Bigla namang nag-ring ang phone ko at tinatamad na tiningnan kung sino ang tumatawag. Nag-alangan naman ako kung sasagutin ko o hindi nang makitang si Eric iyon. Normal lang naman sigurong maramdaman ito, diba? Miss ko na siya — miss na miss ko na siya, pero kasi parang halos hindi na ako parte sa mga mahahalaga sa kaniya.

Pilit kong iniintiding magkaiba kami ng mundong ginagalawan. Estudyante pa lang ako at nagta-trabaho na siya. Pero kasi naman eh.

Namatay na ang tawag at akala ko ay tatawag na ulit siya pero mukhang nag-text na lang.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

From: E

Are you sleeping? Sleep well then. Dreams of me. I miss you, my treasure.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Napabuga naman ako ng hangin. Miss niya rin ako. Dapat makontento na ako roon. Paniguradong busy siya, at pagod at stressed na siya kaya hindi na dapat akong mag-inarte pa at intindihin na lang siya. Kung ano ang kaya niyang ibigay, dapat maging masaya na lang ako roon.

Pero mukhang matatagalan bago ko magawa iyon.

Napailing na lang ako saka binitawan ang phone ko't pumikit. Sinubukan kong matulog pero hindi ko naman magawa kaya bumangon na lang ako saka nag-reply.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

To: E

Miss na rin kita. Ingat ka lagi.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Akala ko ay hindi na siya mag-re-reply dahil paniguradong bumalik na ulit siya sa pagta-trabaho nang muling mag-ring ang phone ko at nakitang tumatawag na naman siya. This time, sinagot ko na iyon.

Nag-aalangan akong nagsalita. "Hello?"

Narinig kong tahimik ang nasa kabilang linya hanggang sa narinig ko na ang boses niya. (Are you mad at me?) Halata ang pag-aalala sa boses niya.

Huminga naman ako nang malalim saka pinakalma ang sarili ko. "Hindi naman." Hindi naman talaga ako galit. Kasi kung aaminin ko, mas nagtatampo ako, at kinakabahan dahil baka may makilala siyang mas gugustuhin niya.

(Are you sure?)

Tumango naman ako kahit hindi naman niya makikita. "Oo. N-Na-mi-miss lang talaga kita." Sa latest na balita ay kasalukuyang nasa New Jersey siya kaya paniguradong mas hindi ko siya makakasama bukas at maipapakilala man lang kela Mama.

(I miss you too. So damn much. I'm so sorry for being too busy.) Kahit sa boses niya ay halatang stressed siya. Hindi nga lang ganoon kahalata sa pictures dahil hindi maitatangging ang gwapo niya pa rin at talaga naka-ayos pa siya.

"Ayos lang. Trabaho 'yan eh." Pilit kong sinisigurado kong mukhang okay ang boses ko. Ilang saglit naman kaming natahimik at akala ko ay wala na siya sa kabilang linya kaya naman bahagya kong inilayo sa tenga ko ang phone ko para tingnan, pero on-going pa rin naman. "Sige na. Baka busy ka pa't marami kang ginagawa. Tapusin na natin 'to —"

(You mean the call, right?) Para bang nag-pa-panic siya sa paraan ng pagtatanong niya. Napakunot naman ang noo ko. Ano pa bang dapat tapusin — (Dax. You meant the call, right? Not this thing between us, right?)

Saka ko lang nakuha ang ibig niyang sabihin. "'Yung tawag lang. 'Wag kang mag-alala." Narinig ko naman siyang napabuga ng hangin. "Ayos ka lang ba?" hindi ko na napigilang tanungin.

Ilang segundo ulit bago siya nakasagot. (Not really. I'm getting even more stressed and right now... so damn scared.)

"Scared?" Napakunot naman ang noo ko. "Bakit ka nakakatakot?"

(Because I might lose you if I kept on being this busy. You might get tired of waiting and understanding me — and don't even deny it. I know you're slowly getting tired of this setup.)

So, alam niya... "Eric... Trabaho naman 'yan eh. At alam kong kung hindi ka lang na-sa-sandwich sa sunod-sunod na meetings, pupuntahan mo 'ko." Biglang may pumasok sa isip ko. "P-Pero sana walang iba. S-Sana hindi magbago ang nararamdaman mo sa akin —"

(Are you serious right now? My worst fear is losing you, Dax. So having someone else other than you or instead of you is not in my mind. The only thing that's keeping me sane right now is you, so, please... Don't think like that. I treasure you so much, Dax.)

Saka ko lang napansing basa na pala ang mga pisngi ko. Hindi ko inaasahang umiiyak na pala ako. Mabilis ko iyong pinunasan saka suminghot. "H-Hindi na. H-Hindi ko na iisipin 'yun. Mahalaga ka rin sa akin, Eric. Mahalagang-mahalaga, tandaan mo 'yan."

(Then would you mind opening the door for me?)

Mahina naman akong natawa. "Ang corny mo. Pero matagal nang bukas ang pinto ng puso ko para sa 'yo."

Narinig ko rin siyang tumawa. (I'm glad to know that but... I'm actually referring to your main door. Your house.)

Agad akong napabangon saka nanlalaki ang mga matang napatingin sa labas. Mabilis akong tumayo saka naglakad papunta sa pinto. Pagbukas na pagbukas ko ay mukha niya ang unang sumalubong sa akin. Nasa may tenga niya pa rin ang phone niya at nakangiti siya habang nakatingin sa akin. "E-Eric..."

Ibinaba niya ang phone niya at mukhang pinatay ang tawag saka humakbang papalapit sa akin at mahigpit akong niyakap. "I just... I treasure you so much. I missed you so much. So very much." Halos paulit-ulit niyang ibinubulong iyon.

Gulat pa rin ako at hinid halos makagalaw hanggang sa dahan-dahan ay inangat ko na ang mga braso ko saka siya niyakap nang mahigpit. "M-Mahal kita. Mahal na mahal," bulong ko pabalik habang nakapikit ang mga mata.

Naramdaman kong natigilan siya. Bigla naman akong kinabahan. H-Hindi ko pa ata dapat sinabi iyon. N-Nabilisan ata siya —

Napatigil ako sa pag-iisip dahil sa mabilis na pangyayari. Kumawala siya sa pagkakayakap at ang sunod ko na lang naramdaman ay ang mga labi niya sa mga labi ko. Dilat na dilat ako sa bilis ng pangyayari habang siya naman ay nakapikit.

Ilang segundo lang magkadikit ang mga labi namin pero naramdaman ko ang kalambutan nun. Ilang beses akong napakurap nang humiwaly na siya at nakangiting nakatingin na sa akin. Nanatiling nakahawak pa rin naman ang mga kamay niya sa magkabila kong pisngi. Narinig at nakita ko pa siiyang mahinang natawa kaya agad na nagbago ang ekspresyon ng mukha ko at sinamaan ko siya ng tingin. "Next time, don't attack my heart like that, okay?" nakangiting sabi niya.

Tuloy pa rin ang masamang tingin ko sa kaniya. "Anong attack attack ka riyan. Ikaw nga nang-aatake bigla ng labi eh."

Muli siyang natawa. "It was your fault."

"At talagang —"

"I love you too," seryoso pero nakangiting sabi niya habang titig na titig sa mga mata ko. "I love you too so damn much."

Bumilis nang bumilis ang tibok ng puso ko hanggang sa... Ako naman ang humawak sa batok niya saka hinila siya palapit sa akin at muling nagdikit ang mga labi namin.

Mahal kita. Mahal na mahal kita, Eric. Sobra-sobra.

~*~The End~*~

15 What Ifs [COMPLETED]Where stories live. Discover now