Boom huli!

513 52 13
                                    

Day 45

Last 5 days nalang at matatapos na ang court side reporting ni Madam.

Wala siyang rehearsals ngayon kaya sinundo siya ni Ma'am Leni para maglunch pero sinama ako.


"Ma, I'm sure kilala mo naman si Rin. Right?" Sabi niya kay Ma'am Leni pero ako tong kabado kabado magsalita.


"I know naman, nakita ko nga kayo ilang beses na magkayakapan e."


"Ma, naman!"


"Hello po Ma'am Leni." Putol ko sakanila at inabot ang kamay ko pero niyakap niya ako bigla.

"Tita nalang, 'wag na Ma'am. Bata pa ako!" Natatawa niyang sagot at hinampas ako sa balikat. Di naman masakit pero hilig ata nila, alam na kung kanino nagmana.


Nasa likod ako ng kotse habang katabi ni Tricia si Tita sa front seat.

Nagkukwentuhan sila pero napukaw ang atensyon ko nung may tinanong si Tita Leni sakanya.

"So nahanap mo na ba siya?" Tanong nito kay Tricia pero tanging iling nalang ang nasagot niya.

"Nope, masyadong mailap Ma."

"Naalala ko tuloy si Papa mo noon, he loves making me notes and letters." Kwento ni Tita.

"I'm sure Ma, she's the sweetest. Katulad din ni Papa kaya I'm eager to find her."

Pinipigilan kong ngumiti sa naririnig ko kaya binuksan ko ang phone ko at nagkunwaring may kausap.

Little i didn't know nakatingin pala si Tricia sa salamin ng kotse at tinitignan ako kaya nung pag angat ng ulo ko nagka-eye contact kami at kaagad siyang umiwas ng tingin.

"Tita picture po kayo, ang ganda ng ngiti niyo parehas." Alok ko sakanila at nilabas ang phone ko sa bulsa.

"Bolera ka ah." Natatawa niyang sagot at hinigit papalapit sakanya si Tricia

" Natatawa niyang sagot at hinigit papalapit sakanya si Tricia

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Love NotesWhere stories live. Discover now