We made out for a while. His kisses were intoxicating. It was all I was thinking about. We just pulled away when we were out of breath. He rested his head on my forehead, panting.

"Ica," malambing na tawag niya.

I immediately pushed him, eyeing him warily. "May kasalanan ka?" tanong ko, nakataas ang kilay. It's either that or may kailangan siya sa akin!

His lips formed a frown. "Wala. Bakit?"

"So may kailangan ka?"

"Wala. Bakit?" parang tanga na sagot niya ulit.

"Bakit para kang tuta kung makatawag diyan?" I carried myself using my elbows, still eyeing him suspiciously.

"May sasabihin lang naman ako." Napatango ako at inabangan ang sasabihin niya sa 'kin. "Baka ma-late bayad ko sa utang ko sa 'yo. Okay lang ba?"

"Of course! I told you, hindi mo naman need magbayad. Just use the money you'll pay back to me for Leil's meds."

He adjusted his position, pushing his specs up. Tinitigan ko ang mukha niya para mabasa ang iniisip niya. It was too deep. He even exhaled heavily and messed his hair.

"Nago-offer si Papa ng pera," he informed me.

"Iyon naman pala. What's wrong with that?"

He scoffed, arching a brow. "Hindi ko tatanggapin. Ngayon pa siya nagpakita kung kailan okay na si Leil? Ni hindi nga bumisita sa ospital. Kahit text man lang. Kaya bakit ngayon pa?"

Naupo ako dahil pakiramdam ko seryosong usapan 'to. Ayaw niya sa tatay nila. Understandable naman kung saan galing ang galit niya dahil sa pag-iwan sa kanila at pangangabit.

"Your sister's sick, Marco. Her maintenance medications are very expensive. Honestly, the money he'll give you is already a big help. Just accept it. It will solve your problems for now."

"Kung sabihin mo na tanggapin ko ang pera parang ang dali-dali lang na gawin iyon." Madilim niya akong tiningnan na parang bang tinraydor ko siya sa mga salitang binitawan ko.

"It is actually easy," I reiterated. His jaw clenched because I opposed. "Tatanggapin mo lang naman ang pera, hindi ka makikipag-reunion. Your dad's responsible for supporting his children financially. Labas-pasok ang kapatid mo sa hospital plus meds pa niya. Think of her state."

"Seryoso ka ba? Tingin mo hindi ko iniisip ang kapatid ko? Iniisip ko... But money doesn't solve everything, Ica."

"Iniisip mo but money isn't the solution? Do you hear yourself?" I shook my head. "Bakit sa akin ka nagagalit?"

"Hindi ako galit," he defended. "Sinasabi ko lang na ang dali sabihin sa 'yo na tanggapin ang pera. Hindi madali. Tsaka kaya ko naman hanapan ng paraan iyon."

"Kaya mong hanapan ng paraan? Hindi mo nga kayang bayaran iyong maliit mong utang sa 'kin," I said bluntly without thinking, causing me to sound boastful.

His brows arched, astounded. His eyes were filled with surprise until pain sufficed. He was quick to remove any emotions from his eyes and walked to his cabinet.

"Oh." Binigyan niya ako ng isang envelope. Alam ko ang laman noon kaya hindi ko tinanggap. "Kaya ko naman bayaran. May pera naman akong nahanap. Sa susunod pa sana kita babayaran dahil baka magka-emergency si Leil. Pero kunin mo na 'to."

Umiling ako. "Hindi iyan utang. You don't have to pay me. Tulong ko nga iyan," I tried to tell him again.

"Walang tulong na sinusumbat." His voice was calm but anger and pain was once again evident in his eyes.

Drowning Emotions (Isla Series #5)Where stories live. Discover now