"Oo,dadalhin ka ni Martini sa pag alis niya kasama si Dives.Bakit?Hindi mo alam?"napakurap kurap ako ng mga mata.
Ewan,pero nang marinig ko ang sinabi niya nakaramdam ako nang kaunting saya.Kung ganun,hindi kuna siya makikita pa.Silang dalawa ni Vivina.

"Ah,wala..."

"Nakapag empake kana ba?Alas sais emponto ang alis niyo.Nakapaghanda narin ako ng ulam niyo para sa agahan ninyong tatlo mamaya..."hindi kuna ito pinatapos pa at bumalik na sa dinaanan ko kanina.Naeexcite ako.Makakaalis na ako sa bahay niya.

Nakangiti akong pumasok sa kwarto ko para sa aking pag empake paalis ngayong araw.

Pagkatapos kong mag empake dumeretso na ako sa pwesto naming apat.Siguradong magtatanong nito sina Aling Meddy, Milan,at Victor sa akin.Impit akong napangiti.

"Saan ka pupunta?"gumalaw na kaagad ang dulo ng aking tenga nang marinig ang tanong na 'yon ni Milan.Malapad akong ngumiti dito at inilapag ang dala kong plastic bag sa tabi ng aking uupuan.Wala kasi akong bag na lalagyan ng gamit ko kaya plastic bag nalang.

"Dadalhin na ako ni Martini sa pag alis niya."nakangiti kong saad.Napansin kong malalim na napahinga si Aling Meddy ng hangin saka siya sumandal sa kanyang upuan.

"Para sa ano?"tanong ni Victor.

"Para maging katulong niya."mabilisang sagot ko.Nagkatinginan pa silang dalawa ni Milan bago muli silang tumingin sa akin.Sa totoo lang hindi ko pa alam ang gagawin,kung katulong ba ako o hindi.

"Mabuti nga 'yan sayo Zoilla.Hindi kana niya masasaktan.Safe ka kay Martini."saad ni Aling Meddy.Narinig kong napaigham si Victor pati si Milan.Umikot ang mga mata ko.Nangyari sa kanilang dalawa?

"Hindi ba kayo masaya para sakin?Makakaalis na ako dito?"tanong ko sa kanilang dalawa pero sinagot lamang nila ng pagpikit nang kanilang mga mata.OA.

"Hoy!Ano ba?!Sagutin niyo ako?Aalis na ako ngayon at hindi niyo na ako makikita dito palagi."

"Tsh,kung aalis ka,edeh umalis kana.Hindi ka namin pipigilan at hindi ka namin mamimiss."sagot ni Milan.Tumayo ito sa inupuan niya para umalis.
"Mag iingat kana lang sa pag alis niyo."mahina niyang saad bago siya tumalikod sa aming tatlo.Kunot noo ko siyang sinundan ng tingin.Problema niya?Nilang dalawa ni Victor.

Napahinga ako ng hangin.

"Ikaw Victor.Wala kabang sasabihin sa akin?"dahan dahan nitong idinilat ang mga mata sakto sa akin.Masusi nitong tinititigan ang mukha ko bago siya pagak na natawa.

"Anong gusto mong gawin ko Zoilla?Ang magsaya dahil aalis kana?Tsh,nag iisip lang ako sa pwedeng mangyari sayo kasama si Martini."sumimangot ako.

Inusog ko ang upuan sa aking harapan at naupo na.

"Ano kaba!Walang mangyayari sa akin noh.Kasama ko siya kaya siguradong poprotektahan ako ni Martini."tumaas ang kanang kilay nito.

"Hindi ka talaga nag iisip!Hindi sa lahat ng oras nandyan siya para tulungan ka.Mindset ba mindset!Pag nasa labas ka ng mansion na ito iisipin munang hindi sa lahat ng oras tahimik ang nasa paligid mo.Tandaan mo 'yan!"

"Ano kaba!Ang gusto ko lang naman marinig sayo ay ang sasabihin mo sa akin.Sa aking pag alis dito."sumeryoso ang mukha niya.

"Na ano!"inis na niyang sumbat.Eh,hindi sanay sa maayos na magpapaalam to eh.

"Na ano,wala ba diyang goodbye hug,goodbye message..."hindi kuna natapos pa ang sasabihin nang mabilis itong tumayo sa kinaupuan niya para hapitin ako palapit sa kanya.Nadala niyon ang katawan ko sakto sa paglapat ng katawan niya sa akin.His hugging me tight.Napakurap ako ng mga mata.For real?

Captured By The Prince √Where stories live. Discover now