"O-opo b-boss." Natatakot kong sabi sa kanya.

"Stop stammering!" Galit niyang sabi. "Paano ka maghihiganti sa mama mo niyan kong pananalita mo pa lang, nagpapahalata ka ng mahina!" Bulyaw niya sakin. Napaiyak naman ako sa sigaw niya sakin. "Stop crying!" Pinahid ko agad ang luha ko at yumuko. "Bukas ay sasama ka kina Alec para mag-insayo at matutong lumaban." Napatingin naman ako agad sa kanya.

Mag-insayo at matutong lumaban? At sino naman itong Alec?

At parang naintindihan niya naman ang nasa isip ko. "Makikilala mo si Alec mamaya o baka bukas ng umaga. Katulad mo din ay anak anakan ko siya at simula ngayon tawagin mo na akong papa." Pinal na saad niya.

Andress Buenaventura:

"Nandyan pa ba si Betina?" Tanong ko sa katulong ng makalabas na si Mara sa kwarto ko.

"Kakaalis lang po sir kanina lang." Nakayuko nitong sabi.

"Sige makakaalis ka na." Walang emosyong sabi ko.

Hindi alam ni Mara kung sino ang ama niya.. Hindi pala sinabi ni Miranda sa kanya. Hanggang ngayon nagagalit pa rin ako pag naalala ang pangalan niya.. Isa kang traidor Miranda dapat lang sayo ang mamatay.

Pareho sila ni Alec at Mara puro higanti ang nasa isip.

Si Betina naman di ko alam kung ano ang kanyang plano? Hindi ko masakyan anong tumatakbo sa utak niya. Di ko makalimutang sinabi niyang ayaw niya ibigay sakin si Mara, tapos ngayon hinatid niya sakin. Napangisi ako sa naiisip ko.

May pasabi-sabi pa si Betina na tutulungan niya si Mara para sa paghiganti sa mama nito. Napaka wise mo Betina..para lang makuha mo ang bata ay niloko mo lang siya. Ginamit mo lang ang pagtulong para makuha si Mara. Sana hindi ka nagkamali sa disesyon mo Betina.

Mara:

Umiiyak ang kanyang mama na nakaluhod at nagmamakaawa. Putok ang labi at may dugo sa noo. "M-maawa ka Gustav.." iyak niyang sabi. Pero ang nagngangalang Gustav at mga kasamahan nito ay tumawa lang ng mala demonyo. Binunot ang baril at itinutok sa mama niya. Sunod sunod na putok ang maririnig habang ang Gustav ay tumatawa lang.. "h-huwag m-maawa k-kayo k-kay m-mama. Mama.. m-mammaa... maaammmaaaa..

"Mama!" Humingal na gumising ako. Kahit naka on ang aircon ay pawis na pawis ako. Napatingin ako sa paligid ko at napaiyak.

Ipaghihiganti kita mama, bibigyan kita ng hustisya sa ginawa nila sayo. Gagawin ko lahat para mapaghiganti ka lang.

***
Mga 5 am pa lang ay pumasok na ang mga katulong para gisingin ako. Hindi ko alam na nakatulog pala ako ulit sa kaiiyak. "Ma'am, maligu na daw po kayo sabi ni sir at naghihintay na sila sayo para sabay kayong kumain." Magalang na sabi niya sa kanya.

Pumasok ako sa banyo at hanggang ngayon di parin ako makapaniwala sa mala palasyong bahay na ito. Ang banyo ay mas malaki pa nga kaysa sa tinitirhan namin noon ni mama. Nagmadali akong naligu at lumabas na ng kwarto. Paglabas ko ng kwarto ay may nakahintay na katulong para samahan ako kung saan kakain.

Binuksan niya ang pinto at tumambad sa akin ang 10 seater na lamisa. Nakahintay na sa lamisa ang maging ama-amahan niya at ang isang binatilyong lalaki. "Okay let's eat." Anya ng maupo na ako. "Mara, hija. Ito nga pala si Alec ang makakasama mo sa insayo." Nakangiti niyang sabi na parang di niya ako sinigaw-sigawan kagabi. "And Alec, this is Mara. Be good to her." Sabay tingin kay Alec na agad naman tumango at tumingin sa kanya. Tumingin din ako sa kanya. Gwapo siya mataas ang ilong at maappeal. Katulad din siya sa boss ni Betina may pagka misteryoso.

Nang natapos na kaming kumain ay sumakay na kami sa kotse para ihatid sa pag-iinsayo daw namin. Kami lang dalawa ni Alec ang sumakay sa backseat ng kotse. Tiningnan ko si Alec habang umaandar na ang kotse at parang katulad din siya ni Betina na di nagsasalita at diretso lang ang tingin. Hindi sa gusto kong kausapin niya ako pero bakit sila ganito. Bakit parang may tinatago silang sekreto. Napaka misteryoso nila, at yung mga armadong mga lalaki sa gilid ng bahay parang sanay na sila.

Mga ilang minuto din ang byahe ng pumasok ang sasakyan namin sa gate at napakataas na pader. Pagpasok ng sasakyan sa loob ay napatingin ako sa bintana. Gulat akong napatingin sa labas, kung sa mansyon ay maraming mga armadong lalaki sa gilid, dito ay mas marami pang nakarunda na mga armado.

Takot na napatangin ako sa katabi ko. Ano bang klasing mga tao sila? Ano bang klasing trabaho ang meron ang boss nila?

Bumaba ng sasakyan si Alec at tumingin sakin. "Baba ka na." Nag-alinlangan akong bumaba at tumingin sa paligid. Dito kami mag iinsayo? Bakit parang lumang gusali at napalilibutan ng madaming armadong mga lalaki.

Sumunod na lang ako kay Alec ng lumakad na siya papunta sa loob. Kada lakad namin sa loob ng gusali ay may mga armadong mga lalaki at ang iba ay naglalaro ng tung its.

"S-saan tayo pupunta A-alec?" Napatigil naman si Alec sa lakad niya at tumingin sa kanya.

"Bakit di ka makapagsalita ng diretso. Ituwid mo yang dila mo. Pagagalitan ka ng papa niyan." Masungit niyang sabi sakin.

"M-matuwid naman t-talaga ako m-magsalita noon. N-noong n-namatay s-si m-mama-"

"Pwede ba, hindi lang ikaw ang may pinagdadaanan noon. Kagaya mo din ako." Di makatinging sabi niya. "Kaya kung ayaw mo masaktan dito, ituwid mo yang dila mo." Sabi nito sabay alis. Ang sungit!

Totoo nga ang sinabi ni Alec. Paulit ulit siyang sinampal ng di siya makapagsalita ng tuwid. Iyak lang siya ng iyak.

"Tama na." Pagtatanggol ni Alec sa nanampal saakin. Di naman umimik ang nanampal sa akin at lumayo na lang. Nilapitan ako ni Alec at pinahid ang luha ko.

"Magsalita ka kasi ng maayos." Pagsusungit na naman nito sakin.

"P-paano a-ako m-makapagsalita ng m-maayos, t-tinatakot n-niya a-ako at s-sinasaktan." Napatingin naman si Alec sa nanakit sa kanya at sabay tingin ulit sakin. Bumuntong hininga muna ito bago nagsalita.

"Tumingin ka sakin." Tumingin naman ako sa kanya. "Ang isang Buenaventura ay hindi natatakot, hindi mahina, hindi duwag at lalong lalo na hindi nagsasalita ng pautal-utal. Isa ka ng Buenaventura, nakakahiya kay papa pag nakikita ka niyang mahina. Naintindihan mo ba ako?" Tiningnan ko siya bago tumango ng dahan dahan.

***
"Mara, I was impressed by your performance sa shooting range kanina. You aim all the bullets to the target." Sumimsim muna ako ng tubig bago sagutin ang papa.

"Salamat papa." Makikita sa mukha ni Andress Buenaventura na proud ito sa kanya.

Dapat lang na magpakitang gilas siya sa papa niya. Five years have past and gone the days that I've given him disappointments. Nasanay na din siyang tawagin itong papa.

Napatingin ako kay Alec at ngumiti, tumingin din siya sakin makikita kong kahit di siya nakangiti ay alam kong masaya siya sa improvements ko.

Kilala ko na ang ugali ni Alec at nasanay na ako sa pagkamasungit niya. Salamat sa kanya dahil natuto akong maging matapang at di na dinadaan sa iyak ang lahat. Kahit striktu siya andyan siya para tulungan ako, his like a brother to me.

Kasalukuyan kaming kumakain ngayon sa 10 seater table ng mansion. Ginalaw galaw ko muna ang pagkain bago tumingin ulit sa kay papa. Napansin niya naman na may gusto akong sabihin sa kanya. "What is it Mara?" Tanong niya sakin. Makikita paring masaya ito sa mga nangyayari.

"Ahmm about college papa." Tiningnan ko muna siya sa reaksyon niya.

Tumingin muna ito kay Alec bago muli tumingin sakin. "mabuti at tinanung mo yan ngayon. Di ka na mag home school pag college ka na. Just like Alec you study in University. Mabuti ng makakasalamuha kayo ng iba't-ibang tao at personalidad." Suggestion nito.

Napangiti naman ako sa sinabi niya at nilakasan ko ang loob ko na sabihin sa kanya. "G-gusto ko pong mag police papa."

Na agad namang ikinabigla nito. Na pati si Alec ay nabigla din at agad naman nakabawi na parang may sinabi akong mali. Kumikislap ang mata nito na parang natatawa sa sinabi ko na ikinailing-iling nito. "Are you kidding me, Mara?!" Dumagundong ang boses ng papa niya.

"I want justice-" di natapos na salita niya.

"Justice?! How about all the trainings you've been into! Isn't enough?!" Anger is visible in his eyes as he was saying those words. "When you're turning 18 next week malalaman mo kung bakit. End of discussion!" Pinal na saad nito.

Ano bang meron? Na hanggang ngayon inililihim nila sakin. Yes, I've been to trainings at nasanay na din akong nakikita ang mga armadong mga lalaki. Pero hindi ko pa din maintindihan.

Mara Buenaventura: Love Thy Enemy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon