Party

496 43 0
                                    

Congrats Doc Tricia and dahil diyan update ulit tayo!! 🥳


Rini's POV

After an hour na byahe nakarating na din kami sa bahay ni Khalil, one of our friends nila Kakie at Tantan during Senior High Days.


"RJ!" Bati niya sa akin sabay yakap at ginulo ang buhok ko.


"Kuya naman, yung buhok ko! Angal ko sakanya na kinatawa naman nito at humiwalay ng yakap para yakapin sila Kakie.


"Kieeee, Tan! Namiss ko kayo!"


"Kuya, we missed you also! Alam mo bang ayaw sumama niyan ni Rin." Sagot naman ni Kakie sakanya kaya sinamaan ko naman siya ng tingin.


"Malay ko bang dito tayo pupunta edi sana di na tayo pumasok."


"Patawa amp. Uy Jillian nandito ka din pala!" Bati ni Kuya Khalil kay Jillian kaya niyakap niya din siya.

"Magkakilala kayo?" Tanong naman ni Kakie at nagtaka sa nakita niya.

"Oo Boo, Kuya Khalil is our Student President Councol in UST."


"Kayo ha, kala mo ata di kita nakikita Kie pag pumupunta ka sa UST!" Sabi ni Kuya Khalil at ngumisi sakanilang dalawa. Nagpaalam na muna siya kasi may dumating pa na ibang bisita.


Kumuha muna sila ng beer habang kumuha lang muna ako ng Coke, kasi mamaya magpakalasing sila baka walang magdrive pauwi sa amin.


"Uminom ka na Jensen, ako na magdadrive mamaya." Sabi sa akin ni Tantan kaya kumunot naman ang noo ko.


"Ayoko sumuka. Ayos na ako sa Coke at tinapay." Sagot ko sakanya at kumuha ng loaf bread na nasa lamesa.


"Sige na, Minsan lang naman ito oh. Kuhain mo na dali." Pilit niya saking inaabot yung Can ng beer kaya napilitan naman akong kunin 'yon.


Grabe ang tapang, di naman kasi ako sanay uminom. Tumambay muna ako sa gilid ng mga pagkain habang yung tatlo ay nawala na.


Maya maya ay may nagsalita sa gilid ko kaya nagulat ako.


"Masarap ba? Pahingi naman ako." Tanong ni Tricia sa akin na biglang sumulpot.

"Oo naman, ayon oh. Kuha ka doon." Turo ko sa tinapay na nasa lamesa kaya agad naman niyang kinuha 'yon pati yung Coke in can na katabi.


"Buti nalang nandito tong mga favorite ko kundi uuwi akong gutom." Sabi niya at tumabi sa akin habang ngumunguya ng tinapay.

Tahimik lang kaming nanonood sa mga taong sumasayaw at umiinom. Siya kain lang ng kain habang kinuha ko naman yung phone ko.

Oops! Această imagine nu respectă Ghidul de Conținut. Pentru a continua publicarea, te rugăm să înlături imaginea sau să încarci o altă imagine.

Oops! Această imagine nu respectă Ghidul de Conținut. Pentru a continua publicarea, te rugăm să înlături imaginea sau să încarci o altă imagine.
Love NotesUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum