The kwek-kwek and isaw looked so tempting kaya iyon ang inuna namin. Marco scrunched his nose and chuckled when he saw me gave a bill to the lady.

"Don't insult me, Ica." He jokingly glared at me.

"I can pay for us," I uttered with a smile.

Binaba niya ang kamay ko, hindi ako pinagbibigyan. He pulled a smaller bill out of his wallet and gave it to the woman. I thanked Marco before casually keeping my money again on my bra. Natawa siya habang kumakagat ng isaw nang natuklasan iyon.

"Akin na nga iyang pera mo. 'Di ka naman nagsabing wala kang pitaka." He showed me his hand, the other hand pointing the stick at me. "Hold up ito, Miss," biro pa niya.

"Bumabalik ka na naman sa jejemon phase mo, Marco. Delikado," pagsasabay ko, umiiling bago inabot ang pera ko sa kaniya.

Sunod naming pinuntirya ay iyong quesadillas stall dahil nabanguhan ako noong dumaan kami. Nagtalo pa kami roon because we both wanted beef pero gusto niya na may cheese flavor, gusto ko naman may chili.

"Pagbigyan mo na Mrs. mo, Mak!" the guy said teasingly. Nanlaki ang mata ko sa pag-address niya sa akin. Palagi na lang kaming napagkakamalan ni Marco na mag-asawa!

Bago ko pa maitama iyon, nagsalita si Marco. "Sige na nga, Jace. Pagbibigyan ko na Mrs. ko." He was staring at me with playful eyes, kinurot pa ang chin ko.

Inirapan ko siya at nilingon iyon lalake. "Hindi pwedeng ihalo iyong spicy and cheese?" I asked. Pwede naman daw kaya natapos ang pagtatalo namin. We also added potato wedges.

Tinawanan ako ni Marco noong gumawa ako ng 'T' sign gamit ang kamay, hindi kaya iyong anghang. Nagpunas ako ng ilong gamit ang tissue sabay tingala habang umuubo kaya naman nagmamadali niyang nilabas ang phone niya.

"Blackmail," inunahan na niya ako. Pinabayaan ko na lang siya. Nag-acting pa ako roon kaya naman bahagya siyang natawa habang sumusubo ng quesadillas, nahulog pa iyong cheese pabalik sa tray basket.

"Dungis natin, Sir." I wiped the side of his lips with my thumb, laughing lightly.

"Lalo ka naman, Madam," ganti niya at tinuro ang baba ko. He kept on laughing as if I was so dirty!

"Kasiyahan mo talaga ako, 'no? This is just me! Huwag kang halata!" Hinawi ko ang buhok ko palikod, pabiro.

"Tama ka diyan. Kasiyahan kita," he smoothly confirmed.

Nabilaukan ako sa nginunguya ko kaya dumoble ang tawa niya pero noong napansin na totoo talaga akong nabilaukan, nataranta siya at hindi alam kung saang stall bibili ng tubig. Nabangga pa ang hita niya sa dulo ng lamesa sa pagmamadali kaya paika-ika siyang tumakbo, mukhang nasaktan.

"Hayop ka!" Namura ko pa siya at sinampal nang mahina ang panga niya bago inagaw iyong inabot niyang tubig.

"Sorry po." Nakangising tumabi siya sa akin at pasimpleng nilagay ang kamay sa hita ko, nagpapatuloy sa pagkain.

Medyo nabusog na kami sa quesadillas at wedges kaya iyong biko ang pinili naming panghuling kakainin ngayon.

"Is this flower edible or tatapon ko ito?" I curiously lifted the blue flower in front of Marco, waiting for an answer.

"Pwedeng kainin iyan. Masarap." He showed me his thumbs up before holding my wrist and taking a bite on the biko I was holding.

"Sure? 'Di ako malalason? Baka ginu-goodtime mo 'ko diyan. Baka balak mo akong patayin, ah?"

He pursed his lips, stifling a laugh. Then he pushed my forehead and took another bite on the biko. Binigay ko na lang iyon sa kaniya habang ako naman sinubo na iyon bulaklak.

Drowning Emotions (Isla Series #5)Where stories live. Discover now