Pero hindi maalis sa isip ko ang sinabi ni Sophia. But I just hope they can help her, get back from who she really is.

(THIRD PERSON)

Tahimik na tinatahak ni Sophia ang daan papunta sa tabing dagat kung saan hinanda ang magiging salu-salo. Kalahati ng isip niya ay nagsasabing bumalik na siya sa loob pero may isang bahagi sa kanya na nagsasabi na tumuloy.

Sa lalim ng pag-iisip niya, hindi na niya napansin na malapit na siya sa dalampasigan.  Huminto siya malapit sa kinaroroonan ng nakaayos na lamesa, pero wala siyang nakitang tao kahit isa.

Naglakad siya papalapit sa dagat at umupo sa buhangin. At tumingin siya sa langit. Hanggang sa may mga fireworks na nagbibigay kulay sa madilim na gabi.

“It’s new year aready..” Tahimik na pinagmasdan ni Sophia ang mga makukulay na fireworks.

Naalala niya tuwing dumadating ang new year, Nics will always surprise her with his gifts. At sabay nilang panunuorin ang fireworks. But now, it’s different.. She’s now alone watching the fireworks display.

The after a while may tumutugtog na isang magandang musika. Napatingin siya sa paligid at hinanap ang pinanggalingan. At nagulat siya.

Dahil kung kanina wala siyang nakitang tao ngayon, andito sila. Smiling widely at her.

“Happy New Year and Happy Birthday Young Mistress Sophia!”

 (JUSTINE)

Mukhang nasorpresa siya sa ginawa namin. Kanina pa kasi siya nakatingin sa amin na para bang may ginawa kaming krimen. Nakatayo lang siya at naestatwa na. Unti-unti akong lumapit sa kanya at inaabot ang bouquet of red roses na paborito niya.

“Happy Birthday, my angel..”  Nakatingin lang ako sa mga mata niya ganun din siya. Para bang binabasa niya ako.

I can’t take my eyes off her. Ngayon lang ako ulit nakalapit sa kanya ng ganito. Ngayon ko lang ulit napagmasdan ng maigi ang maganda niya mukha.

“Sophia...” Lumingon siya sa tumawag sa kanya.

“Clarissa..” Hindi ko man lang nakita ang pagkagulat sa kanya. Para bang alam na niya na andito si Clarissa. Sandali kaming natahimik. Pinagmamasdan lang namin ang dalawa..

Tapos biglang ngumiti si Sophia...

 “You're finally here. Akala ko pa naman hindi makokompleto ang mga tauhan sa laro ko. And since you're here, I think everything is ready for the battle. Kumpleto na ang mga maglalaro..” Tumingin si Sophia kay Clarissa..

“Right, Clarissa?” Hindi nakasagot si Clarissa. She just stared at Sophia. And kita namin ang pangungulila sa mga mata nito.

Alam ko at alam nila na ang Head Master ang nakikita ni Clarissa kay Sophia. They look so much alike. Sophia reminds her of Head Master Yves.

Naglakad si papalapit sa table na nakaset-up para sa kainan namin at umupo siya.

 “Wag naman natin sayangin itong pagkain. Mukhang masarap pa naman, at saka baka ito na din ang huling beses na makakain kayo ng ganito..” Mukhang nagkamali kami, akala namin kahit ngayong gabi lang may magbago pero mukhang wala.

(UNKNOWN)

Umaayon ang lahat sa plano ko. Hindi ikaw ang dapat nasa taas Sophia, ako dapat. Mas matalino at mas makapangyarihan ako sayo. Kontrolado ko na ang lahat. Konti na lang at babagsak ka na.. Konti na lang.

An Angel Turned Into  Devil (Published Under LiB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon