"You know me, Olly. I'm still fighting with my own demons, and I'm forever grateful that you're there to keep me sane. But I don't want to be that person who'd rely on someone else to find myself. Ayaw ko no'n, Olly. I want to become someone who deserves how you treat me well... how you're always there for me. I don't want to be that kind of person who'll always just receive, tapos ikaw wala kang matatanggap sa'kin kasi I'll just suddenly shut down," I uttered. "Kaya mo bang maghintay? Hindi ko alam kung kailan... hindi naman sa sinasabi ko na hintayin mo talaga ako, kasi kung may iba naman para sa'yo, ayos lang."

Olly smiled and shook his head, "Telly... oh God, I don't even know what to say. But I hope you'd understand that you deserve everything in this world, sa totoo nga lang... bare minimum lang talaga 'yung ginagawa ko, but I also know that you also need time to find yourself," he says. "I can wait... I can wait."

Ngumiti ako.

"Magiging deserving din ako sa'yo... sana."

**

Bago umuwi si Olly kagabi, hinatid muna niya ako pabalik sa apartment at nagpaalam kila mama na magkasama kami kanina. Hindi naman nagalit si mama na kasama ko si Olly kahit halos mag-a-ala una na rin no'ng umuwi ako, nagpasalamat pa nga at sinamahan niya ako. Pakiramdam ko tuloy gusto nang ampunin ni mama si Olly.

Hindi rin naman nasayang 'yung efforts ni Olly dahil nakatulog ako nang mahimbing at nagising na lang sa alarm ko. Dali-dali pa'kong tumayo para mag-ayos sana dahil akala ko male-late na'ko pero na-realize ko na nag-file na nga pala ako ng LOA, kaya imbes na mag-ayos, chineck ko na lang 'yung email ng Dean kung meron na.

"May reply na ba ang dean, nak?" Napalingon ako at tipid na ngumiti bago tumango.

"Need ko raw po munang pumunta since kakausapin po ako ng dean. Tapos may papapirmahan pa pong letter."

Tumango si mama at hinaplos ang buhok ko at nag-crouch sa harapan ko, "Telly, if you feel like you are disappointing us, no. Never feel that way. Sa totoo nga lang, ako 'yung nahihiya sa'yo kasi hindi namin sinabi ng papa mo 'yung totoo. In a way, alam naman din naming responsible kami sa nangyari kay Reen dahil hindi namin kayo nabantayan nang maayos noon. So I hope... you'd it within you to forgive yourself, to find yourself anak, because I never want to see you so lost again. Kasi ako rin 'yung nasasaktan, anak. Kung pwede nga lang, sana kinuha ko na lang 'yung sakit sa'yo, kasi sobrang nasasaktan ako para sa'yo, kasi alam kong napakabuti mong bata. Napakabuti mong anak at wala na'kong mahihiling pa, Telly. You were the greatest gift we received, and I hope you'll never forget that." 

Mama stood up and wiped away the tears from my cheeks and hugged me tightly. Narinig kong bumukas kaunti 'yung pinto kaya napatingin ako at nando'n si papa na umiiyak din. I extend my arm kaya lumapit din siya para yakapin kaming dalawa.

"I thought we were falling apart already... I was blaming myself for it. I'm really sorry ma, pa. Thank you for everything..."

Papa smiled, "We love you, Telly. We love you so much, anak."

The atmosphere was so heavy that we ended up laughing about how we were all crying sa kwarto kaya hindi naalaala nila mama na may niluluto sila, ang ending tuloy nagpa-deliver na lang kami ng fast food dahil nasunog. 

Pagkatapos naming kumain nag-ayos na'ko ng damit para pumunta sa University. Biniro pa nga ako ni mama na mag-gown daw ako dahil baka next year naman na raw ako makabalik sa University kung magiging okay naman ang therapy. Hindi pa naman namin napag-uusapan 'yung set up, pero siguro uuwi muna ako sa Pangasinan para magpahinga tapos telecommunication na lang muna kami ni Doc Pidlaoan. 

"Okay ka na, nak?" Napalingon ako nang marinig ko si papa. Tinignan ko muna saglit 'yung sarili ko sa harapan ng salamin bago kinuha 'yung bag ko at tumango. 

at long last, peace (medtech series #1)Where stories live. Discover now