliligpit nang kalat ay naramdaman ko na may nakamasid. Hindi ako lumingon sapagkat alam ko na kung sino ito.

Sino pa ba eh kami lang dalawa sa bahay na ito. Tsk.

MARRYING THE RUTHLESS MAFIA BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon