Dentist

341 29 4
                                    

Bonus Chapter.

Kakie's


"Tigilan mo na nga kumain niyan, tignan mo oh." Turo ko sakanya habang maiyak-iyak na siyang kumakain.


"Nagugutom ako!!" Sagot ni Rini sa akin at umiyak.

"Kailan ba kasi huli mong punta sa dentist?" Tanong naman ni Tantan habang dumukdok naman si Rini sa may lamesa.


"Hindi ko alam?"


"Paanong di mo alam?"


"Takot nga kasi ako!" Sagot niya at napatawa naman kaming dalawa habang umiiyak siya sa sakit.


"Tara na, sasamahan ka na namin." Aya ko sakanya pero nagpumiglas pa siya.



"Ayoko, magkikita kami mamaya ni Tricia."



"Tara na, saglit lang 'yon. Apaka duwag mo naman." Sabi ni Tantan at binuhat si Rini na parang sako. Nagpumiglas pa siya pero wala ding nagawa.



"Iupo mo na diyan Kie, ako na bahala sa friend niyo." Utos ni Doc Callie kaya pinaupo na namin si Rini na halatang takot na takot.



"Doc please ayokong masaktan, may date pa kami ng girlfriend ko." Sagot ni Rini at tinignan ako nang masama.



"Saglit lang 'yan, kayong dalawa lumabas na."



"OUCH, TAMA NA!" Rinig naming sigaw ni Rini at maya maya ay tumahimik na sa loob ng clinic ni Doc.


After 1hr ay lumabas si Doc sa pinapasok kami sa loob, nandoon naman si Tanga na nakahiga at ngumingiti ngiti.

 

"Anong nangyari sakanya?" Tanong ko habang si Tantan naman ay busy picturan si Rini na nakaupo.



"Binigyan namin ng laughing gas or nitrous oxide para kumalma siya kaya ganyan." Sagot nung assistant ni Doc.


9
"Nasaan na girlfriend ko? Miss ko na siya."



"Wala na, iniwan ka na. Isip bata ka kasi." Sagot naman ni Tantan kaya napabalikwas yung isa sa upuan.



"Umupo ka nga." Pigil ko sakanya pero nagpumiglas na naman, saktong dumating na din si Tricia since siya ang mag-uuwi kay Rini.



"Alam mo kamukha mo yung girlfriend ko." Sabi ni Rini kay Tricia at hinawakan siya sa mukha.



"Love, ako nga 'to." Sagot naman ni Tricia at tumawa, nagpaalam na ako sakanila kasi may lakad pa kami ni Jillian at Si Tantan ay susunduin naman si Ashely.




Tricia's 

"Miss saan tayo pupunta? May date pa kami ng girlfriend ko." Tanong ni Rini sa akin habang palabas kami ng Clinic.



Hawak ko siya sa bewang kasi di siya makalakad ng ayos kala mo nakainom.



"Miss magagalit girlfriend ko promise, dalhin mo nalang ako sakanya."



"Ako nga 'to."



"Hindi ikaw si Patty, impostor ka lang or baka kakambal niya no."



Napatawa nalang ako sa pinagsasabi niya hanggang sa makarating kami sa kotse ko.



"Alam mo love na love ko 'yon kahit ang sungit minsan at mahilig mang-away." Kwento niya habang nagdadrive ako pauwi sa condo niya.



"Totoo ba?" Tanong ko sakanya at sumulyap ng tingin since nagdadrive nga ako.


"Oo ngaaaaaaa, alam mo ba ang ganda tska talino pa ng girlfriend ko. Kaya impossible na ikaw 'yon kasi tinulak mo yung pull  kanina sa pintuan. " Sagot niya at tumawa naman.



"Bawal bang magkamali ha?"



Tumawa lang siya at maya maya bigla nalang tumahimik sa kotse, nakatulog na pala siya.



malapit na kami sa condo niya nung bigla siyang napabalikwas at tumitig sa akin.



"I love you so muchhhh Tricia."



"I love you more."



"Hindi!! Sabihin mo 'yan sa girlfriend ko! Pinapasabi ko kako."


"Ako nga girlfriend mo..." Sagot ko at tumawa habang kumunot naman ang ulo niya at pinikit ang mata.

Love NotesWhere stories live. Discover now