Chapter 12

1.7K 29 0
                                    







Alas quatro palang nang umaga nang umalis na kami sa bahay ni Lola Sescia.Pawang nagmamadali ang dalawa kong kasama na ngayon halos kaladkarin na ako palapit sa sasakyan naming nakaparada sa gilid ng kalsada.Medyo may kalayuan mula dito ang bahay nila at kailangan pa naming maglakad ng ilang dipa para makarating sa hindi kalakihang bahay niya.At least tahimik doon.Maraming bulaklak.Kahit dalawa lang sila ni Lara ang naroon napapanatili nila ang kagandahan ng lugar.Medyo may kalayuan rin sa kanila ang kapitbahay nila kaya walang sagabal sa kanila o walang problema.

"Bilisan mo Zoilla.Pinapabalik na tayo ni Martini sa Mansion!"nagmamadaling salita ni Victor.Sumimangot ako.

"Salita ng taong kakadating lang at nagyayang umuwi."I mumbled.Sinamaan pa niya ako nang tingin pero hindi kuna iyon pinansin pa at pumasok na sa loob ng sasakyan nang buksan ni Milan ang pintuan nito para sa akin.
Mabuti nalang hindi niya sinabi kay Victor ang nangyari sa amin,sa akin kagabi.Tsh,sino ba naman ang nag menstruation na punit ang sa harapang bahagi ng suot kong jogger?Diba wala.

"Zoilla,dito ka muna tumabi kay Victor.Doon nalang ako sa likod maupo."paalam niya bago niya sinarado ang pintuan at pumunta na sa likurang bahagi ng sasakyan at binuksan doon ang pintuan saka pumasok na.Pasimple itong naupo sa upuan katabi ang mga basket.

Pumasok narin si Victor sa driver seat nang walang imik.Kaagad niyang binuhay ang makina ng sasakyan bago niya ako binalingan sa kanyang tabi.Tiningnan pa nito ang suot ko kasabay nang pag arko ng mga kilay niya.

"Hindi 'yan ang suot mo kahapon ah?"tukoy niya sa suot ko sa ilalim.Palda pa ito ni Lola Sescia na siyang binigay niya sakin.
Bumuga ako ng hangin as I answered him.

"Syempre nagpalit ako."kumunot ang noo nito saka niya binalingan si Milan sa likuran na tila'y hind naman nakikinig sa amin.Nanatili ang mga mata nito sa labas ng bintana kung saan nakatayo hindi kalayuan sa kalsada ang mga bahay na gawa sa kahoy at kawayan.

"May nangyari ba sa inyo ni Zoilla kagabi Milan?"umarko ang isang kilay ko.

Tinatanong nito?Hindi nga siya namin tinanong kong ba't ngayon lang siya nakabalik at nagyaya kaagad na umuwi.

"Sabi mo pinapabalik na tayo ni Martini sa mansion ba't hindi mo pa pinapatakbo ang sasakyan?"sa halip na sagot ko sa kanya.Bahagya itong tumingala at hinilot hilot ang kanyang balikat.

"Not just like that..."he eyed me."Nakasagap ako nang balita kagabi na may nangyaring gulo sa loob ng underground fight kagabi."he sighed.Ramdam ko ang inis sa pananalita niya pati ang paghigpit nang hawak niya sa manubela.

"At kanina lang sinabi sakin ni Martini na maraming pinatay si Prinsepe Skull sa mga grupo ng bones nang walang anong dahilan."napalunok ako ng laway sa sunod na sinabi niya.Ni hindi ko nagawang ibuka ang bibig.Kagabi?Para sa ano ba 'yon ang ginawa niya sakin?Sa lalaking leader ng bones na 'yon?Sino ang babae?Ako ba?Ilang beses akong napakurap ng mga mata bago itinuon sa harapan ang mga mata.Pilit na pinoproseso ang nangyari kagabi.He have a mark on me.Ang pag angkin ba niya sa pagkababae ko?

"At ngayon mainit ang usap usapan sa bayan dahil sa nangyari at patungkol sa isang babaeng hindi pa nalalaman kong sino.Sa sinabi ni Martini inaalam pa niya ang dahilan kong bakit nagkaroon ng gulo doon kagabi.At sa babae..."ramdam ko ang mga titig niya sa mukha ko mula sa peripheral vision ko.Ang nag uusisa niyang mga mata na halos hindi niya naisip na alisin sa aking mukha kung hindi pa nagsalita si Milan sa likod.Kumuyom ang kanang kamao ko sa nalaman.Hindi kaya'y...

"Umuwi na kaagad kami ni Zoilla kagabi dahil dinatnan siya.Don't get me wrong.Hindi kami pumunta sa underground kagabi.May kasama akong babae at hindi siya nararapat doon."deretsong saad ni Milan.Sighed of relief escape from my lips nang makitang naniwala naman si Victor.

Captured By The Prince √Where stories live. Discover now