This is it pancit

588 53 28
                                    

(Not revised)

Gabbie's

Naiinis na ako sa mga paranigan nila sa Twitter, hindi nalang kasi mag-usap mga animal.

Nakita ko si Rini na papunta sa Main office at may dalang maleta, aalis na ata si Gaga papuntang Baguio.


Kaya nakaisip ako ng magandang ideya para mapagusap sila. Saktong nasa office si Madam kaya kumaripas ako ng takbo.


"Tricia, hindi mo pa ba alam?" Hingal na sabi ko sakanya kaya napatitig naman siya sa akin.



"Ang ano?"


"Si Rini aalis na, magmimigrate na daw sabi ni Kakie."


"HUH?" Tumayo siya sa upuan niya at bakas ang gulat at lungkot sa mukha.


"Huwag kang magbiro ng ganyan Gabriella, sinasabi ko sa'yo."


"Hindi nga, puntahan mo sa Main office. Inaayos na niya mga papers niya at flight na ata ngayon." Acting ko at mejo teary eyed na din para maniwala sa akin. For your own good din 'to Sis.


Dali dali naman siyang tumakbo palabas ng Office kaya napatawa muna ako bago siya sundan.


Nakasalubong namin si Kakie kaya hinatak ko na din siya para makasama samin.

"Ano nangyayari?" Tanong niya habang tumatakbo kami, grabe apakabilis ni Tricia.

"Panoorin mo nalang mamaya."

Nang makarating kami malapit sa office ay saktong lumabas si Rini sa office at hawak ang maleta niya. The show begins.


Rini's

Paalis na ako papuntang Baguio para may bisitahin sila at may asikasuhin doon kaya dumiretso muna ako ng school para magpasa ng requirements.

Bago ako pumasok sa office ay nakita ko ata si Gabbie, tatawagin ko sana pero biglang tumakbo.

After 20 minutes siguro na process ay lumabas na ako ng Main office nang makita ko si Tricia na hingal na hingal. Tumakbo ata.


"You're not going anywhere. I-cancel mo ang flight mo. "


"Huh?" Takang tanong ko dahil sa sinabi niya, nakita ko naman yung dalawa na nakangisi sa likod habang nakathumbs up. Si Gabbie at Kakie.

"Bakit mo ako iiwan? Akala ko ba gusto mo ako?"


"Ano?" Tanong ko ulit, gulong gulo na ako sa sinasabi ni Tricia at saktong tumatawag pa si Ate.


"Babalik-"

Di ko na natapos ang sasabihin ko nang hinalikan niya ako sa labi. Smack lang naman pero halos manlumo yung tuhod ko.

"Hindi ka aalis. That's final. I like you too. I like Rini Jensen at hindi lamang si Rini the admirer. Please don't go." Sabi niya kaya kagad kong binatawan ang bag ko at niyakap ko siya.

"I'm going to Baguio for a few weeks lang naman. I'll be back i promise. I like you so much Janine Patricia from the first moment na nakita kita sa PISAY." Sabi ko at bumitiw siya sa yakap.

Kaya nag-aalala ako baka may nasabi na naman ako.

"Ikaw nga, ikaw nga si Bff ni Turon Girl." Natawa siya ng bahagya at hinampas ako sa braso.


Turon girl? HUH? So natatandaan niya pa yung first meet namin sa PISAY nung Senior high kami.

"Sa ibang araw ko na ikukwento. Sa ngayon yayakapin muna kita kasi iiwan mo na naman ako."

Love NotesWhere stories live. Discover now