chapter 19

2.3K 75 4
                                    

"goodmorning"nakangiting wika ni alyssa kay bea na nagbukas ng pinto sa dorm nila

"ang aga aga ang hyper mo . anong ginagawa mo dito?"takang tanong naman ni bea na naghihikab hikab pa

"hmm namiss kuna kasing ipagluto ang mga teammates ko eh i know na medyo may tampuhan kami but hindi naman siguro masama kung ipagluto ko diba?"alangan na sagot ni alyssa

"yung totoo kami ba ang gusto mo ipagluto o si den?"asar naman ni bea napakamot nalang ng batok si alyssa

"hay naku puso nga naman halika na maya maya magigising na yung mga yun"wika ni bea kaya pumasok na si alyssa at inilapag ang mga pagkain na lulutuin nila

"so anong lulutuin mo?"excited na tanong ni bea habang nakaupo at hinahalungkat lahat ng dala ni alyssa

"hmm spoon rice minatamis na sandok at toasted kawali"wika ni alyssa kaya naman napasimangot si bea

"i hate you"wika nito

"i love you too"wika ni alyssa kaya natahimik bigla si bea pero hindi na yun napansin ni alyssa dahil abala na ito sa pagluluto nanood nalang si bea habang nagkakape

"sa wakas natapos din"nakangiting wika ni alyssa

"gusto mo gisingin kuna sila?"

"wag na aalis narin ako ipagluluto ko pa kasi sila kim para pagbalik nila galing tagaytay mamaya eh may kakainin na sila"

"ah ganun ba ang sweet mo naman"nakangiting wika ni bea ngumiti lang si alyssa tsaka inayos ang sarili

"una na ako balitaan mo nalang ako kung magustuhan nila"wika ni alyssa tsaka naglakad palabas sinamahan naman siya ni bea

"thank you again bea"sincere na wika ni alyssa

"walang anuman basta para sayo sige na magigising na yung mga yun"wika ni bea tsaka tinulak si alyssa palabas sakto naman ang dating ng mga teammates niya

"oh bea san ka galing tsaka luto mo ba to?"tanong ni dzi tsaka tinuro ang mga nakahain na pagkain ngumiti lang si bea

"kumain nalang tayo gutom narin ako"wika ni bea tsaka umupo sumunod naman ang iba

"pumunta siya dito?"biglang basag ni den sa katahimikan habang kumakain sila tumango naman si bea

"bakit hindi mo kami ginising? edi sana nakapagsorry kami"wika naman ni ella

"sinabi ko rin naman eh kaso baka mawalan daw ulit kayo ng gana mahirap na daw pinaghirapan pa daw niya lutuin lahat ng to"wika naman ni bea kaya mas nanahimik ang lahat

"sa totoo lang naguiguilty ako"wika naman ni jia habang nilalaro ang pagkain sa plate niya

"hindi manlang natin sila hinayaan na magpaliwanag basta basta nalang natin hinusgahan"wika ulit nito

"oo nga eh tsaka hanga rin ako kay ate ly kasi kahit na ganun ipinakita natin sakanya nun pumunta pa siya dito para ipagluto tayo"wika rin ni mich magsasalita pa sana si den kaso nakariniv sila ng isang malakas na basag galing sa kwarto nito

"ano yun den?"takang tanong ng lahat nagkibit balikat lang ito tsaka tumayo sumunod naman ang lahat pagkapasok ni den sa kwarto ay bigla namang lumakas ang kabog ng dibdib niya

"teka picture frame ni alyssa yung nabasag diba?"tila kinakabahang wika ni bea nagtinginan naman ang lahat

......

when gangster fall in love(alyden,fatunay,fillechen,adzi,kara)Where stories live. Discover now