chapter 17

2.5K 74 1
                                    

"ma pa!"sigaw ni alyssa ng makita niya ang mama at papa niya sa garden

"anak!"sigaw ng mama niya at niyakap siya ng mahigpit tumingin naman si alyssa sa papa niya nakingiti lang ito kaya naman lumapit si alyssa dito at niyakap niya ng mahigpit ang papa niya

"i miss you anak akala ko hindi muna kami dadalawin ng mama mo"wika ng papa niya kaya naman kumalas sa pagkakayakap si alyssa

"sorry ma sorry pa naging busy lang kaming lahat alam niyo na kakapanalo lang namin"proud na wika ni alyssa

"kaya nga proud na proud kami ng papa mo eh may anak kaming MVP"wika ng mama niya tsaka hinaplos ang mukha ni alyssa

"ma pa im sorry"wika ni alyssa tsaka yumuko

"oh bakit naman anak?"takang tanong ng mama at papa niya

"wala po ampft may pagkain po ba jan nagugutom ako eh"palusot ni alyssa

"meron anak halika at ipaghahain kita"wika ng mama niya ngumiti naman si alyssa tsaka hinila ang papa niya

"sabay sabay tayong kakain ha ayokong ako lang"wika ni alyssa habang papasok sila natatawa nalang ang papa ni alyssa dahil hirap na hirap itong hilain siya

"upo na po kayo"wika ni alyssa tsaka pinaghila ng upuan ang mga magulang niya taka namang umupo ang mga to

"oopss pray po muna tayo"sita ni alyssa ng makitang kukuha na ng kanin ang papa niya napangiti naman ang dalawa sa narinig sa anak

"lord thank you sa araw na to at kasama ko ang dalawang pinakaimportante sa buhay ko ang dalawang nagpalaki at nagalaga sakin ang dalawang first boyfriend and girlfriend ko maraming salamat sa lahat ng biyaya na ibinigay niyo naway hindi kayo magsawa sa pag gabay at pagintindi sa lahat ng aming pagkakasala amen"wika ni alyssa tsaka tumingin sa magulang niya na umiiyak

"hala anyari ma pa?  may nasabi ba akong mali?"takang tanong ni alyssa tumayo naman ang mama at papa niya tsaka siya niyakap

"wala anak namiss kalang namin ng papa mo"wika ng mama niya na nagpupunas ng luha

"kain nalang tayo ma pa para naman tayong sasali sa isanb pilikula niyan"biro naman ni alyssa kaya napaupo nalang ang mama at papa niya habang nakangiti

.....

"pa"wika ni alyssa tsaka tumabi sa papa niya na nagkakape sa terrace nila

"oh anak gising kana pala nagmeryenda kana ba? nagluto ang mama mo ng paborito mong lomi"wika ng papa nito

"opo pa tapos na po naubos ko nga ata lahat eh ang sarap kasi"wika ni alyssa na nakapikit pa at iniimagine ang kinain niya natawa naman ang papa niya

"namiss kitang ganyan anak"seryosong wika ng papa niya kaya napatingin si alyssa dito

"im sorry pa"pauna ni alyssa tsaka tumayo at tinignan ang view ng garden nila na punong puno ng bulaklak sumunod naman ang papa niya

"simula ng aksidenteng yun takot na akong magpakita sainyo takot na akong kausapin kayo kasi sinisisi ko ang sarili ko sa pagkawala ng kapatid ko"wika ni alyssa tsaka nagsisimula ng mapuno ng luha ang mga mata niya

"lagi kung sinasabi na sana ako nalang sana ako nalang ang nawala sana naging maingat ako sana buhay pa siya sana kumpleto pa tayo napuno ako ng sana nun sana ganito sana ganyan sa subrang galit ko sa sarili ko hindi kuna iniisip ang kapakanan ko hindi kuna iniisip ang nararamdaman niyo ang inisip kulang gusto kung sirain ang buhay ko"wika nito habang patuloy na lumuluha ganun din ang papa niya at ang mama niya na nasa likuran nila at nakikinig

when gangster fall in love(alyden,fatunay,fillechen,adzi,kara)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon