Chapter 16

14 4 0
                                    

Riley's Pov

"I think I like you" 

Natigilan ako sa pagsusuklay ng buhok ko nang banggitin iyon ni Stan na ngayon ay nasa loob ng kwarto ko. 

"Tigilan mo 'ko Stan" Sagot ko na lang. Natahimik ito kaya naman hinarap ko sya at sinalubong ang mga tingin nya. 

"You're joking right?" Tanong ko kahit na kinakabahan din ako dahil sa sinabi nito. Umiling ito kaya mas lalo akong kinabahan. 

"I'm not Riley" 

"H-how? I mean ang dami namang babae d'yan" Nauutal na palusot ko at muling humarap sa salamin. 

"You're right, ang daming babae d'yan but I don't want any of them. I just want you" Sambit pa nito. 

"Stan--- Tumayo ito at lumapit sa'kin bago magsalita ulit.

"I know it's too early but I can't stop it, I tried many times to stop thinking about you after the musicfest in Cebu but I just can't" Paliwanag nito. Kinabahan ako dahil baka mapansin nya na kinikilig ako sa sinasabi nya. 

"Let me give you the love that you deserve Riley" Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil naalala ko na naman ang mga pinangako sa'kin ni Cedric. Kung paano nya ko binola gamit ang matatamis nyang salita. Ngayon ay hindi ko alam kung kaya ko pang paniwalaan ang mga sinasabi sa'kin ni Jiro dahil minsan na din itong sinabi sa'kin ni Cedric. 

Kahit na gusto ko si Stan ay nangingibabaw ang takot na nararamdaman ko. 

"Stan, I'm s-sorry" Pahina ng pahina ang boses ko ng sambitan ko iyan dahil alam ko sa sarili ko na hindi ito ang gusto kong sabihin. Tumango lang si Stan atsaka naglakad palabas sa kwarto ko. 

'Did I just rejected the guy I want to be with?' 

Nang makalabas ng tuluyan si Stan sa kwarto ko ay inayos ko na ang sarili ko at maya maya lang ay bumaba na. Naabutan ko si Giselle na naghahain na. 

"Sa kotse ka na lang daw hihintayin ng prince charming mo" Asar sa'kin ni Giselle nang makalapit ako sa dining area. Pagkaupo ko doon ay nakita ko ang isang bottle of hot milk galing sa starbucks.

"Kanino toh?" Tanong ko.

"Sayo, dala yan ni Stan kanina" Sagot ni Giselle at nagsimula na kaming kumain ng umagahan. Naging tahimik lang ako habang kumakain.  

"Ako na magliligpit couz, lumabas ka na dun at baka maboryung na si Stan sa kotse. Pagkatapos ko dito ay papasok na din ako" Saad ni Giselle nang matapos kaming kumain. Tumango naman ako atsaka naglakad palabas ng bahay. Bumungad sa'kin ang sasakyan ni Stan na Lamborghini Aventador LP 780-4 Ultimae. Ang kotse ni Stan ay dating modelo ng lumang kotse ni Kuya. Nang makalapit ako doon ay marahan akong kumatok sa bintana ng passenger's seat, agad din naman itong bumukas. Sumakay na ako at naamoy ang panlalakeng amoy nito. Hindi man lang nagsalita si Stan at agad din na pinaandar ang kotse nya palabas ng Subdivision namin. Gustuhin ko man na kausapin si Stan ay hindi ko magawa dahil sa nangyare kanina. Kaya naman hanggang sa makarating kami sa school, sinalubong ako nila Lane sa may gate at binati.

"Happy Birthday Riley!" Sabay sabay nilang bati. May dala pa silang flowers at cake na may kandila sa ibabaw.

"Thank you" Sambit ko.

"Make a wish and blow the candle Riley" Nakangiting saad ni Austin. Tumingin naman ako sa tabi ko kung saan nakatayo si Stan, naaktingin lang ito sa'kin. Muli kong binaling ang atensyon sa cake, pumikit muna ako atsaka ni-blow ang candle.

"Yown! Anong wish mo?" Tanong ni Jaxson. 

"Secret" Sagot ko naman atsaka naglakad na ulit. 

"Ipapatabi na lang namin toh sa H.E tapos mamaya natin kainin" Sambit ni Austin, tumango na lang ako.

The Day We Met (BoyBand Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon