NINTH WHAT IF

39 2 0
                                    


NINTH WHAT IF

"What if magsimula ka nang magseryoso sa isang pekeng sitwasyon?"

~ Anonymous

~~~

DAX' POV

Agad ko namang narating ang destinasyon ko. Buti na nga lang at hindi na ako nawala eh. Nakita ko naman kaagad si Ericson na nasa loob ng puting pavillion na nababalot ng mga berdeng halaman na may mga kulay dilaw na bulaklak at nagkakape.

Alam kong nakita niya ako pero as usual, hindi niya ako pinansin, kaya kusa na lang akong umupo sa upuang katapat ng kaniya. Ginaya ko ang nakatagilid niyang upuan kaya pareho na kaming nakaharap sa malawak na hardin nila.

Ilang saglit kaming nabalot ng katahimikan hanggang sa tumikhim na ako para agawin ang atensyon niyang agad ko namang nakuha. As usual, tinaasan niya ako ng kilay nang hindi ako umimik kahit gustong-gusto ko na para matapos na ito at hindi na humaba pa.

Muli akong tumikhim para naman pakalmahin ang sarili ko. "E-Eric... May... May sasabihin ako sa 'yo, pero sana 'wag kang magalit—pero kung magalit ka man, deserve ko naman kaya ayos lang, pero sana hindi talaga."

Biglang naging blangko ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Hindi ko tuloy alam kung hinahanda niya ba ang sarili niya sa sasabihin ko, o pinapakalma niya para nga hindi siya magalit katulad ng request ko—Ewan! Basta bahala na. Gusto ko nang matapos 'to.

"M-May nagawa akong kasalanan. At kahit anong paliwanag ko, kasalanan pa rin naman talaga iyon. Gusto ko sanang hilingin na hindi na ito umabot sa pulis pero choice mo naman 'yun. Basta ang sasabihin ko lang ay hindi damay si Ate rito. Ako lang ang may kagagawan nito, walang alam si Ate."

Mula nang may mabanggit akong pulis ay nagbago na ang ekspresyon sa mukha niya. Halatang naguguluhan na siya. "Why does it have to include the police in the first place?"

Huminga muna ako nang malalim saka tumingin diretso sa mga mata niya kahit na ang gusto kong gawin ay pumikit habang umaamin, sa takot na makita ko ang galit sa mukha niya. "K-Kasi... A-Ako 'yung nag... nagnakaw sa inyo noong nakaraan." Hindi ko alam pero kahit pinipilit kong hindi pumikit o magpakita ng takot ay hindi ko mapigilan ang panginginig ng mga kamay ko. Kinuha ko ang relong nasa bulsa ng polong suot ko. "I-Isa ito sa nakuha ko noon sa... sa vault mo. At... At ako rin 'yung pilit mong hinabol ng patalim sa kwarto."

Nakita ko pa ulit ang pagbabago ng ekpresyon sa mukha ni Eric nang ibinaba niya ang tingin niya sa relong hawak-hawak ko. Agad ko iyong inilapag nang maingat sa lamesa saka dahan-dahang itinulak papalapit sa kaniya.

"P-Pasensya ka na. P-Pasensya na talaga—"

"And Mom said to trust you." Tumawa siya habang ang mga mata niya ay walang kaemo-emosyon. "She didn't even know that the person who stole from us is nothing but a criminal. Tapos pinagmamalaki ka pa niya sa amin." Muli siyang tumawa. "So that's probably the reason why you said yes to her proposal of befriending me, hmm?"

Agad nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko naman inaasahang alam niya ang tungkol sa bagay na iyon dahil kaming tatlo na lang nila Ate at Tita ang nakakaalam ng usapan na iyon. "Eric—"

"And here I was thinking that you still at least, even a little, wanted to be friends with me. Pero ano pa nga bang aasahan ko sa kriminal na katulad mo—"

"Oo, nagnakaw ako. Oo, krimen ang ginawa ko. At oo, tinanggap ko 'yung alok ni Tita kapalit ang malaking halaga. Alam kong hindi mo 'ko pakikinggan at alam kong may karapatan kang magalit, pero anong magagawa ko kung iyon na lang ang natatanging paraan para hindi malagay sa peligro ang buhay ng ate ko?" Hindi ko na mapigilang mapatayo at maglabas ng emosyon. "Palibhasa ay hindi niyo naman pino-probelema ang pera kaya hindi niyo kakailanganing i-konsidera ang paggawa ng masama."

Ilang beses akong huminga na para bang nakipaghabulan ako. Halatang galit pa rin si Eric sa akin base sa mga tingin niya pero hindi naman na siya nagsalita pa kaya nagpatuloy na lang ako.

"Oo, nagnakaw ako, at kahit ako, naiinis ako sa sarili kong ginawa ko 'yun. Ilang beses akong humingi ng tawad sa mga magulang ko at sa Diyos dahil nagawa kong gumawa ng krimen. Paniguradong hindi ito ang gusto para sa akin nila Mama at Papa, pero kung para hindi mapahamak ang ate ko, handa kong gawin iyon nang paulit-ulit."

Hindi ko alam pero tuluyan nang pumatak ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Para akong nanghihinang napaupo pabalik sa kinauupuan ko kanina.

"Si Ate na lang ang meron ako. Kaya nang marinig ko 'yung mga alagad nung inutangan nila Papa na kapag hindi pa rin namin nabayaran ang utang na 'yun eh sa ilog na lang makikita ang mga bangkay namin, ginawa ko ang alam kong last resort ko." Tiningnan ko siya direkta sa mga mata niya. "Handa akong gawin lahat ng kaya at pwede kong gawin, 'wag lang kunin si Ate sa akin—'Wag lang siyang mapahamak." Pinunasan ko ang mga luha ko. "Kaya pasensya ka na kung ninakawan ko kayo. Pasensya na talaga."

Muling bumagsak ang mga luha ko kahit na pigil na pigil na ako. Napayuko na rin ako nang tuluyan at naghintay na lang sa kung ano ang mangyayari.

Paniguradong nag-iisip na siya kung paano tatawagan ang mga pulis o kung paano sasabihin iyon kay Tita Evelyn. Tanggap ko naman na. As long as hindi mapapahamak o madadamay si Ate, okay na ako. Sorry, Ma. Sorry, Pa. Sorry, Ate.

"It was right of me not to trust you," narinig kong sinabi niya na nagpatigil sa paghinga ko.

Hindi ko maiangat ang ulo ko dahil sa takot at kabang nararamdaman ko. Hindi lang iyon. Naguguluhan din ako kung bakit para bang nasaktan ako sa sinabi niya. Bakit ako nasasaktan? Normal kung kinakabahan ako at natatakot dahil sa kaniya nakasalalay kung makukulong ba ako o hindi pero ang masaktan sa sinabi niya? Bakit?

Napansin kong inabot niya ang relong ibinigay ko kanina saka ko siya narinig na huminga nang malalim. "I'm not going to tell you to the police. I'm not going to sue you for theft. And I'm not going to tell anyone about your involvement to the crime or even about this conversation." Mabilis akong napatingin sa kaniya. Nagtatalo ang kaguluhan at tuwa sa loob ko dahil sa mga sinabi niya. "It was obvious that Mom adored you being the son of her late best friend, so I'm not going to ruin that to her. It might only bring her stress and I don't want that."

Hindi ko na tuloy mapigilang magtanong. "A-Anong kapalit?"

Seryoso niya akong tiningnan at ngayon ko lang naramdaman ang lamig ng tingin niya sa akin. "You'll leave this house and tell my mom that you can't be friends with me or convince me to take the therapy. You can say that you can no longer handle my attitude whatsoever, just leave—"

"P-Paano kung ayoko?"

Kumunot naman ang noo niya. "Isn't the money she gave you enough already? Do you still want more? I can handle that then—"

"H-Hindi sa ganon. Pero kasi... Pagod na akong magsinungaling, at kasinungalingan kung sasabihin kong pagod na ako sa ugali't pakikitungo mo sa akin, kasi kung magiging totoo ako, hindi naman eh." Ako naman ang seryosong tumingin sa kaniya. Ayoko nang magsinungaling pa ulit. "Oo, nakakairita ang ugali mo. Minsan—Ayy hindi. Madalas nakakapikon ka. Palagi mo 'kong tinatratong hangin o kaya naman ay sasamaan mo 'ko ng tingin, pero sa totoo lang..." Napakunot na ako ng noo dahil kahit ako ay hindi ko inaasahan itong sasabihin ko. "Sa totoo lang, okay lang sa akin. Kasi may mga oras naman na mabait ka. Madali ka ring kausap, kahit medyo lang pala. At higit sa lahat, iniintindi mo ang mararamdaman ng ibang tao pagdating sa mga bibitawan mong salita." Hindi ko mapigilan ang mahinang tawa na kumawala sa mga labi ko. "Hindi lang 'yun. 'Yung pagtrato mo rin at pagpapahalaga sa kapatid at mama mo. Para sa akin, kung masama ka ngang tao, dapat sa kanila mo ibinubunton ang dalit mo sa mundo. Dapat sinisigawan mo sila at kung ano-ano pa, pero hindi eh. Sa nakikita ko, sarili mo lang ang sinisisi mo, at gusto kong makita ang pagbabagong iyon sa 'yo. Na darating 'yung araw na matatanggap mo sarili mong hindi ikaw ang may kasalanan ng lahat ng nangyari noon. Na darating 'yung araw na matututunan mo nang pahalagahan ang sarili mo. Selfish na kung selfish pero gusto ko talagang makita iyon habang nasa tabi mo."

Huminga ako nang malalim saka ngumiti sa naguguluhan at gulat niyang mukha. Inilahad ko pa ang kamay ko sa kaniya.

"Kaya kung ayos lang, o kahit hindi, ako si Dax Allen Acenas, at gusto sana kitang maging kaibigan. 'Yung totoo na at hindi dahil sa binayaran at inutusan ako ng mama mo. Ako si Dax Allen Acenas at gusto ko sanang maging kaibigan mo ako nang matagal hanggang sa tuluyan mo nang mahalin ang sarili mo."

15 What Ifs [COMPLETED]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ