You do note!

550 48 4
                                    

Rini's POV

Kanina pa ako hindi mapakali sa upuan ko habang si Tricia naman ay ang himbing ng tulog sa kwarto ko.



Muntik na ako matunaw sa ginawa niya pero need ko magpakakatag. Strong ka diba Rini.




Nagpasyahan ko nalang na magluto for dinner since alas singko na din ng hapon at ilang oras na tulog si Tricia.



May yumakap sa likod ko at pinatong ang ulo niya sa balikat ko, muntik na akong sumigaw sa gulat pero si Tricia lang pala.



"Ano niluluto mo?" Tanong niya with sa raspy voice since kagagising lang ata.




"Sinigang na hipon. "




"Sarapan mo ha."



Maya maya ay hindi na siya gumalaw sa pwesto niya, nakatulog na naman ata si Patring jusko masusunog yung niluluto ko!



"Trish, gising. Bumalik ka na ulit sa kwarto." Tapik ko sa kamay niya na naka pulupot sa akin.



"Hmmmm? Okay." dahan dahan niyang inalis ang kamay niya at naglakad padiretso kwarto ko.



Feeling ko mamamatay na dahil sa'yo Patricia. Parang gusto na lumabas ng puso ko mula sa katawan ko.




Tulog mantika talaga 'to, kaya dumiretso ako sa kwarto ko para gisingin siya since kakain na kami.



"Trish, gising na." Tapik ko sakanya at lumingon dahil nakaharap ang likod niya sa akin kanina.




"5 minutes pa please."




"7 pm na, kumain ka na at baka hinahanap ka na nila Ate Aika."




"Okay but kargahin mo ako." Sagot nito at tumawa. Loka ka girl. Pwede naman charot.



"Joke lang ito na." Bumangon na siya at dumiretso sa kusina para kumain.




"Thank you for today." Sabi niya sa akin nang ihatid ko siya sa condo nila.



Naglalalakad na ako paalis nung tinawag niya ako at tumakbo papalapit.



"May nakalimutan ka ata?" Tanong niya sa akin pero nagtaka naman ako since wala naman akong binigay sakanya.



"Ito oh." Sagot nito at hinalikan na NAMAN ako sa pisngi.



Tumakbo siya papalayo habang tumatawa habang ako naman ay napatulala nalang sa kinatatayuan ko.




"Ma'am tara na, Tama na po landian niyo ng Girlfriend mo. Nakauwi na siya." Sabi ni kuyang grab driver kaya nahiya ako at pumasok na sa kotse.



"Girlfriend mo Maam?" Tanong niya sa akin habang nagdadrive.



"Hindi po Kuya, issue ka po. Friends lang po kami non."



"Hindi nga? Pero ibang titignan meron kayo ah." Sabi nito.




Pangalawang tao na 'to na nagsasabi pero hindi ako assumera for today kaya manahimik ka kuya.



Day 29

Day 29

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Love NotesWhere stories live. Discover now