"P*ta! Habolin mo!" Dinig kong sigawan nila.

"Paano ang bata?" Sunod sunod na putok ng baril ang sumagot sa tanong nila.

Mga ilang minuto pa akong nakapikit ang mata at nakatakip sa tenga ko ng mapansin kong wala ng ingay sa bahay namin.

Dahan dahan kong binuka ang mata ko at tumambad sa akin ang dalawang katawan na nakahandusay sa sahig. "M-mama..." Kandautal kong sabi habang iyak ng iyak na lumalapit sa mama ko. Ang mama ko naliligu sa sariling dugo at wala ng buhay.

Nanginginig ang kamay ko ng hinawakan ko si mama. "M-mama? G-gumising ka mama!" Umiiyak kong sabi habang niyugyog ko siya. "H-huwag mo akong iwan mama. Mammaaa."

Mga ilang oras akong yakap yakap lang ang katawan ng mama ko ng dumating ang mga police. Dinala ako sa police station at e-ninterview ng WCPD pero wala din silang nakuha, tulala lang ako at ayaw magsalita. Mga ilang oras din ako dun hanggang pinasama nila ako sa DSWD.

***
Ilang araw na akong nasa pag-iingat ng DSWD ng may lumapit sa akin at gusto daw akong e-ampon. "Ma'am ito po siya, siya po si Mara. Di pa po siya nagsasalita, palagi pa siyang tulala. Naawa po kami sa bata. Dinala na po namin siya sa trauma center pero di pa po siya nagsasalita." Magalang na sabi niya sa babae na gusto umampon sakin. "May regular check up pa po siya sa psychiatrist hanggang ngayon po." Dagdag na sabi niya. Ngumiti naman ang babae.

"Sige ako ng bahala." Sabay hawak sa braso ng kausap. "Pwede mo ba kaming iwan saglit." Ngiting sabi ng babae na gusto umampon sa kanya.

"Okay po. Teka lang po." Nilapitan ako ng nangangalaga sa DSWD at hinawakan ang aking likud ng marahan. "Mara, hija. Gusto ka daw kausapin ng gustong umampon sayo." Sa narinig ko ay bigla akong napabaling sa kanya. "Makabubuti sayo ang may pamilya para maalagaan ka ng maayos. Ayaw mo ba ng bagong nanay?" Sabi niya na ikinaiyak ko sabay iling-iling. Ayaw ko, ayaw ko si mama ang kailangan ko hindi bagong nanay sa loob loob ko. "Mara.." iyak ako ng iyak habang iling ng iling.

"Ako na, ako ng bahalang kumausap sa kanya." Sabi ng babae na gusto umampon sakin.

Napatingin ako sa kanya. Nag-aalangan naman na tumango ang nangangalaga sa DSWD. "Sige po." Sabay alis niya. Tiningnan ko ang babae nasa idad 30 pataas siguro siya di nalalayo sa idad ng mama ko. Mataas siya at maganda. Pulang pula ang labi niya at maalaga sa katawan at mukhang mayaman.

Yumoko siya sakin para magkapantay kami. "Alam kong nararamdaman mo, naiisip mo ang mama mo." Tiningnan ko lang siya at umiiyak. "Alam ko yung sakit at poot na nararamdaman mo." Seryoso niyang sabi sakin. Yumoko ako at hinawakan ko ng mahigpit ang damit ko sa galit "Gusto mo bang gumanti sa kanila?"

Napatigil ako sa pagkapit ng mahigpit sa damit ko at napatingin sa kanya."P-paano p-po?" Ngumiti siya sakin ng seryoso.

"Tutulongan kita, basta sumama ka lang sakin." Sabay hawak sa pisngi ko at pinahid niya ang luha ko.

***
Di ko siya kilala pero may nagsasabi sa loob ko na sumama sa kanya. Gusto kong ipaghiganti ang pagkamatay ni mama. Alam kong masama ang magtago ng sama ng loob sa kapwa pero pinatay nila ang mama ko. Walang kasalan si mama, di ko sila maintindihan. Tinatawag nila ang mama ko ng Miranda na hindi niya naman pangalan iyon. Karla ang pangalan niya hindi Miranda, pero kilala ni mama sila tinawag niyang Gustav ang isa sa pumatay sa kanya. "Hali ka na." Nakangiting alok ng kamay ni Betina sakin na agad nagpaputol sa linya ng iniisip ko.

Pumayag akong sumama sa kanya pag sabi niyang tutolungan daw niya ako na ipaghiganti ang pagkamatay ng mama ko ay tumango na ako sa kanya na agad niya namang ikinangiti. Sinabi niya sakin na Betina ang pangalan niya at sasama na daw ako sa kanya ngayong araw.

Pumasok na ako sa itim na kotse sa backseat at agad naman siyang tumabi sakin. Nakita kong tumingin ang driver sa rearview mirror niya at nagtinginan sila ni Betina. Walang sinabi si Betina pero nakita kong tumango ang driver sa kanya.

Tumingin lang ako sa bintana sa mga dinadaanan namin, mga ilang oras din ang byahe ng hanggang naglalakihang bahay na ang aming nadadaanan.

Tiningnan ko si Betina pero hindi siya nagsasalita. Diretso lang ang tingin niya at wala man lang reaksyon sa loob ng ilang oras na byahe.

Pumasok ang kotse na sinasakyan namin sa malaking gate at may matataas na pader. Pagpasok namin huminto ang kotse sa harap ng mansion.

Pinagbuksan kami ng driver at unang bumaba si Betina at nilahad ang kamay niya. Tiningnan ko siya at ngumiti siya sakin, inabot ko naman ang kamay ko sa kanya.

Lumapit agad ang dalawang katulong para dalhin ang mga gamit ko. Tumingin ako sa paligid at nabigla sa nakita kong may mga armadong mga lalaki na nasa gilid ng mansion. Takot akong napatingin kay Betina at sabay tingin sa dalawang katulong pero parang sanay na sila sa nakapalibot sa labas.

Ano bang klasing bahay ito bakit may mga armadong mga lalaki dito? Ganito ba sila kayaman para bantayan ng mga naka armado? Nagtatanong pa ang mga mata ko ng pinagbuksan kami sa mga katulong sa napakagandang double door ng mansion.

Sa pagpasok namin sa mansion ay nawala sa isipan ko ang mga armadong mga lalaki na nasa labas. Namangha at napanganga na lang ako sa ganda ng nakikita ko. Bahay pa ba ito? Parang palasyo na kung mailalarawan ko ang bahay na ito.

Pagpasok pa lang ay makikita na ang napakagandang great hall at ang gaganda ng mga upuan parang nasa palasyo.

Tiningnan ako ni Betina at ngumiti. "This is your new home now, Mara." Hindi ako makapaniwala, dito na ako titira? Hinawakan niya ang aking kamay at iginiya ako paupo sa living room.

Nahiya naman akong umupo dahil sa ganda ng upuan nila baka madumihan ko. "It's okay, huwag kang matakot." Na para bang naintindihan niya ang naiisip ko.

"Nasaan si boss?" Tanong ni Betina sa katulong. "Nasa kwarto niya po ma'am." Magalang na sagot nito. Tumango lang si Betina sa katulong. "Dito ka muna, pupuntahan ko lang sandali si boss." Nakangiting sabi niya sakin.

Boss? Di ba siya ang may ari ng bahay na ito? Sino ang tinatawag niyang boss.

"If you need anything, sabihin mo lang sa mga katulong." Sabay tingin sa katulong. "Kayo muna ang bahala sa kanya." At lumakad na si Betina, di na niya hinintay na sumagot pa ang katulong.

Mga ilang minuto akong naghintay nang bumalik si Betina. "Halika Mara, gusto ka niyang makausap." Sabay lahad ng kamay niya sakin. Nagtatanong ang mata kong napatingin sa kanya. Ngumiti siya sakin. "Huwag kang matakot, kakausapin ka lang ni boss."

Kakausapin? Ng boss?

Bumuntong hininga si Betina ng hindi ko tinanggap ang kamay niya. Lumapit siya sakin at yumoko. "Di ba gusto mo maghiganti sa mama mo?" Sabay haplos ng marahan sa buhok ko. Tumango ako sa kanya. "Si boss ang makatutulong sayo para makaganti ka sa pumatay sa mama mo."

Di ako makapagsalita, akala ko siya ang tutulong sakin pero hindi pala siya? Sino naman ang boss na tinatawag niya? Ang dami kong tanong sa isipan ko.

Mara Buenaventura: Love Thy Enemy Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin