Chapter 36

1.1K 19 0
                                    



Zoilla Pov








Maingat kong inilapag sa ibabaw ng lamesa ni Martini ang mga sulat na kailangan niyang ipabasa sa akin pero parang hindi na ito interesado.Kanina pa siyang nakatanga sa labas ng bintana kasama ang pagpapakawala niya nang mabibigat na hangin.

"July 10 na bukas,"he murmured.Gumuhit ang ngiti sa labi ko.Pinisil pisil ko ang mga daliri sa kamay nang may maalala.

"Birthday ko bukas.It's my twentieth birthday,"masayang saad ko.Napakurap ito ng mga mata bago ito nalipat sa akin.
"Birthday ko bukas,gusto ko sanang maghanda ng kakaunting pagkain sa birthday ko Martini.May pera pa ako dito..."

"At bukas rin nila sisirain ang meron ako.Bukas nila gawin na lagyan ng mga lason ang mga alak sa loob ng club ko."natameme ako sa sinagot niya.Pansin ko ang pagkuyom ng mga kamao niya sa ibabaw ng lamesa.Bahagya pa itong namula.
He sighed.

"Hindi kita pwedeng dalhin doon.Mapapahamak ka pagdadalhin kita doon."napakurap ako ng mga mata sa sunod na sinabi niya.Bakit naman?

"Papupuntahin ko dito bukas si Victor.Siya ang bibili sa mga gagamitin mong sahog sa birthday mo bukas."ngumiti ako."Nandito rin naman si Dives.Silang dalawa ang makakasama mo hangga't wala ako dito.Hindi ko mapapangako kong kailan ako makakabalik dito basta huwag kang umalis nang mag isa.Naiintindihan mo?"nakangiti akong tumango sa kanya.

"Salamat Martini.Mag iingat kana lang bukas."tumango siya saka na niya tinuro ang mga papel sa ibabaw ng lamesa indikasyon na kailangan kuna itong basahin para sa kanya.

Masaya akong ini explain lahat sa kanya ang lahat nang nakasulat sa papel.Pati ang gamit at lunas nito sinabi kuna lahat sa kanya.
Nakikinig lang ito.Ni hindi siya nagsasalita pero pansin ko ang bawat pagtigil ng mga mata niya sa tuwing tinuturo ko ang bahagi nang bulaklak na siyang mas delikado sa lahat.Kaya ka nitong patayin ng sampung segundo lamang.
Mas maraming toxic ang mga gamot nito keysa bulak,dahon at tangkay nito.Pwede mong ihalo ang katas nito sa pagkain at inumin.

"Sige na,lumabas kana.Gusto ko nang magpahinga."humikab ito.Dali dali kong kinuha ang mga papel sa ibabaw ng lamesa at tinungo na ang pintuan niya.

"Advance happy birthday sayo mamaya,"tumigil ako sa pagkilos at nilingon siyang nakangiti.Sa totoo lang excited na ako para bukas.
Kahit papaano may handa ako sa unang pagkakataong wala ang kaibigan kong si Rowela.

"Salamat Martini.Good night."tumango siya at tumayo na sa kinaupuan nito para tunguhin na ang higaan niya para matulog na.



Bumalik ako sa aking kwarto.Pagbukas ko sa pintuan nito naabutan kuna kaagad si Crest sa upuan ko.Nakatanga siya sa labas ng bintana.Mukhang mayroong malalim na iniisip.

"Crest?"mabilis itong lumingon sa akin.
"Magpahinga kana.Gabi na."lumapit ako sa tabi ng bintana at sinarado ito.
"Maraming dugo ang nawala sa katawan mo ngayong araw kaya magpahinga kana.Maaga pa kitang gagamutin ulit bukas."patuloy ko.
Pero sa halip na sagutin ako tahimik siyang tumayo sa upuan at lumapit sa aking kama at nahiga doon.
Mabilis itong tumagilid patalikod sa akin.
Kanina pa siyang ganun.
Noong bumalik kami dito sa bahay tuluyan hindi na siya nagsasalita pa.

"Okay kalang ba Crest?"tanong ko sa kanya.Inilapag ko ang nga papel na hawak sa ibabaw ng lamesa saka lumapit na sa aking kama.Naupo ako sa mismong tabi niya at napabuntong hininga.

"Kung may problema ka,pwedeng mong sabihin sa akin.Makikinig ako."mahinang sabi ko.

Ilang segundong nanahimik siya hanggang sa magsalita siya.

"Para sayo, hindi naman siguro masamang huwag ipagsabi sa taong mahal mo na gusto mo siya diba?"kumunot ang noo ko.Bakit niya kaya natanong iyon?
Mabilis akong nagtaas ng kamay para tapik tapikin ang balikat niya na animo'y bata.

Captured By The Prince √Donde viven las historias. Descúbrelo ahora